Dingdong Dantes dismisses reports that he will run for councilor in Q.C.

by Nitz Miralles
May 31, 2008
"Sa ngayon, sa showbiz muna ang concentration ko. Ima-maximize ko muna ang pagiging artista ko at gusto kong patagalin ito. Siyempre, hindi ko rin nakakalimutan at tatalikuran ang advocacies ko. Kaya ko naman siyang isabay sa showbiz," says Dingdong Dantes about reports that he plans to enter politics.

Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tarpaulin na magkakasama sina Quezon City Mayor Sonny Belmonte, Vice Mayor Herbert Bautista, at ang young actor na Dingdong Dantes, na nakakabit sa isang elementary school sa Q.C. Ang nasabing tarpaulin ang pinagmulan ng balitang papasok na ng pulitika ang young actor at tatakbong konsehal sa kanyang distrito sa susunod na election.

Kaya nang dumalaw ang PEP sa taping ng Dyesebel, ang tungkol doon agad ang itinanong namin kay Dingdong, at nagulat siya na may gano'ng balita tungkol sa kanya. Kasunod noon ang pagtanggi niyang papasukin na niya ang pulitika.

"Saan galing ang balitang yun?" nagtatakang tanong ni Dingdong. "Oo may tarpaulin akong kasama sina mayor at vice-mayor, pero hindi ibig sabihin magpupulitika na ako. May project ako for the students, tungkol sa education, kaya sa school nakapaskil ang tarpaulin. Ever since, may ganun akong project, pero ngayon lang nagka-issue. Sana huwag nilang bigyan ng ibang kahulugan."

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, wala talaga siyang planong magpulitika?

"Sa ngayon, sa showbiz muna ang concentration ko. Ima-maximize ko muna ang pagiging artista ko at gusto kong patagalin ito. Siyempre, hindi ko rin nakakalimutan at tatalikuran ang advocacies ko. Kaya ko naman siyang isabay sa showbiz," pahayag ng young actor.

Putul-putol ang interview ng PEP kay Dingdong dahil maya't maya ay kinukunan siya ni Direk Joyce Bernal. Hindi namin na-follow up sa kanya kung anong eksaktong programa sa education ang kanyang tinutukoy.

Hindi man niya sabihin, mas nabibigyan na niya ng oras ang kanyang advocacy ngayong wala na siya sa SOP dahil nagkaroon siya ng isang libreng araw. Pero hindi ba niya nami-miss ang SOP at ang mga naging kasama niya sa show?

"Nami-miss din," sagot ni Dingdong. "Pero ang kagandahan na wala na ako sa show, napapanood ko sila habang nagre-relax. Magge-guest naman ako every now and then kung kailangan."

Samantala, gaya ng kanyang leading lady sa Dyesebel na si Marian Rivera, excited na si Dingdong sa trip nila sa Los Angeles sa July 19. Magge-guest sila sa Eat Bulaga! kasama si Manny Pacquiao. Six days sila roon at tiyak na marami silang pasasayahing fans at viewers ng Dyesebel.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes, SOP
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa ngayon, sa showbiz muna ang concentration ko. Ima-maximize ko muna ang pagiging artista ko at gusto kong patagalin ito. Siyempre, hindi ko rin nakakalimutan at tatalikuran ang advocacies ko. Kaya ko naman siyang isabay sa showbiz," says Dingdong Dantes about reports that he plans to enter politics.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results