Yayo Aguila breaks her silence on daughter's complaint against Baron Geisler

May 26, 2008
"Talagang paniniwalaan ko yun, anak ko yun, e. 'Tsaka si Patricia, hindi ‘yan sinungaling na bata. She's a very tough girl. Para mapaiyak mo siya, ibig sabihin meron talaga siyang hindi nararamdaman na maganda at nasaktan siya," says Yayo Aguila about the story of her daughter Patricia Martinez (inset, top) that she was sexually harassed by Baron Geisler (inset, bottom).

Binasag na ni Yayo Aguila ang kanyang pananahimik sa demandang kinasasangkutan ng kanyang anak na si Patricia Martinez kontra sa ex-housemate ng aktres sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition na si Baron Geisler sa panayam sa kanya ng The Buzz kahapon, May 25. Incidentally, kahapon din nagdiwang ng kanyang kaarawan si Patricia.

Nasa Amerika si Yayo nang maganap ang insidente sa pagitan nina Patricia at Baron sa isang bar sa Makati City noong April 25. Ilang linggo pagkatapos magsampa si Patricia ng kasong acts of lasciviousness laban kay Baron ay dumating sa Pilipinas si Yayo.

"Katulad ng napag-usapan namin pagdating ko, sabi ko nga sa kanya [Patricia], whatever yung plano niya at yung mga pinaninindigan niya ngayon... Yun lang naman ang magagawa ko as mom. Isu-support ko lang siya, yun lang yun," saad ni Yayo sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin.

Sinabi ni Yayo na nag-text din sa kanya si Baron kinabukasan pagkatapos niyang malaman mula kay Patricia ang ginawa ng aktor sa kanyang anak.

Continue reading below ↓

"In-explain niya na baka na-misinterpret lang daw siya. Nagso-sorry siya sa akin kasi hindi naman niya mini-mean na i-disrespect yung family. Kasi hindi alam ng marami na very close sa mga anak ko si Baron at sa lahat sa amin sa family. Lahat ng [PBB] housemates ganun. So, hindi siya iba.

"Tapos ayun, sinend niya yung message. Siyempre hindi ko na ni-replayan, di ba? Dahil ang feeling ko, okay, narinig ko na yung side niya. Pero hanggang doon na lang yun," sabi ni Yayo.

Habang nasa Amerika si Yayo ay may sinabi raw ang mister niya na si William Martinez (kapatid ni Albert Martinez). Bukod daw sa anak nila na si Patricia ay may ginawa ring hindi kanais-nais si Baron kay Yayo na hindi nagustuhan ni William.

Ayon kay Yayo, "Actually, hindi naman, hindi ko na kailangan pang hindi ko siya sabihin. Kasi nung nasa loob kami ng Bahay ni Kuya, nangyari yun. Naka-tape yun. ‘Tsaka nakita yun ng maraming tao.

Continue reading below ↓

"Kasi nagkaroon kami ng Boracay days noon, di ba? Lahat kami naka-Boracay outfit. Yun yung day na nakainom si Baron. Marami siyang nainom noon kasi nagpa-party si Kuya, nagpa-party si Ethel [Booba].

"Kasi tinawag ako ni Kuya para dalhin si Baron sa confession room. Nung tinatawag ko siya, hinihila ko siya. Hinalikan niya ako sa leeg. Pero siyempre, sa akin wala naman yun. Wala naman yun sa akin kasi lahat kami sa Bahay ni Kuya, naiintindihan namin siya. And open naman siya na may problema siya sa pag-inom niya, na hindi niya talaga makontrol yun," kuwento ng aktres.

Ito raw ang isa sa mga dahilan kung kaya't pinaniniwalaan niya 100 percent ang kuwento ng kanyang anak.

"Talagang paniniwalaan ko yun, anak ko yun, e," diin ni Yayo. "Tsaka si Patricia, hindi ‘yan sinungaling na bata. She's a very tough girl. Para mapaiyak mo siya, ibig sabihin meron talaga siyang hindi nararamdaman na maganda at nasaktan siya."

Continue reading below ↓

Paninindigan din daw nila ni William ang naging desisyon ng kanyang anak at susuporta sa laban nito kay Baron.

"Yun lang naman talaga ang dapat kong gawin bilang ina," pagtatapos ni Yayo.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Talagang paniniwalaan ko yun, anak ko yun, e. 'Tsaka si Patricia, hindi ‘yan sinungaling na bata. She's a very tough girl. Para mapaiyak mo siya, ibig sabihin meron talaga siyang hindi nararamdaman na maganda at nasaktan siya," says Yayo Aguila about the story of her daughter Patricia Martinez (inset, top) that she was sexually harassed by Baron Geisler (inset, bottom).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results