Bangs Garcia: "Please lang, ayoko ng love triangle in real life."

May 29, 2008
"Wala namang alitan talaga. Nagpalitan lang kami ng text messages para magpaliwanag sa mga biruan, yung na-misinterpret niya ang palitan namin ni Kuya Buboy [Cesar] ng messages," explains Bangs Garcia about her talk with Sunshine Cruz regarding her text messaging with Sunshine's husband Cesar Montano.

Nagdiwang ng kanyang 21st birthday si Bangs Garcia last May 26. Sa presscon para sa May celebrants na Star Magic talents kahapon, sinabi sa amin ni Bangs na more of a family affair ang naganap para sa kaarawan niya sa kanilang hometown mismo sa Davao City.

"Bihira kasi akong magpunta ng Davao mula nang maging busy ako sa pag-aartista," sabi ni Bangs nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "When I got the chance, I grabbed it. Naisip ko ngang magandang idea na roon ako mag-celebrate ng birthday ko.

"Naging family reunion tuloy. The Pablos and the Garcias were joined together, at na-miss ko yun for a while."

PLAYING DRAMA. Wala na ngang makapipigil pa kay Bangs sa pagtuluy-tuloy ng kanyang career. Matapos ang Palos, hayan at nabigyan siya ng pagkakataon para makasama sa cast ng Humingi Ka sa Langit, isang bagong teleserye ng ABS-CBN na magtatampok kina Judy Ann Santos at Derek Ramsay.

Continue reading below ↓

"Matagal ko nang pangarap 'yan, na makapagdrama naman. Sa Palos kasi, more of action. This time, aktingan na talaga, at ako ang ka-love triangle nina Juday at Derek.

"Hindi ko akalain na malaking break na rin ang ibinibigay sa akin sa teleserye. Masarap katrabaho sina Derek at Juday, wala silang kaere-ere. Lalo na si Juday, na noong una, honestly, parang na-intimidate ako dahil sikat na sikat siya, 'di ba?

"But, sa tagal ng pagtatrabaho namin, masaya pala siyang kasama. Very down-to-earth. Napakakalog.

"Medyo natigil lang ang taping namin dahil out of the country si Juday ngayon. Sa pagbabalik niya next week, at saka kami magre-resume," kuwento pa ni Bangs.

Hindi lang 'yan. Join din si Bangs sa sexy cast ng Banana Split, isang comedy gag show kung saan kasama niya sina Kristine Hermosa, Anne Curtis, Valerie Concepcion, at marami pang iba.

ALL CLEAR WITH SUNSHINE. Natapos daw ang Palos na halos magkaroon pa sila ng alitan ni Sunshine Cruz, misis ni Cesar Montano. Paano naayos yun?

Continue reading below ↓

"Wala namang alitan talaga," paglilinaw ni Bangs. "Nagpalitan lang kami ng text messages para magpaliwanag sa mga biruan, yung na-misinterpret niya ang palitan namin ni Kuya Buboy [Cesar] ng messages.

"Sa taping kasi namin noon, grabe ang biruan at alaskahan. Eh, puro lalaki 'yan na masasaya talaga at makukulit. Hindi lang naman si Kuya Buboy, pati na sina Monching [Ramon Christopher], Dennis Padilla, at Jomari [Yllana].

"Magkaka-close kami, kaya yung makakababasa ng palitan ng text messages, and don't know where we all came from, maiiba ang interpretation nila. I'm so glad, naiintindihan ni Sunshine ang tungkol doon.

"Sa totoo lang, sa lahat ng ayaw ko, yung masangkot sa pagkakagalit ng mag-asawa at maging subject ako ng selosan. Hindi ko type talaga ang pumatol sa may asawa," pagdidiin ni Bangs.

Ani Bangs, pinalaki siya sa isang maayos na pamilya. Kung may mga problema raw, talagang inaayos.

"Kasi, ang katuwiran ng parents namin, para sa aming mga anak na yun," lahad pa ng aktres.

Continue reading below ↓

"Kailangang ayusin ang problema, para hindi masira ang pamilya, at lumaking maayos ang buhay ng mga anak.

"Strong ang family values na natutunan ko, kaya never na ako ang magiging dahilan ng pagkasira ng anumang family," nasabi pa niya.

Natutuwa si Bangs na malamang maayos na ang samahan nina Buboy at Sunshine sa ngayon.

"Yun lang naman kasi ang dapat. Sa iksi ng pinagsamahan namin ni Kuya Buboy, siyempre, malulungkot ako kung hindi maaayos ang problema niya, although it's something very personal na," aniya.

DATING SOMEONE EXCLUSIVELY. Pagdating sa kanyang love life, inamin ni Bangs na she's dating somebody exclusively. Hindi raw ito taga-showbiz.

"Kaya tahimik ang love life ko," napapangiti pa siya. "Naging maintriga talaga ang buhay ko when I was given a break sa ABS-CBN. Na-link ang pangalan ko kay Jake Cuenca, and I felt bad, dahil nagkaintrigahan pa kami ni Roxanne [Guinoo].

"At least, nalinawan yun at naayos. Please lang, ayoko ng love triangle in real life. Hindi ko kaya ang ganyang gusot kaya never kong papasukan," at natawa na lang si Bangs.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala namang alitan talaga. Nagpalitan lang kami ng text messages para magpaliwanag sa mga biruan, yung na-misinterpret niya ang palitan namin ni Kuya Buboy [Cesar] ng messages," explains Bangs Garcia about her talk with Sunshine Cruz regarding her text messaging with Sunshine's husband Cesar Montano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results