Marian Rivera on YouTube 'scandal': "Wala po akong makitang masama sa ginawa ko, nagpakatotoo lang ako."

IMAGE 0


"Kung intentional man po, wala po akong alam. Nakakalungkot lang po kung totoo ‘yon, na bakit may mga taong kapagnagiging successful, gusto nilang ibaba? Nagpapakahirap po akong magtrabaho at ayoko pong sayangin ang opportunitiesna dumarating sa akin," says Marian Rivera about reports that the YouTube video was a setup.



Nakangiting sinagot ng young actress na si Marian Rivera angtanong sa kanya ng mga TV reporters sa launching niya bilang bagong endorser ngJag kaninang hapon, May 30, tungkol sa hindi mamatay-matay na issue ng YouTube scandal niya.Apektado ba siya sa issue?

"Hindi na po ako nagpapaapekto," nakatawang sagotni Marian. "Kahit po ilabas nila 'yon maya't maya, mas lalo kongnapapatunayan na marami palang nagmamahal at nagtitiwala sa akin, isa na porito ang Jag.

"Hindi ko pa po nakikita ang video, pero kung mauulit po ‘yonulit, ganoon pa rin ang gagawin ko, ipagtatanggol ko pa rin ang sarili ko. Walapo akong makitang masama sa ginawa ko, nagpakatotoo lang ako. Baka po kasiakala nila dahil lagi akong kinukutus-kutusan sa Dyesebel, ganoon na rin ako sapersonal. Sana po ay maisip nilang mga artista kami na nagtatrabaho atnagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood, pero huwag po naman nila kamingbabastusin, dahil mga tao rin kaming nasasaktan at marunong ding magtanggol saaming sarili.

"Nalungkot lang po ako noong una dahil sa napanoodnila, hinusgahan na nila agad ako nang hindi muna nila inalam ang totoongnangyari. Pero sabi nga po nila, hindi mo puwedeng ma-please ang lahat ng tao.Pero ako po, simula nang pumasok ako sa showbiz, ganito na po ako, walangnabago sa akin. Ako pa rin ‘yong kikay, makulit, totoong tao.

"Lalo pong pinalakas ng mga nagmamahal sa akin ang loobko. Minsan, nag-shopping kami ng manager ko [Popoy Caritativo] sa Greenbelt,may mga lumapit sa akin na dapat daw ay sinapak ko ‘yong lalaki. Natawa rin poako sa message ng Gabriela sa akin na mabait pa raw ako, dapat daw ay idinemandako ‘yong lalaki.

"Noong umuwi naman ako last week sa Cavite, ang daming taosa may gate namin. Natawa ako sa mga batang kapitbahay ko. Nasaan daw ‘yonglalake [sa YouTube], bubugbugin nila. May nagsumbong din po sa amin na mayilang TV reporters na nagtatanong kung masama raw po ba talaga ang ugali ko,pero wala silang nakuhang negative na sagot sa mga kapitbahay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit po ang mga kasama ko sa trabaho, si Nanay Rita [Avila],Nanay Perla [Bautista], sina Nadine [Samonte], si Bianca [King] at ‘yongboyfriend niya [Champ Lui-Pio], tinext nila ako at wala raw silang nakitangmasama sa ginawa ko, ipinagtanggol ko lang daw naman ang sarili ko, kaya thankfulpo ako sa kanilang lahat," pahayag ni Marian.

INTENTIONAL? May nagsasabing baka raw intentional ang pag-provoke sakanya ng lalake sa YouTube. May nagsabi namang baka fan niya ang gumawa noon.Ano ang masasabi ni Marian dito?

"Kung intentional man po, wala po akong alam," sagotniya. "Nakakalungkot lang po kung totoo ‘yon, na bakit may mga taong kapagnagiging successful, gusto nilang ibaba? Nagpapakahirap po akong magtrabaho at ayoko pong sayangin ang opportunitiesna dumarating sa akin.

"Para naman pong hindi gagawin ‘yon ng fan ko. Kasi kung fanko ‘yon at nginitian ko, dahil nakangiti ako nang una kong kinausap ‘yonglalaki, tiyak pong matutuwa ‘yon at baka makalimutan na akong i-video.

"Bumalik po 'yong lalaki sa taping kinabukasan, atsinabi niyang hindi raw niya gustong magsalita at hindi raw niya sinasadya. Hindina po ako ang nakipag-usap sa kanya, ang executive producer ko na po angnakausap niya. Ang ipinagtataka ko lang po talaga, ang tagal nang nangyari ‘yon,bakit ngayon lang lumabas?

"Basta ang masasabi ko na lang po, anuman ang ginagawanila laban sa akin, ipinapasa-Diyos ko na lang lahat. Ipinagdarasal ko sila atbahala na si God sa kanila," nakangiting saad ni Marian.

THE NEW FACE OF JAG. Bago dumating si Marian sa presscon aynakausap din ng PEP si Epoy Arcino, creative director ng Jag, at ang styliist nila na si Erick. Tinanong namin sila kung bakit si Marian ang pinili nilang nextendorser after Angel Locsin, na naging endorser naman nila for two years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We want a new face, dahil we will bring Jag to thenext level—more sexier and hotter," wika ni Epoy. "And wefind them in Marian. Saka nag-survey kami at si Marian ang unanimous na pinili nilangmaging bagong endorser.

"Hindi pa tapos ang contract ni Angel sa amin," paglilinawni Epoy. Pero aniya, "May negotiations na kami sa kanila ng manager niya[Marian], last March pa. She will sign her contract today, and hopefully,makasingit kami sa busy schedules niya para makapag-pictorial kami saAustralia, magkasama sila ni Will."

Noong March pa pala sila nakipag-negotiate kay Marian, hindiba nagbago ang isip nila ngayong naglabasan ang mga scandal daw ni Marian sa YouTube?

"No, hindi nagbago ang desisyon namin. Alam naming common na 'yon sa mga celebrities at hindi kami naniniwalangmakakaapekto 'yon sa popularity niya," sabi ng creative director ng Jag.

Tumanggi namang sumagot si Marian sa reaksiyon niya na siya angpumalit kay Angel as the new endorser ng Jag.

"No comment na lang po ako," pag-iwas niya. "Bastanagpapasalamat po ako sa pagtitiwala nila sa akin. At salamat sa Jag, dahilkahit may Particles na ako sa shirt at may Karimadon ako for my dresses, kinuhapa rin nila ako. Salamat po, ang babait nila."

Biro pa ni Marian, wala na muna siyang love life. Basta happysiya sa kanyang career at marami siyang bagong commercial na gagawin.

Hindi ba siya natatakot sa Bureau of Internal Revenue (BIR)sa dami ng endorsements niya?

"Ay, hindi po! Nagbabayad po ako ng BIR ko, ayoko pongmakulong!" tili ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN