Bing Loyzaga keeps open relationship with husband Janno Gibbs

by Rose Garcia
May 23, 2008
"Nandiyan lang ang annulment kung kailangan namin, pero hindi namin kailangan. Nandiyan lang ang korte. Basta kami, we are not closing any door to anything. If and when the time I need or he will need it, it's an open thing na, okay, fine... Well, knock on wood, but we are open for anything. Basta right now, we don't need it," says Bing Loyzaga about "no commitment" with husband Janno Gibbs.

Pagkatapos mapanood sa Marimar ng GMA-7 ang aktres na si Bing Loyzaga, ngayon naman ay mapapanood siya sa bagong primetime series ng ABS-CBN, ang My Girl, na tinatampukan nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Ibig sabihin nito ay hindi nakatali si Bing sa iisang network.

Kung sa Marimar ay tiyahin siya ni Marian Rivera, dito sa My Girl ay tiya naman ni Gerald ang role ni Bing. Natatawang sinabi ng aktres na kina-career niya ngayon ang role ng isang tiyahin.

ALL PRAISES FOR KIM & GERALD. Natutuwa si Bing sa mga bagong co-stars niya sa My Girl, sina Kim at Gerald, na kahit mga bata pa lang ay very professional na sa kanilang trabaho.

"Alam n'yo si Kim, in fairness sa batang yun, very consistent ang acting niya. She goes back to the zone where she should be—centered. She knows what she is doing. Once na nag-shout ang director ng 'Action!', siya na ulit si Jasmine," saad niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Continue reading below ↓

Between Kim and Gerald, ang young actor ang mas madalas na nakakasama at nakakaeksena ni Bing sa unit.

"Si Gerald, sabi ko nga, kung lahat ng artista as open as he is to comments, suggestions, mga ideas, lahat puwedeng sumikat. He's not the type of person who would tell you na 'Magaling ako, alam ko ‘to.' He is so open.

"Mahal niya ang trabaho niya. He's hungry for his work. He wants to learn, ganoon siya. Kasi bawat eksena, talagang kargahan lahat. Wala yung, ‘Bahala ka sa buhay mo, dedma, ewan ko sa ‘yo,' na malalaglag yung isa. Hindi, e. In fairness sa dalawang ito, saludo ako sa kanila," papuri ni Bing sa kanyang young co-stars.

NO COMMITMENT. Siyempre, hindi puwedeng hindi kumustahin kay Bing ang pagsasama nila ng mister niyang si Janno Gibbs.

Open naman sa publiko na nagkaroon sila ng problema, nagkahiwalay, at marami ang nag-isip na matutuloy sa annulment. And yet, si Bing na mismo ang nagsasabing they are together again—living under one roof, magkasama sa iisang kuwarto, at magkatabi rin sa pagtulog.

Continue reading below ↓

Pero magkaganuman, kumbaga sa boyfriend-girlfriend ay open relationship daw sila.

"We're working on things but there's still no commitment on our part. But our relationship now is so much better than it was a couple of years ago," sabi ni Bing.

Nang tanungin kung ang pagkakaroon ni Janno ng ibang mga babae ay part ng "no commitment" nila, ito ang sagot ng natatawang si Bing: "Bahala siya sa buhay niya!"

Dagdag niya, "Kahit hindi ko naman siya pinapayagan noon, may ikinaiba ba? Pero siyempre, huwag siyang papahuli nang buhay ha, buhay!"

Hindi kaya defense mechanism lang ni Bing ang "no-commitment style" ng relasyon nila ngayon ni Janno para hindi na siya makaramdam ng selos?

Sabi ni Bing, isang psychological question daw ang gusto naming itanong sa kanya, though sinagot din naman niya ito. Aniya, "Well, I think, it's not a defense mechanism naman. It's more on accepting 'what is' than 'what is not.'"

Continue reading below ↓

May mga pagbabago naman daw siyang nakita sa asawa.

"Yeah, he is...marami naman siyang pinagbago. Of course, hindi pa rin siya nagbabago sa pagiging late. Late pa rin siya! Kasi, kung nagbago yun, mawiwindang na ako.

"Sa babae, ewan ko... Hindi ko na-witness, e. Try kong ma-witness sa susunod!" tawa niya.

"Basta ang napapansin ko, he's more of a father to our children. Ang ano ko kasi ngayon, whatever it is for our kids, that's okay. Whatever will benefit my children, that's where I will be."

Bagama't no commitment ang set-up nila ni Janno, pagdating naman daw sa mga kinikita ng kanyang asawa, definitely, sa kanya pa rin ang bagsak ng lahat.

"Ah, oo naman! Dapat lang!" natatawang sabi ni Bing. "Kapag hindi, doon ako magwawala. Doon mag-iiba ang state of mind ko. Yun ang may commitment talaga, kahit ayaw niya!"

Tinanong din ng PEP si Bing kung sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanila ni Jannno ay nakikita niyang sila pa rin hanggang wakas.

Continue reading below ↓

"I really don't know," sagot niya. "I'm not closing my doors, but I am not also limiting myself. Kumbaga, whatever the future will bring, I'll just cross the bridge when I get there."

Alam daw niyang kakaiba ang set-up nila ni Janno bilang mag-asawa, pero it's something daw na nagwu-work for both of them at maging sa dalawa nilang anak na babae.

"Mas happy sila, pati kami, mas happy rin. Kumbaga, mas magaan, e. My relationship with Janno is a relationship that others envy, because it's... extraordinary."

Hindi rin daw sila nag-resort sa annulment nang minsang maghiwalay sila. Pero ayon kay Bing, alam daw nila ni Janno na nandiyan lang ‘yan.

"Nandiyan lang ang annulment kung kailangan namin, pero hindi namin kailangan. Nandiyan lang ang korte. Basta kami, we are not closing any door to anything. If and when the time I need or he will need it, it's an open thing na, okay, fine... It's not something na we'll never... Well, knock on wood, but we are open for anything. Basta right now, we don't need it," mariin niyang sabi.

Continue reading below ↓

Natawa siya nang sabihin namin kung hindi ba niya naisip na sana naging ganito na siya even before pa.

"E, tatanga-tanga pa ko noon!" bulalas niya. "Noon, akala ko kaya kong makipaggiyera-patani. Akala ko noon, Gabriela Silang ang pangalan ko, e, yun pala Bing Loyzaga lang talaga. Pero yun nga, you accept things as it is, not something else when it's really not."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nandiyan lang ang annulment kung kailangan namin, pero hindi namin kailangan. Nandiyan lang ang korte. Basta kami, we are not closing any door to anything. If and when the time I need or he will need it, it's an open thing na, okay, fine... Well, knock on wood, but we are open for anything. Basta right now, we don't need it," says Bing Loyzaga about "no commitment" with husband Janno Gibbs.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results