Talent manager- columnist Alfie Lorenzo fires back at Star Magic

by Bong Godinez
May 20, 2008
Talent manager-entertainment columnist Alfie Lorenzo fumed at Star Magic and its head Johnny Manahan for allegedly making a "gimik" out of him and his longtime talent Judy Ann Santos (inset, bottom) to boost Claudine Barretto's (inset, top) television comeback.

Umalma ang entertainment columnist-talent manager na si Alfie Lorenzo sa diumano'y editing na ginawa ng The Buzz sa kanyang taped interview na ipinalabas noong nakaraang Linggo, May 18.

Sa nasabing interview kasi ay sinabi ni Alfie na ginamit ng ABS-CBN ang alaga niyang si Judy Ann Santos upang lumikha ng ingay para sa upcoming television comeback ni Claudine Barretto.

"Oo, tama ka kasi kailangang gumawa ng ingay dahil nagka-comeback si Claudine," diretsong sambit ni Alfie sa interview sa kanya ng The Buzz.

Tinukoy ni Alfie ang latest shampoo endorsement kung saan magkasama sina Juday at Claudine, along with Ruffa Gutierrez and Gretchen Barretto. Paniniwala ni Alfie ay "riding on the coattails of Juday" itong si Claudine para gumanda ang image at bumango ang pangalan.

"Naiinis ako. Yun bang parang they try to find a way para magkaroon ng ingay ang comeback ni Claudine at ang ikinaiinis ko, lumang style na ‘yon. Ba't di na lang baguhin kung paano, di ba?" reklamo ng beteranong talent manager.

Continue reading below ↓

BLATANT GIMMICK. Sa kanyang column na lumabas ngayong araw, May 20, sa Abante Tonite ay tahasang sinabi ni Alfie na na-gimikan siya ng Star Magic (talent arm ng ABS-CBN) sa paraang hinati-hati ang kanyang mga naging pahayag sa The Buzz, dahilan upang maging out of context ang dating nito sa mga manonood.

"Yung taped interview ni Morly Alinio ay tungkol kuno sa diamond ring na bigay ni Ryan kay Juday. E, nag-segue si Morly sa tanong kung galit daw ba ako kay Claudine. Magkaaway raw ba sina Juday at Claudine?" kuwento ni Alfie.

Ayon pa sa manager ni Juday, "chop-chop at pinagdugtong-dugtong" daw ang ipinalabas na interview at halatang pinili ang mga salitang maaaring mabahiran ng ibang kulay.

"My interview was cut off doon sa sinabi kong ‘lumang style na ‘yan, e,'—kilometric ang example ko. Like hindi naman kako the best of friends sina Juday at Claudine, they're friends even not that close—ginamit yung Pantene commercial na magkasama sila para pagkumparahin, mga fans lang naman ang nagpapaaway sa dalawa para may kumpetisyon, may pag-usapan," katuwiran ng beteranong kolumnista.

Continue reading below ↓

Nang tanungin daw siya ng The Buzz during the interview kung galit ba siya kay Claudine ay sumagot siya, "Hindi."

"Sagot ko, bakit naman ako magagalit kay Claudine? Noong awayin niya ang Ate Gretchen niya, kinausap ko pa siya sa lobby ng ABS-CBN and advised her na tigilan na ang ate niya para hindi na lumaki pa ang gulo at maglabasan pa ang iba pang mga baho dahil sooner dahil sooner than you can think ay magkakabati-bati rin kayo, so stop it na. Bakit wala ‘yon sa interview?" tanong ni Alfie.

Dagdag pa ng palabang talent manager, "Bakit tinanggal nila yung sinabi kong si Juday lang ang dalaga sa apat na Pantene models? Dahil mas aangat si Juday kesa tatlo?"

LASHING OUT AT MR. M. Sa official statement na ipinalabas ng Star Magic sa nasabing isyu ay ipinagtanggol nila si Claudine sa mga naging pahayag ng matapang na manager. Hindi raw sumasakay si Claudine sa popularidad ni Juday sa dahilang nakagawa na ng sariling pangalan ang batang Barretto sa showbiz, bunga na rin ng sariling sikap at talento nito.

Continue reading below ↓

"ABS-CBN believes that Ms. Claudine Barretto made a name in showbiz and has a loyal following because of her popularity and hard work, and has no need of any help from Judy Ann Santos or bitter old man posing as showbiz journalist."

Nag-react si Alfie sa lumabas na statement at binatikos ang Star Magic head na si Johnny Manahan. Kung siya raw ay tinawag ng Star Magic na "bitter old man," si Mr. naman daw ay "spicy old man."

"Pagkatapos ng gimik kay Lolit, sa akin naman? Hay naku [Mr.] Manahan, magdiskubre ka muna ng isang mabibildap mo na matatalbugan ang kasikatan ni Judy Ann Santos bago ka maghamon ng achievements, ‘noh?!

"Akala mo eh magaling kang direktor eh mukhang mga karnabal naman sa ingay ang mga dinidirek mong shows from Monday to Sunday! Aba, lahat na yata ng shows eh inangkin mo na eh buo na naman ‘yang mga ‘yan nung i-take over mo ala-EDSA? Yung mga show na konsepto mo eh nawala lahat sa ere! And you have the guts to call yourself the head of Talent Center na nagging Star Magic eh wala namang magic sa kingdom mo, puro sabit lang kay Juday!" galit na buwelta ni Alfie kay Mr. Manahan.

Continue reading below ↓

Sa pagtatapos ng kanyang artikulo ay muling idiniin ni Alfie ang pagkadismaya niya sa ipinalabas na interview sa kanya.

"Inulit-ulit ko kay Morly Alinio, Juday and Claudine may not be the best of friends, hindi sila that close pero magkaibigan sila, I suppose. Hindi sila nag-aaway o nagsisiraan behind their backs. Ganoon."

Muli ay tanong ni Alfie: "How come iba ang lumabas sa The Buzz?"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Talent manager-entertainment columnist Alfie Lorenzo fumed at Star Magic and its head Johnny Manahan for allegedly making a "gimik" out of him and his longtime talent Judy Ann Santos (inset, bottom) to boost Claudine Barretto's (inset, top) television comeback.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results