Inah Revilla and Vince del Rosario are expecting a baby girl

by Erwin Santiago
May 22, 2008
Inah Revilla and Vince del Rosario are four months away from seeing their firstborn, whom they will name Alexa Daniella.

Pumirma na ng kontrata sina Inah Revilla at Vince del Rosario sa GMA-7 para sa exclusive coverage ng kanilang nalalapit na kasal sa May 28 sa Manila Cathedral. Kasama ng couple ang ina ni Inah na si Lani Revilla, samantalang naging representative naman ng Kapuso network sa contract signing ang SVP for Entertainment na si Ms. Wilma Galvante.

Nasa fifth month na ang dinadala ni Inah. Sa latest check-up niya ay nalaman na rin na baby girl ang magiging panganay nila ni Vince.

Sa panayam ng GMA News kay Vince ay sinabi niya na may nakahanda na silang pangalan para sa kanilang baby.

"She [Inah] really likes Alexa Daniella. I can't argue with the mom!" natatawang sabi ni Vince.

Kung nagkataon daw na lalake ang kanilang magiging anak ay Brian Andrew raw sana ang ipapangalan nila rito, na isinunod nila sa pangalan ng kapatid ni Inah at sa kaibigan ni Vince sa States.

Continue reading below ↓

Ito na ang ikalawang apo ng mag-asawang Senator Bong Revilla at Lani Mercado. Ang una nilang apo ay si Gab, na anak ni Jolo Revilla kay Grace Adriano, na anak naman ng aktres na si Rosanna Roces.

Sinabi rin ni Vince na nagkaayos na ang pamilya niya at ang pamilya ni Inah. Pagkatapos kasing lumabas ang balita na nagdadalantao ang 18-year-old na si Inah ay nagkaroon ng alitan ang kanyang ama na si Senator Revilla at ang ama ni Vince na si Mr. Jorge del Rosario.

"Both of our families have talked," sabi ni Vince sa GMA News. "Everything's okay now with our families. They worked out their differences and everyone is just looking forward to the joining of our two families, they're giving us complete support."

Handa na rin ang lahat sa pag-iisang dibdib nina Inah at Vince. Pinaghalong pulitika, showbiz, at business ang listahan ng principal sponsors nila. Kabilang dito sina Senators Manny Villar, Mar Roxas, at Pia Cayetano; Congresswoman Imee Marcos; Secretary Ronaldo Puno; Governor Luis Villafuerte; Ms. Luli Arroyo, daughter of President Gloria Macapagal Arroyo; Mrs. Arlene de Catsro, wife of Vice President Noli de Castro.

Continue reading below ↓

And more—GMA-7's chairman, president, and CEO Felipe Gozon; ABS-CBN president Charo Santos-Concio; Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan; Precy Ejercito, wife of Senator Jinggoy Estrada; Mr. Enrique Razon, Mr. Ramon Ang, Mr. Eduardo Cojuangco, Mr. Phillip Cruz, Mr. Ramon Diaz, Mr. Jacinto Ng, Mr. Manny Pangilinan. Dr. Maria Asuncion Diaz, Mrs. Marissa Andaya, and Mrs. Teresita Gozon.

Read Next
Read More Stories About
Bong Revilla, Lani Mercado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inah Revilla and Vince del Rosario are four months away from seeing their firstborn, whom they will name Alexa Daniella.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results