Gabby Concepcion and his manager ask court to junk P2.8M damage suit

by Erwin Santiago
May 20, 2008
Gabby Concepcion (in photo) and his manager Mrs. Rose Flaminiano have asked the Quezon City Regional Trial Court to junk the P2.8 million damage suit filed against them by an entertainment columnist and radio personality.

Hiniling ng aktor na si Gabby Concepcion at ng kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na ibasura ang P2.8 million damage suit na isinampa laban sa kanila ng entertainment columnist at radio personality na si Jobert Sucaldito dahil sa "lack of merit."

Bilang pagsagot sa demandang isinampa ni Jobert sa sala ni QCRTC Branch 96, Presiding Judge Afable Cajigal, hiningi rin nina Gabby at Mrs. Flaminiano ang "compulsory counterclaim" sa korte para ipag-utos sa kolumnista na bayaran sila ng halagang tigli-limang milyong piso para sa moral and actual damages.

Ayon sa report ng GMA News, sinabi rin nina Gabby at Mrs. Flaminiano na ang mga alegasyon ni Jobert ay "baseless, malicious, and unfounded."

Matatandaang idinemanda ni Jobert sina Gabby at Mrs. Flaminiano dahil sa paglabag diumano ng mga ito sa verbal agreement nila na ie-endorse ng aktor ang isang whitening product sa halagang P2.5 million at dalawang units ng 56-inch plasma TV. Si Jobert ang nagsilbing middle man sa pagitan ni Gabby at ng manufacturer ng whitening product.

Continue reading below ↓

Pero nagulat si Jobert nang malaman niyang pumirma na si Gabby at ang manager nito para i-endorse ang kalabang whitening product sa halagang P5 million. Ito ay sa kabila diumano ng dalawang linggo na nilang pag-uusap tungkol sa naunang ialok na endorsement. Nai-schedule na rin daw ni Jobert ang pormal na pirmahan ng kontrata para maisara na ang negosasyon.

Ayon sa affidavit na isinumite nina Gabby at Mrs. Flaminiano sa QCRTC, walang "legal personality" si Jobert upang magdemanda o idemanda. Ito ay dahil nagsilbi lamang ang kolumnista bilang isang agent o representative ng manufacturer ng produkto nang walang "written authorization" para makipagnegosasyon sa kanila.

Iginiit din ng defendants na wala silang naisarang kasunduan dahil fundamental sa kahit na anong kontrata na ang principal ang siyang haharap sa negosasyon at hindi lamang "agent, representative or mere fixer" gaya ni Jobert.

"By reason of the malicious, baseless and unfounded complaint for damages filed by Sucaldito against defendants, they suffered damages since they have names to protect and preserve against this kind of baseless, malicious and unfounded civil action for damages," saad ng defendants sa kanilang kasagutan.

Continue reading below ↓

Itinanggi rin ni Mrs. Flaminiano ang pahayag ni Jobert na malapit na kaibigan niya si Gabby.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion (in photo) and his manager Mrs. Rose Flaminiano have asked the Quezon City Regional Trial Court to junk the P2.8 million damage suit filed against them by an entertainment columnist and radio personality.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results