MET Tathione manager says Gabby Concepcion not worth P5M for an endorsement

by Julie E. Bonifacio
May 24, 2008
"Actually, we can afford, but he's not worth it. Hindi kami willing mag-spend ng ganun kalaki [sa kanya]. We'd rather spend it sa mga bagong artista," says Mayeth Acuña, Sales and Marketing-Brand Manager of MET Tathione whitening products about Gabby Concepcion.

Pagkatapos ng naganap na contract signing ni Richard Gutierrez last Wednesday sa Annabel's Restaurant sa Morato, Quezon City, bilang celebrity endorser ng MET Tathione, may susunod pa na malaking female star na nakatakdang pumirma para mag-endorso ng kilalang whitening product. Tumanggi nga lang ang MET na ipasulat sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pangalan ng susunod nilang bonggang endorser.

Sa contract signing ni Richard ay nagkaroon ang PEP ng pagkakataon na makausap ang Sales and Marketing-Brand Manager ng MET na si Mayeth Acuña. Sa panayam niya with PEP, nagbigay siya ng mga pahayag hinggil sa pagkakasangkot ng produkto nila sa demandahang Gabby Concepcion-Mommy Rose Flaminiano laban sa kilalang TV-radio host at kolumnista na si Jobert Sucaldito.

Maaalalang kini-claim ni Jobert na nakipag-usap siya noon kay Gabby at Mommy Rose para kunin ang aktor bilang endorser ng MET. Aniya, P2.5 million with two plasma TV pa nga raw ang alok noon kina Gabby at Mommy Rose. Nagulat na lang daw si Jobert nang malaman niya na nakapirma na pala ng kontrata si Gabby sa kalabang produkto ng MET, ang Lucida DS na pag-aari naman ni Maribel Galindez, na nagbayad daw agad sa aktor ng halagang P5 million.

Continue reading below ↓

Inuna na ni Mayeth ang pagsasabing hindi replacement ni Gabby si Richard Gutierrez. Matagal na raw silang nakikipag-negotiate sa ina at manager ni Richard na si Annabelle Rama, pero dahil sa sobrang kabisihan ng aktor ay ngayon lang nila ito napapirma ng kontrata sa kanila.

Nakatakda na ring mag-shoot ng TV commercial si Richard para sa MET. Samantalang ipinalabas na ng Lucida DS ang TVC ni Gabby sa media launch nila last Tuesday, May 20, sa Edsa Shangri-La, Mandaluyong City.

"E, siyempre, mas bongga naman kami. Ngayon lang sila magti-TVC, kami dati pa," pagmamalaki ni Mayeth.

"Hindi, ganito na lang, paputian na lang ng may-ari," sabay-tawa ni Mayeth.

Tinanong ng PEP kung saan ba sila lulugar sa gitna ng pakikipaglaban ni Jobert sa manager ni Gabby?


"Hindi kasi, sila naman ang nag-negotiate, e. Never namin sila nakausap. Sila ni Jobert [ang nag-usap]. Wala, hindi kami kasali doon," paglilinaw ni Mayeth.

Continue reading below ↓

Agree ba sila sa sinasabi ni Mommy Rose na fixer lang si Jobert?

"Ay, hindi! Si Jobert pamilya namin ‘yan, e."

Willing ba silang mag-testify para kay Jobert sa kasong kinakaharap nito ngayon?

"Kung kailangan," sabi ni Mayeth.

Bakit hindi sila nag-file ng kaukulang case laban kay Gabby?

"E, hindi kami mahilig sa ganyan-ganyan. Ang dami-daming artista [na makukuha bilang endorser], e."

Ano ang suportang ibibigay nila kay Jobert?

"Siyempre, support lang namin siya kasi pamilya ang trato namin sa kanya, e. Marami rin kasi kaming sinusuportahan na reporters, writers."

Hindi ba nila kayang ibigay kay Gabby ang P5 million na talent fee as endorser?

"Hindi," diin niya. "Actually, we can afford, but he's not worth it. Hindi kami willing mag-spend ng ganun kalaki [sa kanya]."

Sabi naman ng Lucida DS, Gabby is worth more than P5M?

"We'd rather spend it sa mga bagong artista," mataray na pagtatapos ng MET manager.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, we can afford, but he's not worth it. Hindi kami willing mag-spend ng ganun kalaki [sa kanya]. We'd rather spend it sa mga bagong artista," says Mayeth Acuña, Sales and Marketing-Brand Manager of MET Tathione whitening products about Gabby Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results