Angel Locsin's manager says the young actress is not competing with Marian Rivera

May 31, 2008
"I just want to make it clear that Angel is not competing with Marian. She minds her own business. For whatever commercial projects Marian's been getting, I'm sure Angel is happy for her," says Angel Locsin's (in photo) manager, Becky Aguila, about supposed rivalry with Marian Rivera.

Naging malaking isyu ang pag-endorse ni Marian Rivera ng Jag jeans dahil pinalitan niya si Angel Locsin. Matatandaang si Marian din ang pumalit nang hindi tanggapin ni Angel ang role sa hit series ng GMA-7 na Marimar, na nagluklok kay Marian sa kasikatan; pinili naman ni Angel na lumipat sa ABS-CBN. Magmula noon ay pinagtatapat na palagi sina Angel at Marian.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Angel na si Becky Aguila. Pinabulaanan nito ang balita na nilaglag ng Jag si Angel in favor of Marian. Ayon kay Becky, hindi na sila nag-renew ng kontrata sa nasabing jeans line. (Click here for related article.)

"Noong May 16 pa nag-expire ang kontrata ni Angel sa Jag. Pero last March pa ay napag-usapan na namin ng Jag na hindi na kami magre-renew. It was a mutual decision," pahayag ni Becky.

For two years, Angel has been a Jag endorser. Ayon sa manager ng young actress, siguro it's about time na rin to let go.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Becky, "May offer din kasi kami for another clothing line na puro dresses naman ang clothes, yung mga sexy outfits ba. And pinag-usapan naming mabuti ni Angel if tatanggapin ang offer.

"Ang Jag kasi is more of jeans at bihira niya nang magamit ngayon sa mga shows because she needs a more sexier outfit. She's a woman now, unlike two years ago na pa-tweetums pa siya. So we came up with a decision na tanggapin na ang offer ng clothing line na ito dahil magaganda at nagagamit niya sa Lobo. At saka, kumpleto siya, may accessories, dresses, jeans."

Hindi pa raw puwedeng sabihin kung anong clothing line ang bagong endorsement ni Angel. Magkakaroon daw kasi ito ng big launch on June 21 sa Trinoma, kasabay ng unveiling ng billboard nito sa EDSA.

Tulad ng Jag ay malaki rin daw garment company ang bagong endorsement na ito ni Angel. Abangan na lang daw dahil dating endorser nito ang aktres na si Claudine Barretto.

Continue reading below ↓

"I just want to make it clear that Angel is not competing with Marian," sabi ni Becky. "She minds her own business. For whatever commercial projects Marian's been getting, I'm sure Angel is happy for her.

"Angel right now is so engrossed and concentrated in Lobo. She doesn't have the time to dwell on petty issues being thrown at her. Intrigues are part of showbiz life. What matters the most is the network and advertisers' trust and confidence with Angel. Management's [ABS-CBN] highly satisfied with her performance in Lobo. Happy rin sila sa commercial loads ng Lobo."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I just want to make it clear that Angel is not competing with Marian. She minds her own business. For whatever commercial projects Marian's been getting, I'm sure Angel is happy for her," says Angel Locsin's (in photo) manager, Becky Aguila, about supposed rivalry with Marian Rivera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results