Joross Gamboa enjoyed his first experience of Boracay

by Rose Garcia
May 28, 2008
Young actor Joross Gamboa finally saw the beauty of Boracay when he and his family went there for a vacation. More photos

Artista mang naturingan, pero first time pa lang daw na makarating ng young actor na si Joross Gamboa sa isa sa pinakasikat na tourist attraction at beach sa bansa—ang Boracay. Ngayon lang din na-realize ni Joross na ilang bansa na rin ang napapasyalan niya, either work related or personal, and yet he never gave himself a chance to visit Boracay.

Kasama nga ni Joross last May 8 to 11 sa Boracay ang buong pamilya niya—his father Nato, mom Monet, and siblings Jvix and Jilka. Nagsilbing bonding moment na rin daw nila itong lahat. As much as possible daw, every year, either they go out of the country or out of town.

Naging memorable pa nga raw ang first visit ni Joross sa Boracay dahil tumapat ito noong Mother's Day, kaya doon na nag-celebrate ang buong pamilya.

Ayon kay Joross, naghati raw sila ng kanyang ama na si Mr. Nato Gamboa sa expenses. Ang young actor ang sumagot sa transportation nilang lahat at ang daddy naman niya ang umako sa accommodation sa Boracay Regency Resort.

Continue reading below ↓

Hindi lang natupad ang original plan nilang sabay-sabay na pumunta ng Boracay dahil na-miss ni Joross ang first day nila rito. Sumunod na lang daw siya the following day. Nagkataon kasi na first shooting day niya for A Very Special Love, ang pelikulang unang pagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo for Star Cinema.

Magkaganunman, sinulit naman daw ni Joross ang ilang days niya sa Boracay. Sa kanilang lahat daw, bukod-tanging siya na lang ang hindi nakakarating ng Boracay dahil ilang beses na raw nakapagbakasyon doon ang buong pamilya niya.

Most of the time daw kasi, natatapat na busy siya or may work talaga. Inamin din ng young actor na noon, parang hindi siya gaanong excited sa Boracay dahil alam niyang napakaraming taong dumarayo. Masaya na raw siya at kuntento sa beach resort ng pamilya nila sa Quezon.

Ilan sa mga activities na ginawa sa Boracay ay ang ATV bump car, banana boating, snorkeling, at island hopping.

Continue reading below ↓

Nakapag-relax daw nang husto si Joross sa Boracay, kaya siguradong babalik siyang muli roon.

Click here for more photos.

Read Next
Read More Stories About
Joross Gamboa
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actor Joross Gamboa finally saw the beauty of Boracay when he and his family went there for a vacation. More photos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results