FIRST READ ON PEP: Dingdong Dantes chosen by San Mig Light to be its new endorser

May 27, 2008
Young actor Dingdong Dantes added another feather to his cap when he was chosen by Sam Miguel Brewery Corp. to be the newest endorser of San Mig Light.

Nadagdagan na naman ang produktong ini-endorse ng young actor na si Dingdong Dantes.

Kinumpirma ng isang credible source na ang Kapuso leading man ang bagong endorser ng San Mig Light. Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), Dingdong was chosen over a dramatic actor from the Kapamilya Network.

Si Dingdong daw ang pinili ng San Miguel Brewery Corp. dahil sa personalidad at magandang pangangatawan nito na tugmang-tugma sa tagline ng San Mig Light na "Magaang dalhin."

Dahil sa ipinakitang husay ni Dingdong bilang Sergio sa Marimar at ngayon bilang Fredo sa Dyesebel ng GMA-7, siya ang pinili ng higanteng San Miguel Brewery Corp. upang maging bagong mukha ng best-selling brand nito.

Kahanay na ni Dingdong ngayon ang mga tulad nina Fernando Poe Jr., Bert "Tawa" Marcelo, Gabriel "Flash" Elorde, Manny Pacquiao, Kris Aquino, at Jet Li na minsan nang nag-endorso ng produktong San Miguel

Sa katunayan, ayon sa aming well-placed source, lalabas na raw ang higanteng billboard ni Dingdong sa Edsa any day now.

Continue reading below ↓

Magsisimula na rin daw ang shooting ng TV commercial na may mga itinatago pang "sorpresa" para sa mga manonood.

Sabi ng aming source, significant kay Dingdong ang endorsement na ito dahil matagal na palang pangarap ng sikat na young actor na lumabas sa isang San Miguel commercial.

Kung tutuusin, well-deserved naman si Dingdong sa lahat ng tagumpay at mga magagandang bagay na nangyayari sa career niya ngayon. Matagal na si Dingdong sa industriya at very well-rounded na siya—mapa-hosting, mapa-pelikula, mapa-telenovela.

"Tuwang tuwa si Dingdong dahil matagal na niyang dream na mapabilang sa San Miguel family," ayon naman sa manager ni Dingdong na si Perry Lansigan nang makausap ito ng PEP.

Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actor Dingdong Dantes added another feather to his cap when he was chosen by Sam Miguel Brewery Corp. to be the newest endorser of San Mig Light.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results