Marian Rivera replaces Angel Locsin as endorser of Jag

May 30, 2008
Dyesebel star Marian Rivera (in photo) was chosen by Jag jeans to be their newest female endorser. Marian replaced Lobo star Angel Locsin.

A mermaid replaces a wolf-woman to be the latest endorser of Jag.

Alas-tres kaninang hapon, May 30, dumating ang young actress na si Marian Rivera sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City para sa presscon ng Jag to introduce its premium denim line. Ito raw ang call time ni Marian, so hindi niya alam na nandoon na ang mga press ng alas-dos dahil ito naman ang nasa invitation.

Marian arrived in a red bustier and Jag pants, accompanied by her male counterpart, si Will Devaughn, na naka-partner niya rin noon sa Desperadas ng Regal Entertainment.

Mga TV crew muna ang nag-interview kay Marian bago siya naibigay sa mga print press. Ang unang tanong sa kanya, kung alam niya ngang pinalitan niya si Angel Locsin for this endorsement.

"No comment na lang po ako diyan. Basta nagpapasalamat na lang po ako sa Jag at nagtiwala rin sila sa akin," sagot ni Marian kung kaya't hindi na lang ito pinag-usapan ng maigi.

Continue reading below ↓

Pang-sampung endorsement na ito ni Marian since she was catapulted to fame via her first GMA-7 primetime soap Marimar. May anim pang papasok na bagong endorsements si Marian before the year ends. Ang tatlo rito, including a beauty product and a food, will be launched next month while the other three naman, still within the year.

Hiwalay pa rito ang isang U.S.-based Filipino restaurant na ie-endorse rin ni Marian.

"Sexier and hotter" ang tagline ng magiging shoot nina Marian and Will para sa Jag na gagawin pa sa Australia.

Ito naman ngayon ang inaayos ng manager ni Marian na si Popoy Caritativo kung kailan ito maisisingit dahil it's a four-day schedule Down Under.

Overtime ngayon sa taping si Marian for her newest GMA-7 soap na Dyesebel dahil aalis din siya by July papuntang States. Balak sana ng Jag na gawin ang shoot ng June pero malamang na August na raw ito magagawa.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dyesebel star Marian Rivera (in photo) was chosen by Jag jeans to be their newest female endorser. Marian replaced Lobo star Angel Locsin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results