Yayo Aguila says "Bubble Gang" spoof hurt her daughter Patricia's feelings

May 26, 2008
"Galit na galit siya at mangiyak-ngiyak dahil in-spoof sila roon. Siya, si Baron... parang ganoon. Kaya lang mas na-hurt siya dahil siya yung babae at biktima. Naaawa tuloy ako sa anak ko dahil hindi siya sanay, e," says Yayo Aguila.

Walang atrasan at hindi magpapaareglo si Patricia Martinez sa kasong acts of lasciviousness na sinampa nito kay Baron Geisler.

Nakapanayam naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ina ni Patricia na si Yayo Aguila sa dressing room ng ABS-CBN matapos nitong mag-guest sa The Buzz at hindi na napigil ng misis ni William Martinez na maglabas ng hinaing sa nangyari sa panganay nilang anak na eksaktong 22nd birthday kahapon.

THEY TRUSTED BARON. Una munang inusisa ng PEP kung ano ang naging reaction niya nang unang nalaman ang balita.

"Siyempre na-freak-out ako. Kasi, nasa Amerika nga ako, kagigising ko lang or madaling araw iyon, ‘tapos nag-text ang anak ko na kailangan niya akong makausap. E, hindi ko siya makausap dahil may problema yung roaming [cell phone signal] ko and kailangan ko pang bumili ng phone card. So, talagang na-freak-out ako nang nalaman ko iyon dahil hindi ko ine-expect na mangyayari iyon at si Baron pa yung involved. Sana kung ibang tao. E, hindi naman ibang tao si Baron sa pamilya namin," panimula ni Yayo.

Continue reading below ↓

Sinabi pa ng aktres na hindi niya pinagdudahan ang sumbong ng kanyang anak dahil kilala niya si Baron.

"Siyempre, hindi naman sinungaling ang anak ko, at saka kung alam mo lang yung iyak niya, yung talagang humihikbi siya. At saka, naniwala agad ako, kasi close sa akin si Baron, pero I know that he is really like that kapag nakakainom. Maski naman siya, inaamin niya iyon sa mga interview, at saka yung profile niya bago kami nag-PBB, hindi ba sinabi niya na may drinking problem talaga siya? Pero hindi ko inaasahan na mangyayari iyon sa anak ko with him."

Hindi ba mas masakit iyon na close ang family mo at pinagkakatiwalaan mo siya pero ganoon ang nangyari?

"Exactly, kasi ang masakit doon, si Baron, ang tawag nga sa kanya ng mga anak ko ay 'kuya'. Kaya ang sinasabi ng ibang tao, alam naman daw na ganoon si Baron, in-invite pa. Hindi naman kasi ganoon ang mga anak ko, lahat ng ini-invite nila sa get-together na iyon, lumalabas sila with our friends. Lahat ng friends namin, close din sa mga anak ko. So, who would ever think na mangyayari iyon? She really felt violated, kasi in good faith, in-invite niya si Baron pati yung maraming friends nila.

Continue reading below ↓

"At saka ang anak ko, hindi iyon nag-iisip ng malisya sa ibang tao, hindi sila ganoon," naiiling na esplika pa niya.

SHE LOVES BARON. Ano sa palagay niya ang dapat gawin ni Baron para makapagbago?

"Hindi ko alam, pero hindi ba sinasabi nga niya na may drinking problem siya? So I think kailangan muna niyang i-address yung issue na iyon. Sa totoo lang, mabait siya e, mabait siya. He's really a nice guy kapag hindi siya nakakainom. Very, very sweet. Very, very loving.

"At saka alam mo, mahal ko si Baron dahil malaking respeto ang ibinibigay niya sa akin, ever since nasa PBB kami. Yun nga lang, there's another side to him, e. So, it's really sad na nangyari ito."

So, talagang masasabi niya na ‘pag lasing si Baron ay nawawala ito sa sarili?

