"Sweetilicious" chronicles John Lapus’s 15 years in showbiz

May 30, 2008
Fans of John "Sweet" Lapus would be glad to know that for one night, as part of his Sweetilicious show, the comedian-host will revive "Prangka Ka John"—a segment of the now defunct showbiz talk show Cristy Per Minute of the mid-'90s. The segment made John a household name after working tediously in the background as a researcher for ABS-CBN.

Magkahalong kaba at excitement ang nadarama ngayon ni John "Sweet" Lapus. Bukas, May 31, ay masasaksihan na ang special anniversary show ni Sweet na pinamagatang Sweetilicious. Gaganapin itong show sa Music Museum.

"Oh my God! The whole preparation for the show, pati meeting and everything, paghahanap ng mga sponsors, siguro umabot din ng four months," kuwento ni John nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng Showbiz Central hosts kagabi, May 29, Studio B ng GMA-7.

Noong una raw ay inakala ng marami na birthday concert ang Sweetilicious. "July 7 pa ang birthday ko," paglilinaw ng magaling na comedian-host. To set the record straight, isang thanksgiving daw ang nasabing event dahil 15 years na sa show business si Sweet.

"Fifteen years ago, what's the exact day? I forgot na, basta May 1993 ‘yon. I started in ABS-CBN as a researcher, that's my first job. Ayun, imagine, technically as an artista, mga thirteen years pa lang ako. But since researcher ako, I mean staff ako, so technically show business na rin ‘yon, di ba?" pagbabalik-tanaw nito.

Continue reading below ↓

"Ang show ko pa is Showbiz Lingo, the number one showbiz-oriented talk show that time, so I'm a showbiz person from the very beginning of my career. After graduating from college, showbiz person na talaga ako. But I would love to think that I'm not showbiz," nangingiting dagdag ni Sweet.

TRIP DOWN MEMORY LANE. Maganda at akmang-akma ang konsepto ng Sweetilicious. Dahil nga naman sa anniversary show ito ay minabuti ni John na magbalik-tanaw sa kanyang makulay na showbiz career at i-incorporate ito sa show.

"Meron akong writer, kaya lang ako ang nagre-revise, sa akin pa rin ‘yong final revision. Ito yata ‘yong pinakamatagal, almost two weeks ako nagbuo ng aking monologue, nung aking material for the show kasi fifteen years, e," katuwiran niya.

Hindi naging madali para kay John ang pagbuo ng script sa dahilang very emotional raw ang proseso. Comedy lang siyempre ang magiging dating nito sa mga manonood.

Continue reading below ↓

"Nagpo-pause-pause ako ‘pag may mga medyo emotional na, hindi naman emotional, emotional-slash-traumatic na experience ko sa showbiz for the past fifteen years. ‘Pag napupunta ako doon sa part na ‘yon, nagpo-pause ako kasi pangit 'yon, eh. Baka masulat ko ng pangit, hindi nakakatawa 'tsaka may tendency ako mamersonal," ngiti ni Sweet.

Matutuwa ang mga true-blue fans ni John dahil for one night ay muli niyang bubuhayin ang popular na segment na "Prangka Ka John." Unang napanood ang nasabing segment sa Cristy Per Minute noong 1995, at ito rin ang nagpasikat kay John sa larangan ng showbiz reporting.

"Well, ‘yong mga madadalas na nanonood nung mga standup shows ko, they would have a doze of ‘yong mga nagustuhan naman nila in the past shows kasi ire-recap ka rin ‘yon. Alam mo kasi isa akong nahihirapan is 'yong "Prangka Ka John," 'yong segment ko sa Cristy Per Minute years ago na nagpasikat sa ‘kin. Gagawin ko siya ulit and for the past five years, hindi na ako nang-ookray.

Continue reading below ↓

"Ang galing ko kasi mangganon, e. Bata pa lang ako, ang galing ko nang mang-okray. Kaya sa Cristy Per Minute, effortless sa akin ang mang-okray and majority naman of the Filipinos at that time liked it," saad ni Sweet.

ALL-OUT SHOW. Sinisigurado ni Sweet na magiging sulit ang ibabayad ng kanyang audience. Sa rehearsal pa nga lang ay bigay-todo na agad siya at ang kanyang mga back-up.

"Kasi aminado naman ako I'm not a singer. That's why ang mga shows ko, I don't call it a concert. I call it a show kasi hindi naman ako singer. So ‘yan, abangan nila ‘yong buwis-buhay dance number!" tawa ni Sweet.

Kung si John ay Sweetilicious, "papalicious" naman ang kanyang mga special guests na sina Jay-R, Janno Gibbs, at Dingdong Dantes.

"I'll be joined by my Kapuso friends," sambit ni Sweet sabay halakhak, "sinadya ko talaga lahat lalaki, even the back-up dancers."

Very meaningful din ang concert dahil para kay John, Sweetilicious shows kung ano ang kanyang present mindset, work attitude, at career direction.

Continue reading below ↓

"I also believe in reinvention. Dapat ang artista niri-reinvent mo din ‘yong sarili mo, and ‘yan ang makikita nila sa Sweetilicious this Saturday—total reinvention," seryosong pahayag ng popular comedian-host.

"I'm quite excited na rin because this is actually my first major show now that I'm in the Kapuso Network. Tinatanong nga ako ng mga reporter kung mang-ookray ka ba ng taga-GMA, sabi ko tingnan natin, di ba?

"Basta what they would see on Sweetilicious is all for fun. It's a celebration of my fifteen years. I want it to be a party, a thanksgiving at the same time for all the blessings I have received in the past, and parang farewell na rin to the bad things I have experienced and welcoming a better place."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans of John "Sweet" Lapus would be glad to know that for one night, as part of his Sweetilicious show, the comedian-host will revive "Prangka Ka John"—a segment of the now defunct showbiz talk show Cristy Per Minute of the mid-'90s. The segment made John a household name after working tediously in the background as a researcher for ABS-CBN.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results