Rufa Mae Quinto currently in Hong Kong for a breather and to visit beau

May 31, 2008
Sexy comedienne Rufa Mae Quinto, who recently celebrated her 30th birthday, has only one wish—"Good health."

Tumulak papuntang Hong Kong ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto kahapon, May 30, para magbakasyon sandali at makipagkita na rin sa foreigner boyfriend nito na si Bobby Lopez.

"Oo, magkikita kami," pag-amin ni Rufa Mae nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last May 29 sa pictorial ng Showbiz Central hosts sa Studio B ng GMA-7.

Si Bobby ay finance officer ng kompanyang Mattel na siyang makers ng sikat na Barbie dolls.

Bagama't aminado si Rufa Mae na sadyang napakahirap mag-maintain ng isang long-distance relationship ay sinabi naman nito na so far ay carry pa nila ang ganitong setup. Give and take daw sila ni Bobby sa pagbiyahe upang makasama ang isa't isa.

"Okay naman. Siya pumupunta din siya dito," saad ni Rufa Mae, na halatang napagod matapos ang mahabang photo shoot na umabot hanggang madaling-araw.

Two days lang halos ang stay ng actress-comedian sa Hong Kong dahil kailangan din niyang umuwi agad para sa pagsisimula ng month-long anniversary celebration ng Showbiz Central. Bukod pa rito ang iba pa niyang commitments na tatakbo sa loob at labas ng bansa.

Continue reading below ↓

"I'm leaving ulit for London, e. Independence day with Judy Ann and Ryan, magsu-show for the Filipinos," pagbabalita ni Rufa Mae.

"First time ko sa London," excited na kuwento nito. "Isipin mo, mag-apply lang ng visa gigising ka ng maaga. Travel time ilang oras din. Dami actually, kaya hindi madali ang buhay ng isang Rufa Mae Quinto. Kaya hindi rin madaling mag-love life, ha."

WORKING HARD. Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP kay Rufa Mae ay nahalata namin na kailangan nga nito ng kahit maikling bakasyon para makapag-recharge. Hindi lang naman para makipagkita kay Bobby ang purpose ng Hong Kong trip ni Rufa Mae, birthday gift niya na rin daw sa sarili ang dalawang araw na pahinga.

Hindi na raw niya afford magpahinga dito dahil kahit rest day niya ay hindi pa ring maiiwasang mag-isip ng anything tungkol sa trabaho. Mas mainam na raw ang lumabas ng bansa para makapg-unwind siya nang mabuti.

Continue reading below ↓

"Kasi doon [Hong Kong] mas... Kahit dito kasi ang daming tumatakbo sa isip ko, e. Kasi hindi lang naman ako host; nagpu-produce din ako ng pelikula. Ang dami, ang dami-dami kong ginagawa from work. Shooting dalawa-dalawa, tatlong pelikula sabay-sabay. Biruin mo naman nagsu-soap pa ako, Dyesebel, costume-costuman. Makeup pa lang, ilang oras nang inabot ‘yon. Hindi madali a," seryosong pahayag ni Rufa Mae.

Nilinaw ni Rufa Mae na hindi naman daw siya nagrereklamo. In fact, sobrang grateful nga raw siya sa lahat ng blessings na dumadating sa kanya. Natural lang naman daw siguro na mapagod paminsan-minsan. Pero hinding-hindi niya raw iiwan ang showbiz lahit ano'ng mangyari.

Ironically, showbiz din ang kanyang "stress reliever" kahit pa sabihing sobrang punishing ng kanyang work schedule.

"Doon ako nai-stress, pero iniisip ko ‘yon 'yong price that you have to pay—more stress," paliwanag niya. "Sabi ko nga kay Raymond [Gutierrez], 'Wala ‘yan kasi kaya nga siguro tayo nababayaran ng mas mahal na, kasi ‘yon nga, mas maraming workload.'

Continue reading below ↓

"Tsaka naging family ko na ang show business, e. Doon ako lumaki nagsimula ako 16 years old. So siyempre, parang lumaki ako na sila-sila 'yong mga nakasama ko. Kaya every time na sasabihin nila na mahal nila ako parang naiyak-iyak ako. Touch na touch, akala mo naman mga syota ko silang mga friends ko, di ba?" halakhak ni Rufa Mae.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy comedienne Rufa Mae Quinto, who recently celebrated her 30th birthday, has only one wish—"Good health."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results