"Actually, hindi ko puwedeng sabihin na nawawala siya sa sarili, kasi unang-una hindi naman ako talaga manginginom, so hindi ko alam kung ano yung state of mind ng mga ganoon. Pero...well, siguro nawawala lang siya sa control. Pero hindi ko naman puwedeng sabihin na nawawala siya sa kanyang sarili, na hindi niya alam ang ginagawa niya. Kasi I think, he knows naman what he does, wala lang sigurong control.

Continue reading below ↓

"Kaya nahihirapan din ako, dahil anak ko itong ipinaglalaban ko, ‘tapos ang kumalaban sa anak ko, malapit din sa akin."

Sinabi ni Yayo na tuloy ang kaso at hindi magpapaareglo ang anak niya.

"Nag-preliminary hearing nga noong Friday at hindi ako umabot. Ang next hearing namin ay this coming June. Hindi ko lang alam yung exact date, pero I'm looking forward to it. At least nandito na ako and I'm hoping na magsu-show-up na siya [Baron].

"Areglo?" ulit niya sa aming tanong. "Ayaw mag-settle ng anak ko, so hindi talaga. And this fight that she's fighting, siyempre fight ito ng buong pamilya. So, whatever ang desisyon niya bilang adult, adult na siya, e. Siyempre bilang magulang, kami we really just stand by her. Kasi, alam ko naman na alam ng anak ko kung ano ang dapat para sa kanya. Kami, hindi kami puwedeng makialam dito ni William, go lang kami kung ano ang gusto niya, nandito lang kami.

Continue reading below ↓

"Tinanong ko na ang anak ko. Honestly, kasi minsan naiisip mo na, ‘Paano kung mag-sorry, okey na?' Pero sabi ko lang, itutuloy mo ba ito o kung makikipag-settle ay makikipag-settle ka na? Pero sabi niya, ‘hindi mama, itutuloy ko ito.' Iyon lang ang narinig ko sa kanya ‘tapos tama na."

WILLIAM KNOWS BARON'S PROBLEM. Hindi ba siya nag-alala na baka pisikal na buweltahan ni William si Baron?

"Actually, yun ang inalala ko. Kasi, bago nagsabi si Patricia kay William, sa akin talaga muna siya nagsabi, hindi niya masabi dahil baka mamaya... siyempre bilang tatay, hindi ba?

"Ang mahirap pa nito, William knows Baron's problem, kasi nga nagkakasama kami palagi, e. Nag-bond na silang dalawa. Si Baron laging humihingi ng payo kay William tungkol sa showbiz, ukol sa buhay. Ang tawag nga niya, Sir William, ‘di ba? So, alam ko na nandoroon yung respeto ni Baron.

"Pero yun na nga, sinabi ng anak ko na ayaw niyang sabihin sa papa niya dahil natatakot siya. Siyempre yung instinct nito bilang ama, baka mamaya... Ayaw naman niyang mag-eskandalo, kaya ako muna ang kinausap niya bago ang papa niya at ginawa ko agad pagkababa ng telepono ay tinawagan ko si William. E, bagong gising pa naman. Ginising lang siya, and in-explain ko namang mabuti at kalmado naman siya."

Continue reading below ↓

Hindi ba dagdag na insulto sa insidente ang isinagot ni Baron sa akusasyon ng anak niya?

"Ang una ngang nakarating sa akin ay idine-deny niya iyon, pero may statement din siya na sinabi niyang baka na-misinterpret lang siya. Kasi nga, nadala raw niya yung role niya. E, di ba parang inamin na rin niya iyon? Parang...come-on, hello. Sana man lang inayos muna niya yung statement niya at saka sa bibig na niya mismo galing iyon, e. Kaya parang inamin na niya."

Ano kaya ang mangyayari kapag nagkita sila ni Baron?

