Lucida DS Glutathione owners threaten to sue newscaster Korina Sanchez for libel

May 25, 2008
"Sasampahan namin next week si Korina [Sanchez] sa Polomolok, Davao. Ganoon din ang mga business partner ko sa Iloilo, GenSan [General Santos City], Cagayan De Oro, Cebu, Iligan, Koronadal, Zamboanga. Lahat po nationwide," says United Shelter Health Products Senior Vice President Maribel Galindez in a text conversation with PEP.

Dahil sa report ni Korina Sanchez sa The World Tonight, ANC (ABS-CBN News Channel), Bandila, at TV Patrol na nandaya diumano ng sangkap na glutathione ang mga produkto ng United Shelter Health Products na Lucida DS Glutathione (na ini-endorse nina Gabby Concepcion at Sen. Loren Legarda) at Vaniderm (na ini-endorso naman nina Toni Gonzaga at Maui Taylor)—nagbabanta ang Senior Vice President ng naturang kumpanya na si Ms. Maribel Galindez na magdedemanda sila ng kasong libel laban kay Korina sa susunod na linggo.

Ayon sa report ni Korina, sa halip na 500 mg, diumano'y 4.4 mg lang ang glutathione content ng Lucida DS at 5.4 mg naman ang sa Vaniderm. Pinasinungalingan ito ni Ms. Galindez.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ms. Galindez, sinabi nitong hindi lang sa iisang lugar nila balak magsampa ng demanda. Sasama rin sa pagdedemanda ang kanyang business partners.

"Sasampahan namin next week si Korina sa Polomolok, Davao. Ganoon din ang mga business partner ko sa Iloilo, GenSan [General Santos City], Cagayan De Oro, Cebu, Iligan, Koronadal, Zamboanga. Lahat po nationwide," sabi sa text ni Ms. Galindez sa PEP.

Continue reading below ↓

Balak din daw nilang sampahan ng demanda si Korina sa Malaysia, Dubai at sa U.S. kung saan may mga distributors ang United Shelter Health Products.

Naglabas na nga ng official statement ang nasabing kumpanya sa ilang broadsheets at tabloids hinggil sa anila'y maling report ni Korina.

Balak din nilang gumawa ng posters na nakalagay ang official statement ng kanilang paglilinaw at larawan ni Gabby na ididikit sa mga botika para mabasa rin ng mga tao.

Dahil dito, mukhang hindi na rin itutuloy ng naturang kumpanya na maglagay ng commercial ng kanilang mga produkto sa ABS-CBN 2.

Kung hindi mareresolba ang gusot na ito, apektado rin ang ipalalabas na serye si Gabby with Claudine Barretto na Iisa Pa Lamang dahil malaking bagay ang TV commercial ng Lucida para sa programa.

Next week, may surprise visit din sa isang ahensya si Ms. Galindez at si Gabby para kumuha ng document support na hindi peke ang naturang produkto.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Korina Sanchez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sasampahan namin next week si Korina [Sanchez] sa Polomolok, Davao. Ganoon din ang mga business partner ko sa Iloilo, GenSan [General Santos City], Cagayan De Oro, Cebu, Iligan, Koronadal, Zamboanga. Lahat po nationwide," says United Shelter Health Products Senior Vice President Maribel Galindez in a text conversation with PEP.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results