Pauleen Luna says politician-boyfriend has no hand in her decision not to pose for "FHM"

by Allan Diones
May 28, 2008
"Hindi totoo ‘yan! If ever may decision man na gano'n, it's my own decision and my parents' decision, not his," clarifies Pauleen Luna about reports that she can't pose for FHM is because her boyfriend, Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, says so.

Itinanggi ng young actress na si Pauleen Luna na ang politician boyfriend niyang si Mayor Sherwin Gatchalian ang dahilan kaya kahit anong alok sa kanya ng FHM ay ayaw niyang mag-pictorial para sa nasabing men's magazine.

Mas payat na kasi ngayon si Pauleen at mas maganda ang hubog ng katawan kaya kering-keri na niyang mag-FHM. Ang problema ay ang nobyo niya raw ang may ayaw.

"Hindi totoo ‘yan! If ever may decision man na gano'n, it's my own decision and my parents' decision, not his," pahayag ni Pauleen nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes ng hapon, May 26, sa contract signing niya bilang bagong celebrity endorser ng Mendez Medical Group ni Dr. Joel Mendez.

Patuloy niya, "Yeah, there are offers, pero si Sherwin is very understanding. Siya, anything goes, e. He tells me, ‘As long as you decide on it and you say yes, I trust you. I know naman you have a very good sense of judgment with everything that you do. That's fine with me.'

Continue reading below ↓

"But since nga it's my own decision not to do it yet, so ganun na lang muna," pahabol ni Pauleen.

Ayon sa 19-year-old young actress, hindi niya sinasabing never siyang magpu-pose sa FHM, pero sa ngayon ay wala pa siyang balak gawin ito.

"You know, the only thing in this world that's permanent is change. So, we don't know," sabi ng dalaga, na nagawa nang mag-sexy pictorial noon para sa Uno magazine.

Nag-aalala ba siya na baka makaapekto ‘yon sa imahe ng nobyo niyang mayor ng Valenzuela sakaling pumayag siyang magpa-sexy sa FHM?

"Well, no naman. I think if ever, it will be a career move. Let's see. But as of now, wala pa talagang balak."

STAGE BOYFRIEND? Hinihigpitan ba siya ni Sherwin? Totoo bang isa itong stage boyfriend?

"No, he's the opposite of mahigpit. Sobrang hindi siya stage boyfriend," depensa ni Pauleen sa kanyang nobyong pulitiko.

Totoo bang si Mayor Gatchalian ang tumanggi sa isang liquor commercial na dapat sana ay gagawin niya, kaya ang nangyari ay napunta ito sa ibang young actress?

Continue reading below ↓

"Hindi," tanggi ni Pauleen. "Kung meron mang mga ganung desisyon, sa manager ko ‘yon [Lolit Solis]. Sherwin doesn't have anything to do with my career. He's the opposite of pakialamero. Wala siyang binabawal sa akin. Para sa kanya, ‘It's up to you.' Very broadminded siya," pagtatanggol niya pa sa boyfriend niya.

Balitang madalas na raw itanong ng pamilya Gatchalian kung kailan balak magpakasal nina Sherwin at Pauleen. Kailan nga ba?

"Well, ano lang siguro...they're happy to have me with them. Kasi, kami [ng family ni Sherwin], every Sunday, we have dinner together, we bond... So, siguro ganun lang. Actually, they're excited. Pero wala naman dapat ika-excite!" tawa niya.

‘Pag tinatanong sila kung kailan ang kasal, ano'ng isinasagot nila?

"Wala pa, wala pa. If we talk about it, in a jokingly manner lang. Not really serious. Kasi, it's too soon, e. One year pa lang kami. Baka madala kami ng alon!" tawa ulit niya.

Continue reading below ↓

In fairness ay sobrang galante umano ng mayor boyfriend ni Pauleen. Ang dinig ng PEP ay niregaluhan siya nito ng isang condo unit.

"Hindi, hindi totoo ‘yon! Walang condo. Huwag nang gano'n!" natatawang iwas niya sa tanong.

‘Pag may binibigay sa kanya na malalaking bagay, ano'ng ginagawa niya?

"If it's too big, you have to think about it. Kasi, you know...you have to think about it!" tawa ulit ni Pauleen.

PAST RIFT WITH LIAN. Nilinaw rin ni Pauleen ang isyung nag-away sila ng EB Babe na si Lian Paz na kasamahan niya sa Eat Bulaga.

"Siguro, nagkaroon lang ng konting misunderstanding. Pero okey na, naayos na," sabi ni Pauleen.

Tungkol kanino ang misunderstanding na ‘yon?

"Sa aming dalawa, but it's finished," maikli niyang tugon.

May lalaki bang involved?

"Wala, walang guy involved. Hindi gano'n!"

E, ano'ng nangyari?

"Nagkaroon lang ng very little misunderstanding, na may nagsabi sa kanya na sabi ko raw gano'n, which I never said. So, she got a little mad and then we talked. So, okey na..."

Continue reading below ↓

So, hindi totoo na pinagkaisahan siya ng EB Babes?

"Ay, hindi naman! At saka bati na, okey na kami. Kasi, that happened before Eat Bulaga went to Dubai. And then, we went to Dubai together, so okey na yung relationship namin," paliwanag ni Pauleen.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi totoo ‘yan! If ever may decision man na gano'n, it's my own decision and my parents' decision, not his," clarifies Pauleen Luna about reports that she can't pose for FHM is because her boyfriend, Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, says so.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results