Sam Milby on status of his relationship with Anne Curtis: "Dating with a purpose."

May 27, 2008
"Gusto ko kasi talaga matuto na ng mag-Tagalog. Ang palagi kong roles, galing sa States, lumaki sa States, half-American. Gusto ko naman maging taga-Mindanao minsan!" jokes Sam Milby.

Sam Milby at 24 has a lot to thank for this year, including his improving Tagalog.

Binigyan ng sariling birthday presscon ng Star Magic ang itinuturing pa ring pinakasikat na housemate sa kasaysayan ng Pinoy Big Brother na si Sam Milby kaninang tanghali, May 27, sa ABS-CBN compound. Nanumbalik na ang kanyang magandang pangangatawan, hindi tulad the past weeks na obvious ang kanyang pagiging haggard.

Ito ang unang napansin sa kanya ng mga imbitadong press, at ikalawa ang kanyang pagiging matatas na sa pagta-Tagalog.

Complimenting him on his new body, mahaba-haba agad ang explanation ni Sam in Tagalog, but still in his Ohio twang.

"Kasi, hindi ba, bago ako pumayat, bigla rin ako tumaba? Kaya sabi ko, magpapapayat muna ako. Hindi ako kumain ng carbs [carbohydrate] at fried food, ‘tapos pumayat naman ako. Sabi sa akin ni Erik [Raymundo, his manager], magpataba naman ako, kaya ang ginawa ko, kumain na ako nang kumain," kuwento ni Sam sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Continue reading below ↓

"Marunong ka nang mag-Tagalog," sabi namin kay Sam. Kailangan na raw kasi, sabi naman niya.

"Magsisimula na ako ng taping ko ng Dyosa next week, ang director namin si Wenn [Deramas]. Kuwento ni Anne [Curtis] sa akin, siya [Direk Wenn] ang nagturo na mag-Tagalog sa kanya dahil babantayan [binantayan] daw siya noon sa una nilang show. And that's good," medyo nadulas si Sam sa pagsasalita ng Tagalog.

"Gusto ko kasi talaga matuto na ng mag-Tagalog. Ang palagi kong roles, galing sa States, lumaki sa States, half-American. Gusto ko naman maging taga-Mindanao minsan!" sabay tawa niya.

"Saka pati accent ko kailangan mawala na rin," pahabol niya.

Kararating pa lang ni Sam from his two back-to-back trips abroad, first sa New Jersey sa US and then sa Australia.

"Let's see, apat na araw ako sa States tapos bumalik sa Philippines ng one day lang, ‘tapos Australia na. Isang araw lang naging pahinga ko, may jet lag pa ako, see, may eye bags din, malaki," kuwento niya.

Continue reading below ↓

CLOSE WITH ANNE'S MOM. Sa Melbourne nag-celebrate ng kanyang actual birthday last May 23 si Sam with a concert. Among the surprise well-wishers cum guest was Anne's mother. Umakyat ang ina ni Anne sa stage para magdala ng cake at magbigay ng birthday wish. Backstage, marami ring regalo at pasalubong ang ina ni Anne for her would-be future son-in-law.

This negates the rumor na ayaw raw sa kanya ng ina ni Anne.

"Alam mo, hindi totoo ‘yan. Book One pa lang ng show [Maging Sino Ka Man] namin ni Anne, we're close na. Mabait sa akin ang mommy ni Anne. Never niya ako pinagalitan or hindi pinansin. Kaya nga not true na ayaw niya sa akin," paliwanag ni Sam.

Sa ngayon, "dating with a purpose" raw ang estado nila ni Anne.

Pilit pinapaamin si Sam ng mga manunulat kung sila na ba talaga ni Anne, but he is steadfast in saying not just yet. "Hindi mo naman puwede madaliin ‘yan," sabi niya.

Continue reading below ↓

Tinanong ng PEP kay Sam kung puwede niyang sabihin kung ano ang birthday gift ni Anne sa kanya noong birthday niya.

"Puwede naman," proud na pasimula ni Sam with his eyes twinkling.

"An Xbox, imagine that. Umuwi siya, actual birthday ko from her Europe trip. Ako naman, nasa Australia pa, nagku-concert. The other day lang kami nagkita," kuwento ng aktor.

May naikuwento pa si Sam about a band set or drum set, pero hindi namin maintindihan kung part pa rin ito ng regalo ni Anne sa kanya.

Muli silang magkakasama ni Anne sa upcoming fantasy soap ng ABS-CBN na Dyosa. Sam will play Adonis, a "beast."

Anong klaseng beast?

"Basta beast, hindi pa puwede sabihin," sagot niya.

CASE SETTLED. May nagtanong kay Sam kung isa rin sa mga birthday wishes niya na na-settle na ang demanda nila ni Piolo Pascual kay Lolit Solis. Oo raw.

"That has been settled, thank God," sambit niya. "Ayoko rin naman mangyari ito. Kahit lahat ng mga pastors namin, ayaw sana na ituloy ko ang demanda. Pero nanghihingi lang naman ako ng retraction."

Continue reading below ↓

Pinaalaala namin kay Sam na handa raw tumulong si Manay Lolit kay Sam and we asked for his reaction.

"I will not ask for it. Pero hindi ko naman tatanggihan o sasabihin niya tulungan kita ‘tapos sasabihin ko no. I will not just ask for it. Thank you ‘pag nag-offer," pahayag niya.

Biniro namin siya na kung sakaling magkita ulit sila ni Manay Lolit in a showbiz gathering at "harbatan" siya nito, magbibigay ba siya? Tawanan na lang ang mga manunulat dahil hindi maintindihan ni Sam ang concept of outright hingi/lambing na natatak na sa manager ng some of the biggest stars including Christopher de Leon, Bong Revilla Jr, Lorna Tolentino, Rudy Fernandez, among others.

Read Next
Read More Stories About
Sam Milby, Anne Curtis
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gusto ko kasi talaga matuto na ng mag-Tagalog. Ang palagi kong roles, galing sa States, lumaki sa States, half-American. Gusto ko naman maging taga-Mindanao minsan!" jokes Sam Milby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results