Gary Valenciano will go back to school after silver-anniversary concert

by Archie de Calma
May 28, 2008
"For the next five years, I will be going back to school, I will be taking up Music Production and Audio Engineering for Films, TV, and Music. I will be taking that up in a school in Fullsile, Orlando, Florida, U.S.A., just eight minutes from our house there. For two straight years, I will be away, and will be back here. Then, go back again," says Gary Valenciano.

May remaining two nights pa ang His Love concert series ni Gary Valenciano sa Music Museum; bukas, May 29, at sa Biyernes, May 30.

Sa ikalawang gabi nito noong nakaraang linggo, halos mawalan na ng boses si Gary at ang akala nga ng misis niyang si Angeli Pangilinan ay makakansela ang show. Pero nagkaroon ng milagro bago pa ang show nang gabing manood kami ng concert. Pagkatapos matingnan si Gary ng doktor niyang si Dr. Llamazares at ipinag-pray over siya ni Brother Ed de Guzman. Bago pa lang ang unang pagbungad ni Gary nang gabing yun sa Music Museum, nagtuloy-tuloy ang performance niya at dalawang beses nag-standing ovation ang crowd.

GRAND SALVO. Inihahanda na rin ang grand salvo para sa 25th anniversary celebration ni Gary sa showbiz at music industry, through a big concert sa Araneta Coliseum this November. Pinakamalaki na raw ito kung tutuusin dahil pagkatapos nito, ilang taong mawawala si Mr. Pure Energy sa eksena.

Continue reading below ↓

"For the next five years, I will be going back to school," sabi ni Gary sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang panayam. "I will be taking up Music Production and Audio Engineering for Films, TV, and Music. I will be taking that up in a school in Fullsile, Orlando, Florida, U.S.A., just eight minutes from our house there. For two straight years, I will be away, and will be back here. Then, go back again."

Aware si Gary na ang absence niya ay pupuwedeng makaapekto sa career niya rito.

"Pero pinag-isipan ko nang mabuti 'yan," sabi niya. "I will be doing this to help more people. It's not just for myself. I want to learn more to help this industry. I will be doing this for the industry, and for myself, too. In the sense that I don't want to regret giving up the opportunity while I'm still young enough to spend more years in school. I don't want to decide on this when I'm 65," nangingiting sabi ni Gary.

Continue reading below ↓

Marami pa rin kasing ibang bagay na gustong gawin si Gary. Nakikita nga niya ang sarili na sa mga susunod na taon, he will be away from the limelight as a performer.

"Magko-concert pa rin ako, pero hindi na madalas," deklara niya. "I'm glad that I still have offers for concert tours abroad. But in the coming years, I guess I have to work with other people in the industry, behind the lights and cameras."

GARY'S CHILDREN. Ito rin daw ang pangarap ng anak niyang si Gabriel, ang magkaroon ng proper education sa larangan ng musika at performing arts.

"He's more interested in production. But my other son, si Paolo, siguro siya na ang susunod sa akin. Gumagawa na siya ng pangalan as a singer. Ang nakikita ko kay Paolo, he may end up like his mom who's interested in managing talents," lahad ni Gary.

Very proud dad si Gary sa His Love series niya dahil pati ang bunso nilang si Keana ay revelation din as a singer.

Continue reading below ↓

BILLY ON ASAP. Kumalat din ang balita na si Billy Crawford ang napipisil na pumalit kay Gary V sa ASAP '08.

"Well, just in case I go away," nangingiting sabi ni Gary. "It's just okay. The management can fill that gap, but my sons will still be in the show, or they may appear there every now and then.

"Wala namang problema. But so far, if they want to put Billy there, I will still be in the show until the plan materializes, that I really have to leave."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"For the next five years, I will be going back to school, I will be taking up Music Production and Audio Engineering for Films, TV, and Music. I will be taking that up in a school in Fullsile, Orlando, Florida, U.S.A., just eight minutes from our house there. For two straight years, I will be away, and will be back here. Then, go back again," says Gary Valenciano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results