Priscilla Meirelles says kissing scene of John and Sharon should be "more passionate"

by Rose Garcia
May 28, 2008
Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles came with boyfriend John Estrada to the world premiere of Caregiver last night, May 27, at SM Megamall.

Kahit hindi nakasunod si John Estrada sa kanyang girlfriend na si Prisicilla Meirelles sa Brazil para makilala sana ng aktor ang mga magulang at pamilya ng beauty queen, naging very understanding pa rin ang Miss Earth 2004.

Nakabalik na uli si Priscilla sa Pilipinas, which she considers as her second country. Isinama rin siya ni John sa premiere night ng Caregiver last night, May 27, sa Megamall.

Maliban nang pumunta sa harapan ng Cinema 10 ang buong cast ng movie para bumati sa lahat ng nanood at nagpunta sa premiere night, hindi na halos nawala si John sa tabi ni Priscilla, na nagningning talaga ang kagandahan last night.

Sa late-dinner party ng Caregiver sa Holiday Inn pagkatapos ng premiere night, nang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John kung ano ang naging reaction ng girlfriend sa movie, ang aktor na mismo ang nag-address ng tanong kay Priscilla na nasa tabi lang niya habang kinakausap namin.

Continue reading below ↓

Palabiro rin pala ang girlfriend dahil sa sinabi nitong kulang daw sa passion ang kissing scene nina John at Sharon Cuneta sa movie bilang mag-asawa na nagkalayo ng matagal at nagkita na lamang sa London.

"I think, the kissing scene should be more passionate!" sabi ni Priscilla habang si John ay nangingiting nakatingin at nakikinig lang.

Pero sabay-bawi rin naman ni Priscilla at sabing it was just a joke, saka nagseryosong sinabi na, "The movie itself is really beautiful. And him [John] and Sharon, congratulations to both of them, they are really, really very good."

Nagbiro rin si John na habang pinapanood daw nila sa premiere night ang movie, naging interpreter siya ng girlfriend sa pagta-translate dito ng mga dialogue na Tagalog. Pero nang makausap ng PEP si Priscilla, umiling ito sa ipinahayag ni John dahil, aniya, naintindihan naman niya ang movie, even if majority of the dialogues are in Filipino.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles came with boyfriend John Estrada to the world premiere of Caregiver last night, May 27, at SM Megamall.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results