Court orders Lolit Solis to pay Gabby Concepcion P700,000

May 27, 2008
In a 2004 ruling, the Court of Appeals ordered talent manager Lolit Solis (left) to pay her former ward Gabby Concepcion (right) P700,000 for the actor's counterclaim against his former manager.

Magmula nang bumalik sa Pilipinas ang aktor na si Gabby Concepcion pagkatapos ng labintatlong paninirahan niya sa Amerika, kaliwa't kanan ang hinarap niyang kaso rito. Ang iba ay mga iniwan niyang kaso at may isa na isinampa nang nandito na siya sa Pilipinas.

Pero kasama rin sa legal battles ni Gabby ang pag-award sa kanya ng korte ng halagang P700,000 pagkatapos niyang maipanalo ang kaso na isinampa niya sa kanyang dating manager na si Lolit Solis.

Ayon sa report ng GMA News, noon pang July 19, 2004 ibinigay ng Court of Appeals ang desisyon na ito na nag-uutos kay Lolit na bayaran si Gabby ng P500,000 para sa moral damages at P100,000 each para sa exemplary damages at attorney's fees.

Pero nalaman daw ni Gabby ang desisyon na ito ng korte two weeks ago lamang. Ito ay pagkatapos siyang bigyan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 97, na siyang humawak na kaso, ng kopya ng desisyon na naging final at executory noong March 27, 2005.

Continue reading below ↓

Ayon sa records, nagsampa ng civil case si Lolit laban sa kanyang dating alaga na si Gabby noong 1994 dahil sa diumano'y hindi pa nababayarang commissions bilang talent manager, reimbursements para sa expenses, at pera na in-advance diumano ni Gabby kay Lolit na ayaw raw isoli ng aktor.

Sinabi rin ni Lolit na may utang pa si Gabby sa kanya na 10 percent agent's commission para sa tatlong pelikula at sampung episodes ng isang TV sitcom. Nakolekta na rin daw ng aktor ang kanyang talent fees mula sa mga producer.

Ngunit sa kanyang sagot kay Lolit, sinabi ni Gabby—na inamin na si Lolit ay ang kanyang talent manager at financial manager—na tinulungan lang siya ng talent manager sa kanyang pakikipagnegosasyon para sa iba't ibang movie at TV contracts. Sinabi rin ni Gabby na siya ang nag-aasikaso at humahawak ng kanyang kinita mula sa mga naturang kontrata.

Idinagdag pa ni Gabby na nabigo si Lolit na gampanan ang kanyang katungkulan bilang manager at magbigay ng full accounting ng perang ipinagkatiwala sa kanya.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa GMA News, humingi ng counterclaim ang aktor "since he suffered damages and prayed that Solis be held liable to him and be ordered to turn over all contracts and related documents and to render full and final accounting of all money held in trust to her amounting to P2-million."

Pagkatapos nito ay idinismis ni QCRTC Branch 97 Presiding Judge Oscar Leviste ang kaso ni Lolit at pinaboran ang counterclaim na hiningi ni Gabby. Pinag-utos din niya na bayaran ni Lolit si Gabby ng P2 million for nominal damages, P3 million for moral damages; P100,000 each for exemplary damages and attorney's fees.

Pagkatapos ng dismissal ng kaso, nag-apila si Lolit sa Court of Appeals. Pero pinaboran ng CA ang desisyon ng mababang korte, ngunit binabaan nito ang halaga ng damagaes na babayaran ng talent manager sa kanyang dating alaga.

Sa desisyon ng CA, sinabi nito na nabigo si Lolit na magbigay ng sapat na ebidensiya para patunayan ang kanyang mga paratang laban kay Gabby.

Continue reading below ↓

Ngayong nagkaayos na sina Lolit at Gabby pagkatapos ng kanilang matagal na panahong alitan, hindi namin alam kung makakaapekto ang panibagong pangyayaring ito sa kanilang samahan.

Noong nakaraang linggo ay iniurong na nina Piolo Pascual at Sam Milby ang libel case na isinampa nila kay Lolit. Ito ay pagkatapos bawiin ng talent manager ang kanyang isinulat noon sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon na nakita niyang "naglalampungan" ang dalawang aktor sa poolside ng isang hotel.

Si Gabby naman ay patuloy na hinaharap ang mga kasong iniwan niya nang lisanin niya ang Pilipinas, at nadagdagan pa nga pagdating niya.

Read Next
Read More Stories About
Lolit Solis, Gabby Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a 2004 ruling, the Court of Appeals ordered talent manager Lolit Solis (left) to pay her former ward Gabby Concepcion (right) P700,000 for the actor's counterclaim against his former manager.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results