KC Concepcion wants to know leading man Richard Gutierrez "even more"

by Melba R. Llanera
May 21, 2008
"Kami ni Chard, ‘Talaga bang wala nang hope ito?' We're really wondering if this will really gonna push through, and parang sayang naman kung hindi mangyayari. We both looked for the last step, yung pinaka-last resort. Fortunately, natuloy naman," narrates KC Concepcion about her movie with Richard Gutierrez.

When KC Concepcion inked a three-picture deal with Star Cinema almost a month ago, naging palaisipan sa marami ang binitawang pahayag niya na susundin lang niya ang hiling ng mga tao para sa mga pelikulang gagawin niya sa film arm ng home network niyang ABS-CBN.

Malakas ang bulung-bulungan na noong araw na pumirma ng kontrata si KC sa Star Cinema ay ang araw rin na nakita na nakipag-meeting ang ina at talent manager ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama sa ilang top executives ng Star Cinema. Marami ang humula na si Richard ang magiging leading man ni KC sa una niyang pelikula, lalo pa't nagbigay ng pahiwatig ang dalaga na "ipinaglaban" nila ng kanyang makakapareha ang pagsasama nila.

Sa kabila nito ay nar'on pa rin ang agam-agam ng karamihan dahil sina KC at Richard ay parehong itinuturing na prized possessions ng kanilang respective home networks—si KC sa ABS-CBN at si Richard sa GMA-7. Parang malabong magkaroon ng katuparan ang pagsasama nila sa isang pelikula.

Continue reading below ↓

Pero ang imposible noon ay naging posible na ngayon.

Kahapon, May 20, sa 13th floor ng ELJ Building ng ABS CBN ay ginanap ang story conference ang pelikula nina KC at Richard para sa Star Cinema na ididirek ni Bb. Joyce Bernal.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay KC ay inihayag niya ang kanyang kasiyahan at pagpapasalamat sa pagkakatuloy ng pelikula nila ni Richard, na kahit daw silang dalawa ay hindi inasahang magkakaroon ng katuparan.

"Yun nga, pinagbigyan kami ng dalawang networks. They really went beyond themselves to make this happen. And of course, we've tried the best that we could to the very end. Kami ni Chard, ‘Talaga bang wala ng hope ito?' We're really wondering if this will really gonna push through, and parang sayang naman kung hindi mangyayari. We both looked for the last step, yung pinaka-last resort. Fortunately, natuloy naman.

"Saka pinagbigyan ang mga tao, kasi hiningi nila ito. Gusto lang naming malaman ng mga tao na pinapakinggan namin sila," lahad ni KC.

Continue reading below ↓

Masaya ring ikinuwento ni KC na one-fourth ng pelikula ay kukunan sa Greece.

"We're very excited!" sambit niya. "We just heard everything about the story and our characters. We'll get to see some parts of Greece also because we'll be shooting one-fourth of the movie there, and we're very excited.

"It will be directed by Direk Joyce Bernal who have been working for GMA series [Marimar, Dyesebel], and who had worked on Star Cienma films. So it's a good balance between the two networks. We have Direk Joyce to take care of our first movie."

Gaya ni Richard, ina-absorb pa lang din ni KC ang katotohanan na nagkaroon na ng katuparan ang pelikulang matagal na nilang hinihintay.

"Ngayon, kadarating pa lang ni Chard from Dubai. We're sitting down, getting down in the zone of the movie, na ina-absorb pa lang na namin na nangyari na," saad ni KC.

May kissing scene ba sa pelikula nila ni Richard?

Continue reading below ↓

"Hindi namin alam. Panoorin ninyo na lang. It's a suprise," bitin na sagot ni KC.

Ano ang mga traits ni Richard na nagustuhan niya?

"He's a very honest person. Madali siyang pakisamahan. In a short span of time that we know each other... Yes, we met a long time ago pa but it was off and on, so now it's like I'm looking forward to work with him, to get to know him even more. I wanna thank him for being a friend," pahayag ni KC.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kami ni Chard, ‘Talaga bang wala nang hope ito?' We're really wondering if this will really gonna push through, and parang sayang naman kung hindi mangyayari. We both looked for the last step, yung pinaka-last resort. Fortunately, natuloy naman," narrates KC Concepcion about her movie with Richard Gutierrez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results