Anne Curtis on rumored affair with Sam Milby: No relationship yet, but it's more than friendship

May 29, 2008
Young actress Anne Curtis just came back from her two-week vacation in Paris and London. Now that she's back in circulation, she will resume taping for her new teleserye in ABS-CBN, Dyosa, where she will be paired with rumored boyfriend Sam Milby (inset).

Ang young actress na si Anne Curtis ay tila exempted sa paniniwala na kapag suwerte ka raw sa lovelife mo ay malas ka naman sa ‘yong career and vice-versa.

Kinilala ang husay bilang aktres sa kanyang pagganap sa drama series ng ABS-CBN na Maging Sino Ka Man, kumpirmadong box-office hit ang pelikula nila ni Aga Muhlach na When Love Begins, at ongoing na ang taping ng pagbibidahan niyang teleserye na Dyosa. Sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang showbiz career, open book din ang magandang itinatakbo ng espesyal na relasyon nila ni Sam Milby.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Anne sa compound ng ABS-CBN a few days after her two-week vacation in Paris and London, consistent pa rin ang dalaga in saying na wala pa ring formal relationship na namamagitan sa kanila ni Sam. Although she admitted na masaya siya kung anuman ang mayroon sila ngayon ng Fil-Am heartthrob.

Continue reading below ↓

"It's really good, we're happy, but wala pang relationship. But it's obviously more than a friendship. No need to rush, we're enjoying each other's company," pahayag ni Anne.

MOTHER'S CHOICE. Naging isyu ang interview ng Entertainment Live! sa ina ni Anne na si Mrs. Carmen Curtis. Inamin kasi ni Mrs. Curtis na mas boto siya kay Luis Manzano kesa kay Sam para sa anak. Sinabi naman ni Anne na this has never been an issue between her and Sam, nor between her and her mom.

"Nagkausap kami ni Mommy regarding that," lahad ng dalaga. "Sabi niya sa akin, pakisabi daw na sorry kay Sam kung na-misinterpret daw nito yung interview niya. Saka nagkausap din naman sila ni Sam, and diretso siyang nag-apologize din sa tao. She doesn't mean it na she doesn't like Sam. She does mean it in a way na mas kilala niya kasi si Luis. Naiintindihan naman yun ni Sam, kasi hindi naman ganun katagal pang nagkakasama sila Sam saka si Mommy, unlike Manzano [tawag ni Anne kay Luis]."

Continue reading below ↓

Sa nakaraang birthday presscon ni Sam ay naikuwento nito na sinorpresa daw siya ni Mrs. Curtis sa birthday celebration kasabay ng Heartthrobs concert nila ni Piolo Pascual sa Australia last May 23. Ikinuwento rin ito ni Anne sa PEP.

"He invited my mom for a dinner kasi nga birthday niya. But, unfortunately, hindi siya [Anne's mom] nakasama because may sakit ang kapatid ko. But she went to the concert. Ibinigay niya yung birthday gift niya," kuwento ni Anne.

IN SUPPORT OF SAM. Sa pagsimula pa lang ng pagsampa ng libel case nila Sam at Piolo laban kay Lolit Solis naging very open na si Anne sa suporta niya para sa dalawang aktor, partikular na sa rumored boyfriend. Ngayon ay natuldukan na ang kaso nang inurong nina Sam at Piolo ang demanda pagkatapos i-retract ni Lolit ang isinulat niya at mag-public apology sa dalawa. Nagpahayag naman si Anne ng kasiyahan dahil natapos na finally ang kasong ito.

Continue reading below ↓

"I'm very happy for him [Sam], although I was in Paris when everything happened. But he sent me a message saying na nag-retract and nag-apologize na nga raw si Nay Lolit. I'm happy and I hope a lesson has been learned here, and it goes for everyone in media industry. Parang you also have to draw a line pag nakakasakit ka na. Ako, I live with so many intrigues. Okey lang naman yun basta may boundaries lang," pahayag ng young actress.

BACK TO WORK. Ayon kay Anne, pagkatapos niyang magpunta sa Paris at London para magpahinga at mag-recharge mula sa sunud-sunod na trabaho, ready na siya ngayon para sa pagbabalik-taping ng Dyosa.

"I went to Paris and London. Almost two weeks lang ako, I met my friends there. Ang saya, super! I'm really ready now para mag-taping ng Dyosa. Super-hype na ako kasi nakapagpahinga na."

Just like Sam, excited at masaya rin si Anne na magkasama sila ng aktor sa Dyosa.

Continue reading below ↓
"At least, we'll be together. I'm excited to work with him again. Excited ako for him, it's gonna be a challenging role for him. Pag napanood ninyo, dun ninyo makikita na mahirap ang role niya," pagtatapos ni Anne.
Read Next
Read More Stories About
Anne Curtis, Sam Milby, Dyosa
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Anne Curtis just came back from her two-week vacation in Paris and London. Now that she's back in circulation, she will resume taping for her new teleserye in ABS-CBN, Dyosa, where she will be paired with rumored boyfriend Sam Milby (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results