Jennylyn Mercado having second thoughts about giving birth in U.S.

May 31, 2008
Pregnant young actress Jennylyn Mercado is having second thoughts about accepting an offer from a good Samaritan for her to give birth in the United States.

Nagdadalawang-isip ang young actress na si Jennylyn Mercado kung tanggapin niya ang alok ng isang good Samaritan na sa Amerika siya manganak, all expenses paid.

Gumulo ang desisyon ng actress nang marinig niya ang pahayag ng manager ni Patrick Garcia na si Arnold Vegafria via text sa radio program nina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito. Ayon kasi sa manager ni Patrick, kamag-anak niya ang nasabing good Samaritan na gusting tulungan si Jennylyn.

Si Patrick ang ama ng dinadala ni Jennylyn.

Inalam naman ni Jennylyn kung totoong kamag-anak ni Arnold ang nagmamagandang-loob sa kanya na sa U.S. na manganak. Pero ang nakuha niyang sagot ay hindi raw ito kamag-anak ni Arnold. Best friend lang daw nito ang kapatid ni Arnold na nagngangalang Nancy.

Hindi pa rin masyadong kumbinsido si Jennylyn kaya hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya. Nakapagdesisyon na sana ang young actress na tanggapin ang offer ng good Samaritan, pero dahil sa statement ni Arnold ay parang gusto na raw niyang mag-backout.

Continue reading below ↓

Pero ikinunsidera rin ni Jennylyn ang advantages na maidudulot sa kanyang baby kung doon siya sa Amerika manganganak, partikular na ang pagiging U.S. citizen ng bata.

Nag-react din si Jennylyn sa deklarasyon diumano ng nanay ni Patrick na gumagawa raw sila ng paraan para tulungan si Jennylyn sa pamamagitan ng ibang tao. Lalo pang nagulat si Jenny nang magsalita diumano ang ina ni Patrick na huwag daw mamalimos ang young actress at mag-sorry na lang daw ito sa ama ng kanyang anak.

Para ayon naman kay Jennylyn, wala siyang dapat ihingi ng tawad at gusto niya ring linawin na hindi siya namamalimos.

Although ayaw na ng young actress na may masabi at masumbat pa sa kanya ang kampo ni Patrick kaya hangga't maari, ayaw na niyang magkaroon pa ng anumang kaugnayan sa ex-boyfriend.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pregnant young actress Jennylyn Mercado is having second thoughts about accepting an offer from a good Samaritan for her to give birth in the United States.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results