Gabby Concepcion formally launched as the newest endorser of Lucida-DS

by Erwin Santiago
May 21, 2008
"Yung controversy kasi, hindi na nawala sa katawan ko, e. Kasama na, nakadikit na sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero nangyayari talaga. I guess it's part of showbiz. Tinatanggap ko na lang na bahagi ng industriya, papasok-pasok ka kasi kaya saluhin mo, tanggapin mo," says Gabby Concepcion about being a controversy-magnet.

Pormal nang ini-launch ang kontrobersiyal na aktor na si Gabby Concepcion bilang pinakabagong endorser ng Lucida-DS Glutathione, a whitening beauty product, kahapon, May 20, sa Palawan Hall ng Edsa Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na naging kontrobersiyal ang pagpirma ng kontrata ni Gabby at ng kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano upang maging endorser ng Lucida-DS ang aktor. Dito kasi nag-ugat ang alitan sa pagitan nila at ng entertainment writer na si Jobert Sucaldito dahil hindi natuloy ang aktor sa pag-e-endorse ng isa pang whitening beauty product.

Sa dami ng mga kontroberisyang dumaan sa buhay ni Gabby, paano hinarap ni Gabby ang isyung ito?

"Well, just like in the past... Yung controversy kasi, hindi na nawala sa katawan ko, e. Kasama na, nakadikit na sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero nangyayari talaga. I guess it's part of showbiz. Tinatanggap ko na lang na bahagi ng industriya, papasok-pasok ka kasi kaya saluhin mo, tanggapin mo," pahayag ng aktor.

Continue reading below ↓

Bago pumasok ng showbiz si Gabby almost 30 years ago ay naging commercial model muna siya. Unang nasilayan ng publiko ang kanyang kaguwapuhan sa TV commercials ng Close-up at Juicy Fruit. Pagkatapos nito ay naging isa siya sa original Regal Babies ni Mother Lily Monteverde hanggang sa maging isa siya sa pinakamagaling na aktor ng bansa.

Anu-ano ba ang considerations ni Gabby bago tumanggap ng endorsement?

Aniya, "Dapat, number one, naniniwala ako sa produkto... Merong mga produkto na hindi mo iniinom o ayaw mong inumin, pero naniniwala ka sa produkto. Yun, merong ganun."

Bukod sa Lucida-DS ay may iba pang product endorsements na gagawin si Gabby, kabilang na ang isang clothes brand. Pero hindi pa raw siya puwedeng magbigay ng detalye tungkol sa mga ito.

Tungkol naman sa kanyang showbiz career, nagsimula nang mag-taping si Gabby ngayong araw, May 21, para sa kanyang first soap opera sa ABS-CBN. Titled Iisa Pa Lamang, gaganap si Gabby rito bilang isang lawyer at makakasama niya sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Angelica Panganiban, at Ms. Susan Roces.

Continue reading below ↓

Bagama't may mga nababalitaan na rin si Gabby tungkol sa pelikula niya sa GMA Films, hindi pa raw niya alam kung kailan sisimulan ang shooting nito.

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung controversy kasi, hindi na nawala sa katawan ko, e. Kasama na, nakadikit na sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero nangyayari talaga. I guess it's part of showbiz. Tinatanggap ko na lang na bahagi ng industriya, papasok-pasok ka kasi kaya saluhin mo, tanggapin mo," says Gabby Concepcion about being a controversy-magnet.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results