Billy Crawford would rather talk to people "hurt" by his transfer to ABS-CBN

May 31, 2008
"If there's anything about Kuya Germs and Tito Raul, I'd rather just talk to them first because it's more personal for me. I actually called Kuya Germs noong nasa States pa po ako. We talked, so I'd rather talk to him personally na lang po," says Billy Crawford while avoiding to get into details about the reported "tampo" of German Moreno and manager Raul Laurente.

Bago ang contract signing ni Billy Crawford sa ABS-CBN kahapon, May 30, para sa ilang shows na gagawin niya sa Kapamilya Network, binigyan muna siya ng isang welcome press conference. Magiging bahagi na ang international singer ng Pinoy Dream Academy 2 at ASAP '08 habang nandito siya sa Pilipinas.

THE SWITCH. Sa kanyang pagdating ay sinagot ni Billy ang ilang mga katanungan ng entertainment press. Kasama na rito ang paglipat niya from GMA-7 to ABS-CBN, ang pagtatampo diumano sa kanya ng mga taong tumutulong sa kanya kapag nandirito siya sa Pilipinas—sina German "Kuya Germs" Moreno at Raul Laurente.

Tila naka-ready na rin si Billy once he was asked about the issue dahil umpisa pa lang, sinabi na niyang any questions about Raul and Kuya Germs, mas gusto niyang personal muna niyang kausapin ang bawat isa.

"With everything that has been going on, and to address all the questions regarding Tito Raul, I'd rather deal with it personally. You know, I can't say anything. I love him. I've known him since I was five years old.

Continue reading below ↓

"Kuya Germs has been my father and always will be my father. Just imagine, for example, isang anak, hindi pinapayagang umalis for college. But going to that college, he knows that would make his parents proud. And that's all I want to do for Kuya Germs. I do want to make him proud. And in my heart, he is a father to me no matter what everybody says, you know. Tatay ko yun! But just like Tito Raul, I would also like to address Kuya Germs, personally."

Magkaganuman, naging firm si Billy sa kanyang stand na huwag munang magbigay ng anumang komento tungkol sa kanila.

Halatang hindi masyadong satisfied ang ilan sa entertainment press sa naging tugon ni Billy. Kaya may sumundot ng tanong kung totoo nga bang hindi man lang siya nagpasabi o nagpaalam kina Kuya Germs at Raul about his plans?

Nagbiro si Billy sa puntong ito. Aniya, "Nagpaalam naman po ako sa mommy at daddy ko, e."

Continue reading below ↓

Pero sa bandang huli, sinabi rin niya nang pahapyaw na nagkausap sila ng kanyang tatay-tatayan na si Kuya Germs noong nasa States pa siya.

"As I've said before, if there's anything about Kuya Germs and Tito Raul, I'd rather just talk to them first because it's more personal for me. I actually called Kuya Germs noong nasa States pa po ako. We talked, so I'd rather talk to him personally na lang po," diin ni Bill.

Three months lang ang ilalagi ni Billy sa Pilipinas. Tamang-tama for one season of PDA. By September, kailangan na raw niyang bumalik sa France, and eventually sa U.S. Magko-concentrate muna raw siya sa kanyang international career, especially now that he is coming out with a new album.

ABOUT KC. Hindi natapos ang press conference without mentioning KC Concepcion's name and the possibility na ligawan na niya ang dalaga now that they are both here in the Philippines. Pero natatawa lang si Billy sa pagsasabing wala siyang intensiyon na ligawan si KC now that he's here. He's really here for work.

Continue reading below ↓

"We're back to square one, e," ang maagap na naging reaction ni Billy nang tanungin ulit tungkol sa kanyang komento noon na "good kisser" si KC.

"Nang umalis ako at ngayon nga kababalik ko lang, we're back to that same comment. I mean, I've said what I said before. And I read what KC said. I think she accepted my apology. Yun lang. I can't say anything more about what happened before. I haven't even talked to KC yet. Maybe kung makakausap ko siya, you know, it might be a little clear for everybody to understand," pagtatapos niya.

Read Next
Read More Stories About
Billy Crawford, KC Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"If there's anything about Kuya Germs and Tito Raul, I'd rather just talk to them first because it's more personal for me. I actually called Kuya Germs noong nasa States pa po ako. We talked, so I'd rather talk to him personally na lang po," says Billy Crawford while avoiding to get into details about the reported "tampo" of German Moreno and manager Raul Laurente.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results