"Ako, ayokong magsalita, kasi marami namang nakakakilala kay Baron kung ano siya talaga. Although it's just really so sad kasi, ako magmula noong day one na kasama ko si Baron sa PBB hanggang sa natapos yung PBB hanggang sa huling araw ko na naiwan pa siya roon, lagi ko siyang idinedepensa sa lahat ng tao. Kasi, alam kong mabait siya talaga, pero sa nangyaring ito, ibang usapan na iyon at hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nagkita kami."

Continue reading below ↓

BARON'S "HAPPY TRIP." May isang insidente diumano na lasing na lasing si Baron at naghubad ito na underwear lang ang natira. Alam ba ni Yayo ito?

"Hindi ko alam iyon, pero sa PBB naghubad siya ng brief, hindi nga namin alam kung paano niya nagawa iyon na hindi niya inalis ang short niya. Hindi ba iwinagayway pa niya iyon sa camera?

"Pero iyon, happy yung trip na iyon, good trip iyon. Ito ang time na nag-Boracay party kami sa loob ng PBB, ‘tapos inubos niya ang lahat ng alak, iyon yung first episode na lasing siya, pero happy siya.

"Yung pangalawa, ito na yung kinain niya yung microphone at na-force eviction siya ni Big Brother. Sana kung laging masaya, although siyempre, he made passes at everyone, Ethel [Booba], Mariel [Rodriguez], ako, Gaby [de la Merced], lahat kaming mga babae, talagang ginano'n niya and it was recorded kaya hindi ito puwedeng ipagkaila, nandoon talaga iyon."

Continue reading below ↓

Kung ikaw ang magde-decide ano ang gagawin mo?

"Kung siguro sa akin niya iyon ginawa, baka sakaling okey pa. Kaya lang ginawa niya sa anak ko, kaya iba na ito, ibang level na ito. Kung ako, kaya kong mapalampas pero huwag naman iyong anak ko. Kasi yung anak ko, hindi ko iyon pinalaki para bastusin lang ng ibang tao. At pinag-aral namin yung anak ko sa magandang eskuwela para magkaroon siya ng mabuting prinsipyo. And I guess it's about time na magamit niya iyon."

READY TO DIE FOR HER CHILDREN. Masasabi niya bang lalaban siya ng patayan para sa mga anak niya?

"Oo naman, alam ng mga anak ko iyan at talagang nakikipaglaban ako kahit kanino pagdating sa mga anak ko. Kaya lang pinababayaan ko siya dahil adult na siya, pero kung sakaling ibang mga anak ko iyan na bata pa, ewan ko kung ano'ng mangyayari."

May ilang insinuations na baka hindi nagsasabi ng totoo si Patricia, may naiisip ba si Yayo na dahilan para magsinungaling ang anak niya?

Continue reading below ↓

"Exactly, ano ang dahilan para magsinungaling ang anak ko. Kaya nga naiinis din ako, siyempre kahit laki siya sa showbiz, hindi siya sanay. Sabi niya, ‘Mama bakit may ilan na nagsasabing sinungaling daw ako? Sa edad kong ito, ano ang mapapala ko rito, hindi naman ako kikita ng pera para gawin ko ito. At saka hindi naman ako nagbabalak na mag-artista.'

"Gusto kasi ng anak ko, sobrang tahimik na buhay. Ipinapaliwanag na lang namin ni William na ganoon talaga sa showbiz.

"'Tapos sa Bubble Gang galit na galit siya at mangiyak-ngiyak dahil in-spoof sila roon. Siya, si Baron... parang ganoon. Kaya lang mas na-hurt siya dahil siya yung babae at biktima. Naaawa tuloy ako sa anak ko dahil hindi siya sanay, e. Although she's really tough," pagtatapos na ni Yayo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Galit na galit siya at mangiyak-ngiyak dahil in-spoof sila roon. Siya, si Baron... parang ganoon. Kaya lang mas na-hurt siya dahil siya yung babae at biktima. Naaawa tuloy ako sa anak ko dahil hindi siya sanay, e," says Yayo Aguila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results