John Lloyd-Bea fans threaten to boycott Sarah-John Lloyd movie

by Julie E. Bonifacio
May 21, 2008
"Ganun? May ganun? Huwag naman. Trabaho lang naman ito, e. ‘Tsaka hindi naman ito forever na talagang inagaw ko si John Lloyd kay Bea. Trabaho lang. Part ito ng trabaho," Sarah Geronimo reacts to reports that the fans of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo (inset) will boycott the singer-actress' movie with the young actor.

In denial ang young singer-actress na si Sarah Geronimo sa grand launching ng Belo Essentials last Monday, May 19, na na-upstage niya ang tatlong naunang celebrity endorsers nito na sina Regine Velasquez, Lucy Torres-Gomez, at Zsa Zsa Padilla sa talent fee at TV commercial.

"Hindi naman po in-upstage," nakangiting sabi ni Sarah sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasi po ang goal ng Belo ngayon is to reach out mga younger people. So yun po."

Mismong si Dr. Vicki Belo ng Belo Essentials ang nagkumpirma na mas malaki ang talent fee ni Sarah kina Regine, Zsa Zsa, at Lucy dahil libre raw ang serbisyo ng tatlong naunang endorsers nila.

"Kasi libre nga raw po sila kasi mga friends ni Dra. Belo," sambit ni Sarah.

Pero si Sarah ay hindi raw libre. Magkano ang talent fee niya? May P5 million ba?

"Tanungin n'yo po si Boss Vic [del Rosario, Sarah's manager]. Hindi ko po alam. Actually, hindi ko po talaga alam," sagot ng young singer-actress.

Continue reading below ↓

NO SURGERIES, PLEASE. Facial care lang daw ang ipagagawa niya sa clinic ni Dr. Vicki Belo at hindi surgical procedures.

"Ay, huwag! Masasaktan lang ako," sabi ng dalaga. "Pero nakaka-tempt. Nakaka-tempt po talaga kasi magaganda yung mga nakikita mo. Pero nandiyan po ang parents ko para gabayan ako and kailangan maging kuntento rin, e."

Paano kung okay lang sa kanyang mga magulang na may ipagawa siya?

"Siguro konting dito lang," sabay hawak niya sa kanyang pisngi at pag-pout ng lips.

"Hindi, joke lang po," bigla niyang bawi.

Meron daw tinamaan sa sinabi ni Sarah na singer siya at hindi sexy star para magparetoke pa ng mukha at katawan.

"Hindi ko naman po mini-mean na magpatama. Sa akin lang po yung sa sarili ko. Yung point of view ko, yung prinsipyo ko, yun lang po," depensa niya.

MOVIE WITH JOHN LLOYD. Tuluy-tuloy naman ang shooting ni Sarah ng first movie niya under Star Cinema with John Lloyd Cruz na naka-schedule ipalabas on June 25.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Sarah, "Para po siyang The Devil Wears Prada. I work for him [John Lloyd] sa isang malaking kumpanya."

Ang role ba ni John Lloyd sa movie nila ay tulad ng character ni Meryl Streep sa nabanggit na Hollywood movie kasama si Anne Hathaway?

"May pagkaganun. Yes po. Tapos parang pinapahirapan niya ako," sagot ni Sarah.

"From the beginning pa lang, mahal na mahal ko siya kaya binibigay ko ang lahat. Binibigay ako ang lahat para sa kanya hanggang sa nalaman ko... Ay, nagkwento na!" natatawang sabi ni Sarah nang maalala na sinasabi na niya ang plot ng wala pang title na pelikula nila.

Ano ang reaksiyon ni Sarah sa mga nagsasabi na inagawan niya si Bea Alonzo ng ka-love team?

"Ay, hindi naman po. Para maiba lang. Something new."

May pressure ba sa kanya na pinalitan niya muna si Bea bilang kapareha ni John Lloyd, knowing kung gaano kalakas sa takilya ang tambalan ng dalawa?

Continue reading below ↓

"Ay, opo," sagot ni Sarah. "Definitely, may pressure po kasi yun nga po, sobrang kilalang-kilala na ang love team nila. Siyempre, hindi po maiiwasan ang comparison. Basta ako, ibibigay ko lang yung best ko kung anuman pa ang maging outcome."

Nakahanda na ba siya sa kissing scene nila ni John Lloyd sa pelikula?

"Hindi, wala pong kissing scene," natatawang paglilinaw ni Sarah. "May hugging scene po. May hugging scene naman po."

Nire-reserve ba niya ang first screen kiss niya para sa isang very special sa puso niya?

"Opo, ‘tsaka hindi pa po tamang panahon."

Kailan ba sa tingin niya ang tamang panahon?

"Hindi, yun na nga po, at the age 20, feeling ng mga bagets, ‘Uy, mag-boyfriend na ako! Ganyan-ganyan. Walang masamang gawin ito, ganyan-ganyan.' Bakit mo pa ie-encourage, di po ba? So, mag-set ako ng magandang example sa mga kabataan naman.

"Siguro ‘pag mga 30 na ako, ‘yan, puwedeng-puwede na ‘yan. Or siguro kahit 50. ‘Yan siguro kahit sino iki-kiss ko talaga!" natatawa niyang sabi.

Continue reading below ↓

Kumusta namang katrabaho si John Lloyd sa set?

"Okey naman po. Ngayon po nagkakaroon na kami ng time para kilalanin ang isa't isa at mas naging kumportable kami sa isa't isa. Nag-i-initiate ako at nag-i-initiate rin siya. So, okey naman po," lahad niya.

Pinapatawa ba siya ni John Lloyd sa set tulad ng ginagawa ng young actor sa kanyang usual leading lady na si Bea?

"Hindi, wala. Hindi pa dumating yung kiliti-kilitian. Hindi pa kami ganun ka-close," saad ni Sarah.

May balita na ibo-boycott daw ng mga fans nina John Lloyd at Bea ang movie nina Sarah at John Lloyd. Hindi raw kasi type ng mga John Lloyd-Bea fans si Sarah na makapareha ng male idol nila. Ano ang reaction ni Sarah dito?

"Ganun? May ganun?" tila hindi makapaniwala na sagot ni Sarah. "Huwag naman. Trabaho lang naman ito, e. ‘Tsaka hindi naman ito forever na talagang inagaw ko si John Lloyd kay Bea. Trabaho lang. Part ito ng trabaho."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ganun? May ganun? Huwag naman. Trabaho lang naman ito, e. ‘Tsaka hindi naman ito forever na talagang inagaw ko si John Lloyd kay Bea. Trabaho lang. Part ito ng trabaho," Sarah Geronimo reacts to reports that the fans of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo (inset) will boycott the singer-actress' movie with the young actor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results