Jolina Magdangal tired of issue about aborted team-up with Gabby Concepcion

by Melba R. Llanera
May 21, 2008
"Sa dinami-dami ng mga nangyaring ganyan, parang ayoko siyang pag-usapan pa. Tutal naman, may mga isyu siya sa sarili niya [Gabby]. Ang concentration ko ay nasa movie, lalo't napamahal sa akin ang mga kasama ko dito," says Jolina Magdangal.

May mga negatibong komento kay Jolina Magdangal tungkol sa kanyang pagiging isa sa mga judge ng Pinoy Idol. Ayon sa isa sa mga negatibong puna sa kanya, nagpapaka-Paula Abdul (of the original show, American Idol) daw itong si Jolina at ‘di raw pasable kung achievements daw sa pagiging singer ang pagbabasehan.

When PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Jolina, ‘di naitago ng singer-TV host ang hinanakit at tampo sa masakit na punang ito sa kanya.

"Siguro ang tanungin na lang nila, ang GMA. Kasi feeling ko ‘di ko naman siniksik ang sarili ko, ‘di ko naman pinilit ang GMA na ako ang ilagay nila dito, na ako ang karapat-dapat. Nagulat na lang ako na kinausap nila ako na inaayos na nila ang sked ko sa Pinoy Idol as a judge.

"Nung inaayos nila ang sked ko, kasama na yung pagsa-submit ng credentials ko. Ang nag-decide nito, hindi Filipino, mga taga-London, yung mismong may-ari ng American Idol. So, kung nagkukuwestiyon ang iba, dun na lang sila magtanong.

Continue reading below ↓

"‘Di ako nagiging mataray, hindi ako palaban or what, sinasabi ko lang na sana huwag silang agad mag-judge ng tao. Hindi naman ako pumasok sa show business two years ago. Yung mga sinasabi ko at ‘pag nagdedesisyon ako, ‘di ako nanghuhula. Ang dami kong iniisip, nagdo-drawing pa ako ng TV dun sa paper ko. ‘Pag mapapanood ko sila TV, ano kaya ang itsura nila? Kumbaga may sarili akong pamantayan.

"‘Pag sinasabing ikaw ba ang parang Paula? Sinasabi ko na hindi, ako ito. Si Ogie, si Ogie; si Wyngard, si Wyngard," maemosyong paliwanag ni Jolens.

THE OTHER WAY AROUND? Naging kontrobersyal ang dapat sana ay comeback movie ni Gabby Concepcion sa GMA Films. Sa isang panayam sa manager ngayon ni Gabo na si Ms. Rose Flaminiano, nagsalita ito na mismong GMA raw ang nagsabi na tulong sana ang pelikulang ito para kay Jolina, na ang lumalabas ay parang magiging pabor pa ito sa aktres kung saka-sakali ngang matuloy.

Continue reading below ↓

"Tulong sa akin? Sa kanila nanggaling yun. Nasa GMA ako...alam mo, ang dami-dami nang kuwento na nakakarating sa akin kaya ang hirap magsalita. Basta ako, natutuwa ako na anumang kaaberyahang nangyari, natuloy yung movie [I.T.A.L.Y., I Trust And Love You], naging masaya, kasi natuloy talaga yung concept na gusto namin, yung tatlong continents.

"Saka gusto namin itong i-offer sa mga OFW's. Tribute ito para magbigyan sila ng halaga, dahil ang hirap din ng ginagawa nila. Para din ito sa mga naiiwan na ng barko na, anong petsa na, wala ka pa ring love life? Lahat ito in search of something.

"Sa dinami-dami ng mga nangyaring ganyan, parang ayoko siyang pag-usapan pa. Tutal naman, may mga isyu siya sa sarili niya [Gabby]. Ang concentration ko ay nasa movie, lalo't napamahal sa akin ang mga kasama ko dito."

WHATEVER HAPPENED TO THE BEBONG-JOLENS WEDDING? Nang kumalat ang balita na sa November 5 na raw ang kasal nina Ryan at Juday (which Juday later denied), marami ang nagtanong kung ano na raw kaya ang nangyari sa kasalang Bebong-Jolina na noon ay balitang nakaplano na. Hindi tuloy naiwasang mabuksan uli ang isyu na baka ginamit lang daw talaga ni Bebong Muñoz ang girlfriend. At ngayong hindi siya nanalo sa nakaraang eleksyon at ‘di naka-penetrate sa show business ay nakipag-break na lang sa aktres.

Continue reading below ↓

"Seven years na kami ni Bebong, ano ba naman ang ginagamit dun? Napakatagal namang gamitan yun kung sakaling ganun nga?" may pagkasarkastikong sagot ni Jolens. "Sana bago sila magsalita, isipin muna nila and i-compute ang mga bagay-bagay bago sila humusga.

"Nagkaroon talaga kami ng plano pero naging detalyado. Talagang naiisip-isip namin pero nung nag-start nang planuhin, ang hirap pala.

"Okey kami ni Bebong, kasama nga siya sa cruise nung movie [I.T.A.L.Y. I Trust And Love You]. ‘Di pa namin napag-uusapan uli kasi ngayon, kasi gusto ni Bebong na maging superstable muna siya. Ngayon nagwo-work siya sa Forbes, sa isang international firm and mayroon silang business na ang client nila ay GMA Films, nasa marketing yata sila."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa dinami-dami ng mga nangyaring ganyan, parang ayoko siyang pag-usapan pa. Tutal naman, may mga isyu siya sa sarili niya [Gabby]. Ang concentration ko ay nasa movie, lalo't napamahal sa akin ang mga kasama ko dito," says Jolina Magdangal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results