PEP EXCLUSIVE: Sharon Cuneta tells how skin broke out in cold sores from extreme London weather

May 26, 2008
"Alam mo, I look like a dartboard na pulang-pulang-pula and puti, so nag-i-standout. Ang tawag nila, cold sores. Actually, even sila Direk would have sa mga... Si Penny nagkaroon, si Peachy nagkaroon; si Anna, lotion nang lotion, 'yon pala alam na niya 'yan. It was weird because I've lived in Boston [Massachusetts] through one whole winter, never, no. But the cold there [London] talaga naman, iba talaga!" says Sharon Cuneta while showing the rashes she got wh

Noong nasa London pa lang ang Megastar na si Sharon Cuneta habang nagsu-shooting ng pelikula niya sa Star Cinema, ang Caregiver, ay nakapagbigay na siya ng ilang kuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nabanggit niya sa kanyang text messages sa editor-in-–chief ng PEP at YES! magazine na si Jo-Ann Maglipon kung gaano kahirap mag-shooting dahil sa napaka-unpredictable na weather ng London. May isang araw nga na halos naranasan nila ang lahat ng klase ng panahon.

Kuwento ni Sharon kay Jo-Ann: "London weather unbelievably unpredictable and harsh once it does its thing, which is to say, in a span of 15 to 20 minutes. Kulang na lang mag-autumn para ma-complete mo ang 4 seasons! Dagdagan mo pa ng hail at ulan! Tapos habang naninigas ka sa pagka-wet and cold, aba, spring na! ‘Tapos maglalakad ka pa ng 5 minutes, summer na pero nanginginig ka pa rin!"

Ilang araw pagkatapos makabalik ni Sharon from London ay binista siya ni Jo-Ann sa taping ng kanyang weekly show sa ABS-CBN na Sharon. Doon ay naikuwento ng Megastar na bukod sa nagkasakit siya ay nagkaroon din siya ng rashes dulot ng pabagu-bagong klima sa London.

Continue reading below ↓

"Wala akong derma kasi wala akong problema sa balat," umpisa ni Sharon. "So when I say I broke out, I really mean...break out means one to two pimples. Big deal na 'yon. Kasi wala akong problema, perfect 'yong skin ng nanay ko 'tsaka tatay ko. Ilang beses ako nag-breakout in 13 years? Tatlong beses lang ako nagka-pimple."

Ipinakita ni Sharon kay Jo-Ann ang rashes na kumalat sa ilang bahagi ng kanyang katawan, karamihan sa kanyang braso.

"Ito, I had also here, wala na ngayon, ‘pag wala na... I had here tapos a few here. Noong nag-one, two, three, namamatay na ako sa nerbiyos. The second time na trinangkaso ako, I was chilling. So we shot in the train station... Pagbalik kong ganyan, pagbalik sa nursing [home], humiga ako... ‘Yong costume ko, so may thermal underwear ako, may turtle neck, may scarf, may coat, ‘yong tunay na coat ko pa ‘yong personal kong coat, may gloves. Humiga ako, hindi ko tinanggal ‘yon ultimo sapatos, tapos pinainom na nila ako ng whatever before I lay down. This was the second bout with the trangkaso.

Continue reading below ↓

"I was chilling when the assistant director came in, nursing home ‘to, magsu-shoot kami ng isang dramatic na ano. ‘Ang init,' gumanyan siya. So hindi ko alam, nakatulog ako without realizing it. So I fell asleep. Paggising ko, it's like past noon na, mga 12:30. ‘Oh, my God!' akala ko pinack-up, ayoko nang mag-extend ng another day. Sabi ko ‘Oh, my gosh!' ‘Ma'm, hindi po, ginawan ng paraan, kinunan muna po ‘yong scenes noong Mr. Morgan supposedly. So halika na, okay na daw ba, kung okay na kayo, magsu-shoot si Direk [Chito Roño].'

"So we shot till morning then we drove again. Remember this is the one I went to the hotel and sabi ko, ‘Ano?' So we checked in. Alam mo, pagtanggal ko ng scarf, ‘Ano ba ‘to?' Pag ganoon ko, kasi magko-costume na, eto na... Akala ko 'yon lang, pagdating sa hotel, ‘Oh, my God, Peach [her makeup artist]!' Nandoon every day, para akong dartboard. So nag-rashes ako, ang tawag doon cold sores. And I thought... It was only my arms here, my arms, and then it started just a little bit on my neck and then a little bit on this part of my chin and about a few here.

Continue reading below ↓

"Ngayon pa lang siya nawawala... Alam mo, I look like a dartboard na pulang-pulang-pula and puti, so nag-i-standout. Ang tawag nila, cold sores. Actually, even sila Direk would have sa mga... Si Penny nagkaroon, si Peachy nagkaroon, si Anna lotion nang lotion, 'yon pala alam na niya 'yan. It was weird because I've lived in Boston [Massachusetts] through one whole winter, never, no. But the cold there [London] talaga naman, iba talaga!

"Naloka ako... grabe! So minakeupan na, pero ngayon nawawala na siya. Pero ang tagal! For someone that never ever breaks out, praning ako. And my best talaga is when I don't have any makeup on, 'tapos lipstick lang. So nag-panic ako, pero now nawawala na siya. 'Tsaka hindi ko makamot talaga, afraid ako.

"Alam mo, iba ‘yong lamig. Nagmaminus-minus," sabi ng Megastar.

Sa June 2008 issue ng YES! magazine ay may mga karagdagang kuwento pa si Sharon tungkol sa experience niya while shooting Caregiver—na magbubukas sa mga sinehan, May 28—in London. Sa 10-page gallery, ang Megastar mismo ang nagbigay ng captions sa mga naturang larawan.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam mo, I look like a dartboard na pulang-pulang-pula and puti, so nag-i-standout. Ang tawag nila, cold sores. Actually, even sila Direk would have sa mga... Si Penny nagkaroon, si Peachy nagkaroon; si Anna, lotion nang lotion, 'yon pala alam na niya 'yan. It was weird because I've lived in Boston [Massachusetts] through one whole winter, never, no. But the cold there [London] talaga naman, iba talaga!" says Sharon Cuneta while showing the rashes she got wh
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results