Precious Lara Quigaman's removal from "Wowowee" remains a mystery

May 21, 2008
Miss International 2005 Precious Lara Quigaman has not been seen in ABS-CBN's noontime show Wowowee since the group returned from Hawaii. Some say Lara was removed from the show because she brought her boyfriend to Hawaii, but nobody wants to speak about it.

May isang linggo na magmula nang dumating ang grupo ng Wowowee mula sa controversial trip nila sa Hawaii. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanood sa noontime show ng ABS-CBN ang isa sa mga co-host ni Willie Revillame na si Miss International 2005 Precious Lara Quigaman.

Tikom ang bibig ng mga kasamahan ni Lara sa Wowowee na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, at Pokwang sa pagkawala ni Lara sa show.

Ayon sa nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), na tumangging ipabanggit ang pangalan, si Willie mismo ang nagkumpirma ng balita na out na sa Wowowee si Lara pagbalik nila ng Pilipinas mula sa Hawaii. Ito ay kahit nagbigay na ng pahayag si Ms. Cory Vidanes, ang head ng TV production ng ABS-CBN, that Lara was not fired.

May balita na ang dahilan ng pagkatanggal kay Lara sa Wowowee ay dahil sa pagbitbit ng beauty queen ng kanyang non-showbiz boyfriend sa Hawaii.

Continue reading below ↓

Nagulat daw si Lara nang malaman niya ang pagkakatanggal sa kanya sa Wowowee. Mas ikinagulat daw ni Lara na ang pagbitbit niya ng kanyang boyfriend sa Hawaii ang dahilan kaya siya inalis sa show.

At press time, ayaw raw magsalita ni Willie tungkol sa isyu. But according to our source again, most likely Lara was removed from the show because she broke the company rule na huwag magdala ng kasintahan ang mga host sa studio, lalo na sa out-of-town shows. Ang balita pa ay nawawalan na raw ng concentration si Lara kapag kasama ang boyfriend niya.

Kasunod nito ang pagbawi ng source namin na hindi naman talaga written rule ang tungkol sa pagdadala ng boyfriend o girlfriend sa studio. Basta ang sinabi lang daw ni Willie sa kanya bago umalis papuntang Hawaii ay walang control sa sarili si Lara. Wala naman daw problema sa boyfriend ng beauty queen dahil hindi naman ito nakikialam sa work. Sunod lang daw nang sunod ang boyfriend ni Lara sa kanya sa Hawaii.

Continue reading below ↓

Pero ayon naman sa kampo ni Lara, wala silang nakikitang masama sa pagbitbit niya sa kanyang boyfriend sa Hawaii. Nagbayad naman daw ng sarili niyang pamasahe at accommodation ang boyfriend ni Lara kahit na allowed sila to bring one companion sa trip for free.

Duda naman ng iba, selos ang dahilan kaya nawala si Lara sa Wowowee. Alam naman daw kasi ni Lara na matagal na siyang type ni Willie, pagkatapos ay isinama pa niya ang kanyang boyfriend sa Hawaii.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss International 2005 Precious Lara Quigaman has not been seen in ABS-CBN's noontime show Wowowee since the group returned from Hawaii. Some say Lara was removed from the show because she brought her boyfriend to Hawaii, but nobody wants to speak about it.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results