PEP EXCLUSIVE: Gladys Reyes celebrates "super-advance" birthday to coincide with baby shower

by Rose Garcia
May 29, 2008
"Naku, e, baka kasi hindi ko na ma-celebrate birthday ko pag hinintay ko pa. Malay n'yo nga, manganganak na pala ako ng time na yun?" explains Gladys Reyes on why she decided celebrate her birthday party during her baby shower. More photos

Ginanap sa Grand Terrace sa may Commonwealth Ave., Quezon City ang pinagsamang baby shower at super-advance 31st birthday ng aktres na si Gladys Reyes. Katuwiran ni Gladys nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), umiral daw ang pagiging wise niya. Since may taping din siya ng araw na yun ng kanyang show sa NET 25, ang Moments, isinabay na rin daw niya ang kanyang baby shower at ang napaka-advance birthday celebration niya.

Hirit nga niya, "O, di ba, ang laking tipid? Ha ha ha!"

Ine-expect ni Gladys at ng kanyang asawang si Chritstopher Roxas na maipapanganak ng aktres ang kanilang second baby—a baby girl—sa last week of June. Nagkataong ang birthday naman ni Gladys ay June 23.

Kahit umasa pa raw siyang maging normal na ang second delivery niya, hindi na raw mangyayari dahil first baby pa lang niya ay tinapat na siya ng kanyang ob-gyne sa Asian Hospital na by caesarian section na talaga siya manganganak lagi.

Continue reading below ↓

So, hoping si Gladys na papayag daw ang second baby niya na ipanganak na rin niya ito sa mismong kaarawan niya para tipid pa rin at bongga pa. "Sabay kami ng birthday!" natatawa niyang hirit.

TWO-IN-ONE CELEBRATION. Intimate ang naging baby shower at advance birthday celebration ni Gladys dahil iilan lang daw talaga ang inimbitahan niya. Natutuwa naman ang aktres na ilan sa itinuturing niyang malalapit na kaibigan sa showbiz ay palaging present sa halos lahat ng special events sa buhay niya or sa kanilang pamily. Kasama na rito si Carmi Martin, na kinu-consider ni Gladys as her best friend forever or BFF, at ang mag-asawang Gerald Pizarras at Jan Marini.

Humabol ang isa pang very close friend ni Gladys na si Angelu de Leon. Ayon sa aktres, nagsimula ang pagiging friends nila ni Angelu, along with Carmi, nang gawin nila ang soap opera na Ikaw na Sana sa GMA-7 noong '90s. Ang ka-love team pa noon ni Angelu ay si Bobby Andrews. Since then, inseparable na raw sila at na-maintain nila ang kanilang friendship.

Continue reading below ↓

Bukod sa mga showbiz friends, karamihan ng naging guests ni Gladys ay mga non-showbiz friends niya at ilang moms na nai-feature nila sa kanilang show na Moments.

Hirit nang hirit ng "Oh my God, I didn't expect it!" kapag may nag-aabot sa kanya ng regalo at saka tatawa dahil obviously ay nagbibiro lang siya. Pero maging siya mismo ay natatawa na lang kapag may nagko-comment na, "Birthday mo rin pala?"

Maging si Carmi ay nalaman na lang na isinabay pala ni Gladys ang kanyang birthday party sa baby shower niya sa ipinadalang text message cum invitation sa kanya ng kaibigan. Natatawa si Gladys dahil alam niyang sobrang aga pa nga na batiin siya ng happy birthday.

Reason naman ni Gladys, "Naku, e, baka kasi hindi ko na ma-celebrate birthday ko ‘pag hinintay ko pa. Malay n'yo nga, manganganak na pala ako ng time na yun?"

Si Bianca Lapus naman ang naging organizer ng event. Yun pala, isa na ring events organizer ang dating wife ni Vhong Navarro, although hindi pa rin naa-annul ang kanilang kasal.

Continue reading below ↓

Masaya naman ang atmosphere sa naganap na baby shower cum birthday party ni Gladys. Ang kanyang kapatid na si Janice sana talaga ang main host, pero hindi rin nakatiis ang buntis na si Gladys na kahit dapat ay nakaupo na lang, ‘ayun ay tumayo at nag-host din ng mismong baby shower niya.

Na-realize niya rin ito at saka nag-dialogue na, "O, saan pa kayo nakakita na yung bine-baby shower at may birthday, yun ang host?" at saka siya natawa.

COMEDY-BAR AIR. Nagkakaisa ang mga guest ni Gladys na kahit hapon pa lang, pakiramdam nila ay nasa isang comedy bar sila dahil as host, patawa nang patawa ang aktres. Isa sa nai-punchline nang bonggang-bongga ni Gladys ay ang kanyang mister na si Christopher at anak na si Cristophe.

Saan ba naman daw kasi nakakita na sa mismong baby shower, yung asawa ang late. Tiyempo ngang dumarating ang kanyang mag-ama ay mega welcome ang Gladys sa mga ito. "I-welcome po natin, the late Christopher Roxas, my husband and my son, Gian Christophe!" hirit niya at saka rin siya natawa.

Continue reading below ↓

Siyempre pa, hindi mawawala ang ilang games na akma for baby shower. Isa nga rito ay ang pagalingan mag-isip ng second name ng magiging baby ni Gladys. Ang anak na si Christophe ang nagbigay ng pangalang Aquisha.

Sa kalagitnaan ng event, instead na ang sister ni Gladys na si Janice ang host, naging sina Gladys at Angelu na. Hanggang sa pagbubukas ng gifts ay hindi umalis si Angelu.

Ayon kay Gladys, halos lahat daw ng events sa buhay niya—birthday, wedding, baby shower niya noon kay Christophe—kasama rin niya si Angelu na nagho-host at nakikibukas ng gifts.

Sa huli, very happy naman si Gladys at nagpasalamat sa lahat ng dumating. Gayundin sa lahat ng blessing na natatanggap niya at ng kanyang pamilya. She considers having a baby girl a big blessing dahil kung titingnan, tila kumpleto na silang pamilya.

Click here for more photos of Gladys's two-in-one celebration.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naku, e, baka kasi hindi ko na ma-celebrate birthday ko pag hinintay ko pa. Malay n'yo nga, manganganak na pala ako ng time na yun?" explains Gladys Reyes on why she decided celebrate her birthday party during her baby shower. More photos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results