Richard Gutierrez is not second choice, says MET owners

by Maricris Valdez-Nicasio
May 22, 2008
"Matagal nang sinabi sa akin na nag-o-offer nga po sa akin ang MET, pero, ako kasi parang hindi ako naniniwala na dumating ang araw na ito, ‘di ba? Ngayon masasabi ko na totoo na ito, dahil ito na nga, ‘di ba? At natuloy na sa wakas," says Richard Gutierrez.

Hindi second choice si Richard Gutierrez bilang product endorser ng MET Tathione. Ito ang nilinaw ni Ms. Olai Espiritu, may-ari ng naturang produkto.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ms. Espiritu kaninang tanghali sa presscon nito sa Anabel's Restaurant, sinabi niyang matagal na nilang kinukuha si Richard subalit hindi ito natutuloy dahil sobrang busy ang binata nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

"Year 2007 pa lang ay nakikipag-usap na kami kina Annabelle Rama at Douglas Quijano para maging endorser ng MET Tathione si Richard," panimula niya.

"Hindi mag-meet ang schedule namin nina Tita Annabelle at Tito Douglas [Quijano], pero last quarter of 2007 pa dapat kami magmi-meet kaya lang napaka-busy ni Richard kaya hindi kami magkita. Then noong dumating si Gabby, parang medyo kinilig ako nang kaunti dahil same era kami. Then I said, why not get him? So, yun nga, nakipag-negotiate kami kay Gabby and verbally nag-close kami and dapat naka-schedule na rin kami ng presscon.

Continue reading below ↓

"So, God's will din na hindi kami natuloy kay Gabby dahil talagang first choice namin si Richard, kasi we believe na magiging maganda ang tandem nila with Ruffa Gutierrez na endorser naman ng aming MET soap," paliwanag pa ni Ms. Olai.

Sa panig naman ni Richard, kinumpirma ng guwapong aktor ang pahayag ni Ms. Espiritu.

"Matagal nang sinabi sa akin na nag-o-offer nga po sa akin ang MET, pero, ako kasi parang hindi ako naniniwala na dumating ang araw na ito, ‘di ba? Ngayon masasabi ko na totoo na ito, dahil ito na nga, ‘di ba? At natuloy na sa wakas," nakangiting esplika niya.

"And I'm very happy and very blessed na ako ang kinuhang endorser ng MET and I feel very proud. And it's also exciting for me kasi, ngayon lang kami magsasama ni Ate [Ruffa] sa isang endorsement. It's a whole new adventure for me, so, thank you, thank you for getting me," masayang pahabol pa ni Richard.

Continue reading below ↓

VANITY AND MONEY. Sa mga lalaki, hindi na ba issue yung pagiging banidoso?

"No it's not actually, because I believe that they're more confident with themselves. You carry yourself better, you feel good about yourself, and MET is one of those products that will help boost the confidence of other guys," paniniyak pa ng aktor.

Sinabi pa ni Richard na magiging abala siya para i-educate ang publiko sa maraming helath benefits ng MET Tathione (Reduced Glutathione). Bukod kasi sa subok nang nagpapaputi ito, nagtatanggal din ito ng toxins sa katawan, nagpapalakas ng immune system, nagpapabagal sa pagtanda, dagdag na sexual potency, at iba pa.

Ayaw namang ihayag ng MET kung magkano ang ibinigay nilang talent fee kay Richard bilang pinakabagong endorser ng kanilang produkto, subalit balitang ilang ulit na mas malaki ito sa naging offer nila kay Gabby.

ASERO TALK. Tungkol naman sa taping sa Dubai ng forthcoming TV series niyang Asero, sinabi ni Richard na kahit mahirap ang ginawa nila rito ay okey lang sa kanya basta't para ito sa ikagaganda ng kanilang programa.

Continue reading below ↓

"Maraming mahirap na eksena, consistent kasi yung trabaho namin doon, e. Every day we would work and nagtrabaho pa kami sa disyerto at yung disyerto talaga ay napakainit. May time nga na kailangan naming umalis ng disyerto, kasi, sobrang init at hindi na kaya ng ibang tao. So, aalis muna kami, ‘tapos babalik na lang kami ng hapon.

"I played an undercover agent at may mission ako sa Dubai. Si Heart naman ay isang OFW sa Dubai na nagkataong we bumped into each other at nagkaroon ng parang switch. May napuntang bagay sa kanya na kailangan ko, kaya kailangan ko siyang hanapin.

"And this is a totally different project, hindi siya remake, it's an original concept and GMA is happy and proud na nakagawa sila ng original concept, ito ngang Codename: Asero. Kaya abangan sana ninyo ito," mahabang kuwento pa ni Richard.

SHOULDER TO CRY ON. At dahil noong nasa sa Dubai sila ay kabi-break lang ng leading lady niyang si Heart Evangelista at ex-BF nitong si Jericho Rosales, nag-lend ba siya ng shoulder to cry on sa aktres?

Continue reading below ↓

"Oo, kasi kami lang dalawa ang magkasama e," nakatawang saad niya. "Hindi. Yeah, of course, I was there for her, I was there for her. You know, she needs someone to talk to, she needs someone to open up to and I was there to listen. I love listening," seryosong esplika ng aktor.

"And I made sure that she would be able to concentrate sa show, kahit nangyayari sa kanya yung personal stuff na iyon. And we made sure that she would still have fun, she would forget about her problems and I think we did a good job on that. As a whole team, not only me but the whole production."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Matagal nang sinabi sa akin na nag-o-offer nga po sa akin ang MET, pero, ako kasi parang hindi ako naniniwala na dumating ang araw na ito, ‘di ba? Ngayon masasabi ko na totoo na ito, dahil ito na nga, ‘di ba? At natuloy na sa wakas," says Richard Gutierrez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results