Lorna Tolentino on husband Rudy Fernandez: "Each day, he's giving his best fight."

May 25, 2008
"'Pag nakikita ko naman what Rudy is going through, parang bale wala yun, e. Minsan nga nahihiya siya amin, sa akin, sa mga nag-aalaga sa kanya. Pero sinasabi ko, ‘Bale wala ito sa pinagdadaanan mo,'" says Lorna Tolentino about her sacrifices compared to the hardship that her husband, Rudy Fernandez, is going through in his fight against cancer.

Although she is trying her very best to put up a brave front, halata sa boses ng aktres na si Lorna Tolentino ang sakit na nararamdaman niya kaugnay ng patuloy na paglaban ng asawa niyang si Rudy Fernandez sa sakit na cancer. Na-interview si Lorna sa telepono ng kanyang co-hosts sa StarTalk na sina Butch Francisco at Lolit Solis kahapon, May 24.

Kinumusta nina Butch at Lolit ang development sa kalagayan ni Rudy, na matatagl-tagal na ring naka-confine ngayon sa isang hospital.

"Okay naman kami... Last night, nag-blood transfusion si Rudy, at this morning. Kasi bumaba ang hemoglobin niya... Yun, okay naman. So far, hoping isa-isang maaayos yung mga diperensiya, di ba?" kuwento ni Lorna.

Dahil nga matagal na rin ang pakikipaglaban ni Rudy sa kanyang karamdaman, tinanong ni Lolit si Lorna kung ano ang pakiramdam ng isang nagbabantay sa isang maysakit.

"Siyempre, parang ano yun, ‘Nay, minsan pagka-okay si Rudy, siyempre lahat kami okay. Hindi lang ako, siguro lahat ng nagmamahal sa kanya. Kapag medyo humihina ang resistance niya o may isang problemang dadating sa health niya, ganun, lahat kami natataranta. Natural lang siguro," aniya.

Continue reading below ↓

Mula nang ma-diagnose na may peri-ampullary cancer si Rudy ay wala nang humpay ang mga nananalangin para sa aktor, regardless kung ano ang relihiyon nila. Bilang renewed Catholic, ano ang reaksiyon nina Lorna sa pagpapakita ng mga tao ng suporta sa kanila sa pamamagitan ng dasal?

"Palagay ko naman, ‘pag may problema sa buhay ng isang tao, kahit ano pa yung religion natin, hindi na natin yun tinitingnan. Ang importante, e, yung naniniwala tayo sa Diyos at pare-pareho tayo ng pinapanalangin," saad ng aktres.

TIRED BUT STILL FIGHTING. Ikinuwento naman ni Lolit ang eksenang nasaksihan niya sa pagitan ni Rudy at ng matalik nitong kaibigan na si Senator Jinggoy Estrada. Papunta raw kasi that time si Jinggoy sa Hawaii at sinabi nito kay Rudy na, "Pare, papunta ako sa Hawaii, pero kung ano man ang importante, tawagan mo ako."

Sumagot naman daw si Rudy na, "Pagod na pagod na ako, pare, hirap na hirap na ko." Hindi raw napigilan ni Lolit na umiyak sa eksenang nasaksihan niya.

Continue reading below ↓

Tinanong ni Lolit si Lorna kung ganun daw ba palagi ang pakiramdam ni Rudy.

"Actually, ang sinabi kasi ni Senator Jinggoy nun, parang ‘lumaban ka.' Kaya ang sagot ni Rudy, ‘Hirap na hirap na ako pero lumalaban ako.' Actually, sinasabi ko naman talaga, each day, he's giving his best fight. So, ‘yon–" medyo natigilan na si Lorna at halatang malapit nang maiyak.

Hindi makakaila na grabe rin ang hirap at sakripisyo na ginagawa ni Lorna sa pag-aalaga kay Rudy. Biro nga ni Butch, "nurse of the year" daw si Lorna. Pero napapagod din ba ang aktres sa pinagdadaanan nilang mag-asawa ngayon?

"'Pag nakikita ko naman what Rudy is going through, parang bale wala yun, e. Minsan nga nahihiya siya amin, sa akin, sa mga nag-aalaga sa kanya. Pero sinasabi ko, ‘Bale wala ito sa pinagdadaanan mo,'" pahayag ni Lorna.

Amindo si Lorna na umiiyak din siya, pero hindi raw niya ito ipinapakita kay Rudy hangga't maaari.

Continue reading below ↓

"I did, once, sa kanya kasi meron kaming pinag-usapan. Pero the rest, hindi ko ipinapakita na pinanghihinaan ako ng loob. Kasi mahirap din para sa kanya, kasi kailangan niya yung lakas, di ba?

"Yung mga iba ngang dumadalaw, I can see that they are trying their best to hide talaga what they're feeling. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi mahirap pigilan yung emosyon, pero nagagawa din nila. Kasi nga, it will help to see na we are all strong for him."

Dahil sa pagbabantay kay Rudy sa ospital, inamin din ni Lorna na hindi na niya masyadong naaasikaso ang mga anak nila na sina Ralph at Renz.

"Medyo hindi ko naaasikaso yung mga anak ko ngayon," natatawa niyang sabi. "Siguro naman naiintindihan nila. Nag-uusap lang kami, nagte-text. ‘Pag nandito, nag-uusap sila ng Papa nila, kami... mga small talk. And we try as much as possible na maging masaya para kay Rudy."

Continue reading below ↓

SILVER WEDDING ANNIVERSARY. Sa June 1 ay magse-celebrate na sina Rudy at Lorna ng kanilang silver wedding anniversary. Dalawang beses sila actually ikinasal; una sa Huwes noong June 1, 1983 at pangalawa, ang kanilang church wedding noong June 24, 1992 sa Villa Escudero, Quezon province.

Tinanong ni Butch kay Lorna kung magkakaroon ba sila ng renewal ng vows ni Rudy.

"Wala kaming plano, so far," sagot niya. "Siyempre, we live each day at a time, one day at a time. Siguro, hindi naming naisip ‘yon, lalo na ngayon. Importante magkasama kami, di ba?"

Bilang huli, nagbigay ng kanyang mensahe si Lorna sa lahat ng mga taong patuloy na nananalangin para sa paggaling ni Rudy.

"Continuously, nagpapasalamat ako each day sa kanila, lalo na sa mga tao na talagang... Kumbaga, gumagawa sila ng paraan para makarating kay Rudy, na talagang ipinagdadasal nila si Rudy na gumaling, na God will heal him. Siguro yun yung mga hindi mo matatawaran na ginagawa nila for him. Maraming salamat po sa lahat na nagbibigay ng pagmamahal at panalangin para kay Rudy," pahayag ni Lorna.
Read Next
Read More Stories About
Lorna Tolentino, Rudy Fernandez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"'Pag nakikita ko naman what Rudy is going through, parang bale wala yun, e. Minsan nga nahihiya siya amin, sa akin, sa mga nag-aalaga sa kanya. Pero sinasabi ko, ‘Bale wala ito sa pinagdadaanan mo,'" says Lorna Tolentino about her sacrifices compared to the hardship that her husband, Rudy Fernandez, is going through in his fight against cancer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results