JC de Vera gets over his "ilang factor" with ex-girlfriend Michelle Madrigal

May 25, 2008
"Umupo kami sa isang table, nagkakuwentuhan at nagkatawanan. Kailangan naming mag-usap, dahil that day, kami ang laging magkaeksena. No choice kami kundi mag-usap. Okey na kami after namin mag-usap, nagbibiruan kami, very light na lahat at wala nang sumbatan," relates JC de Vera on how he and ex-girlfriend Michelle Madrigal resolved their tension during their first meeting after their breakup.

Kinumpirma sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ni JC de Vera na extended for two weeks ang Babangon Ako't Dudurugin Kita nila ni Yasmien Kurdi. Malaki ang pasasalamat nito sa viewers na sumusubaybay sa action-drama, sa mga writer, sa kanilang co-stars at kay Direk Joel Lamangan.

Hindi man regular na nakakapagbasa at nakakapag-on-line, alam ni JC na marami ang nagkakagusto sa teleserye nila at umaani ito ng positive feedbacks ng viewers. Ikinatuwa rin nito na nasi-single out ang kanyang performance, na kinakitaan siya ng malaking pagbabago sa acting at nakakasabay siya kina Dina Bonnevie, Angelika dela Cruz, at Marvin Agustin.

"Privileged kami ni Yas na makatrabaho ang magagaling na mga artista, kaya kailangang galingan. Nakikinig din ako kay Marvin at kay Direk Joel na laging ipinaaalala to do our homework and to study our script. Ini-expect niyang [Direk Joel] pagdating namin sa set, alam na namin ang dapat naming gawin at hindi niya kailangang ulit-ulitin. Nagagalit siya pag kulang ang acting namin," panimula ni JC.

Continue reading below ↓

JC AND MICHELLE. Inalam ng PEP kay JC kung puwede pa ba siyang makipagtambal sa iba, ang manager nitong si Annabelle Rama ang sumagot. Puwedeng-puwede raw makipag-love team sa iba ang actor na kare-renew lang ng another five-year managerial contract sa kanya. Mahirap daw ma-stuck sa iisang kapareha and usually, lalaki ang nagsa-suffer pag nabubuwag ang love team at ayaw niyang mangyari yun kay JC.

Dahil sa paniniwalang ito, ang ex-girlfriend niyang si Michelle Madrigal ang kapareha ni JC sa pelikulang My Monster Mom. Tanong tuloy ng PEP kay JC, how was it working with an ex?

"Unang eksena namin, nagkatawanan kami. Parang after three years, di kami nagkita't nag-uusap, ‘tapos biglang one scene, magkasama agad kami. Ang hirap tumingin sa isa't isa, e. Kailangan naming mag-project na kami. Ang tagal naming di nag-usap. May ‘ilang factor' talaga!"

Paano naalis ang ‘ilang factor' sa kanilang pagitan?

"Mutual. Umupo kami sa isang table, nagkakuwentuhan at nagkatawanan. Kailangan naming mag-usap, dahil that day, kami ang laging magkaeksena. No choice kami kundi mag-usap.

Continue reading below ↓

"Okey na kami after namin mag-usap, nagbibiruan kami, very light na lahat at wala nang sumbatan."

Ibig bang sabihin no'n, puwede na silang magsama sa iba pang project?

"Noong time na lumipat siya ng GMA-7, nasabi ko na sa sarili ko na magkikita at magkakausap kami. Ang sama naman kung mag-iiwasan kami, e, pareho na kami ng home studio at pareho pa kami ng manager."

YASMIEN'S REACTION TO MICHELLE. Nagtanong ba si Yasmien tungkol kay Michelle?

"Naikuwento kong partner kami ni Michelle sa My Monster Mom, pero di ko alam kung nag-react siya o hindi. Hindi ko rin alam kung nagselos siya."

Siya ba, nagseselos sa tsikang may non-showbiz boyfriend ang favorite leading lady niya?

"Hindi ko inuungkat ang tungkol doon at di ko rin nakikita ang sinasabing boyfriend niya. Honestly, hindi ko tinatanong si Yas at di ko intensyong malaman. May mapapala ba ako ‘pag nalaman ko? Magseselos lang ako kung makakaapekto sa trabaho namin," pagtatapos ni JC.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Umupo kami sa isang table, nagkakuwentuhan at nagkatawanan. Kailangan naming mag-usap, dahil that day, kami ang laging magkaeksena. No choice kami kundi mag-usap. Okey na kami after namin mag-usap, nagbibiruan kami, very light na lahat at wala nang sumbatan," relates JC de Vera on how he and ex-girlfriend Michelle Madrigal resolved their tension during their first meeting after their breakup.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results