Sam Milby says he and Anne Curtis's mom get along fine

May 31, 2008
"Actually, gusto kong bumalik sa college, tapusin ang college. I want to take up Psychology. Pero hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ko. Parang ngayon, I'm getting into a little business. Build and sell ngayon,"replies Sam Milby when asked about his fallback in case he gets tired of showbiz.

Pagpasok pa lang ng 2008 ay abalang-abala na ang heartthrob na si Sam Milby. Naka-ere na noon ang Book 2 ng Maging Sino Ka Man habang tinatapos niya ang My Big Love nila nina Toni Gonzaga at Kristine Hermosa, na initial movie offering ng Star Cinema for 2008.

After this, mapapanood naman si Sam as one of Anne Curtis's leading men sa bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang Dyosa. Magsisimula nang mag-taping si Sam para rito next week.

September this year ay magaganap naman ang first major solo concert ni Sam sa Aliw Theater. On October to November naman ay magkakaroon ng Heartthrobs tour sa Europe si Sam with Piolo Pascual.

Bukod dito, may isa pa siyang gagawing movie this year.

STRAIGHT TO ANNE. Kagagaling lang ni Sam from a very successful concert with Piolo Pascual sa U.S. at Canada. Dumating siya sa airport last Sunday, May 25. Mula sa airport ay dumiretso na siya sa bahay ng rumored girlfriend niyang si Anne Curtis.

Continue reading below ↓

"After I stopped over sa kanila, she went to her small group then went to my small group. May Bible study groups siya," kuwento ni Sam sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi ba sila nag-date ni Anne noong birthday niya?

"Special date? Hindi, I saw her yesterday [Monday]. Actually, we played a little bit stuff.....," lahad ni Sam.

Saan sila naglaro ng game ni Anne?

"In her house. I stopped over there. Ang saya naman ng game!" tawa niya.

Patuloy niya, "Kasi yung dream niya talagang she's not an actress. Frustrated singer lang siya. It's that how she would explain it. Gusto niyang mag-banda. Gusto niyang maging singer."


Pinuyat ba siya ni Anne?


"Nagpuyat ako dahil nagdye-jetlag pa ako. Kasi nung New Jersey, baligtad yung time."

THE RIGHT GIRL? Sa tingin ba niya ay si Anne na ang right girl for him?


"Well, siyempre you will never know kung the one talaga. But I mean, magkaroon ng time, I'll know. But she's the only woman na I have the interest in and that I want to be with," pag-amin ng Fil-Am actor-singer.

Continue reading below ↓


Wife material ba si Anne para sa kanya?


"Yeah," sagot niya. "Yung trabaho na gusto niyang gawin pagkatapos ng showbiz, pre-school teacher. Why not? She loves kids."

Ano naman ang fallback ni Sam kung sakali? Gusto rin ba niyang maging teacher?


"Hindi. Actually, gusto kong bumalik sa college, tapusin ang college. I want to take up Psychology. Pero hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ko. Parang ngayon, I'm getting into a little business. Build and sell ngayon," lahad niya.

Sa huling trip ni Sam abroad noong March ay pinasalubungan niya si Anne ng flaming red Chanel bag. Limited edition daw kasi ng Chanel ang kulay red na bag at favorite yun ni Anne.

"Mahilig siya sa mga signature bags," sambit ni Sam. "This time, wala akong time mag-shop sa Australia. Nagpunta ako sa tabi ng hotel sa Australia. May convenience store doon. Tinanong ko siya kung ano, galing siya sa Australia, so alam niya. May mga food, parang burger ring, may candy... So, binili ko lang mga food na gusto niya."

Continue reading below ↓


ANNE'S MOTHER. Nagpapasalamat naman si Sam sa pagbating ginawa ng ina ni Anne na si Mrs. Curtis sa concert nila ni Piolo sa Melbourne, Australia on his actual birthday last May 23. Prior to this, may lumabas na balita na hindi raw siya type ng Mommy Carmen ni Anne para sa kanyang anak.

"Hindi totoo ‘yan," paglilinaw ni Sam. "Hindi totoo ‘yan na she [Mommy Carmen] doesn't like me. Nung lumabas na mas gusto niya si Luis [Manzano] kesa ako para kay Anne... Pero actually, I already talked to her and I already knew na it was not meant na the way it came out. Alam ko na mas kilala sila ni Luis at nanay ni Anne. Nagte-text sila lagi.

"Ngayon, meron na akong number ni Tita Carmen," patuloy niya. "Yung first time ko nakilala si Tita Carmen nung Christmas lang. Pero, di ba, ang best friend ni Anne si Luis, ilang years na?

Continue reading below ↓

"We get along very, very well. Nung concert, pumunta siya sa stage. Dinala niya ng cake para sa akin, chocolate cake," kuwento niya habang pinipilit na magsalita in straight Tagalog.

Favorite ba niya ang chocolate cake?


"Hindi," ngiti ni Sam. "But I had a slice. Kasi pagkatapos ng show, umalis kami agad. Naiwan ko yung cake. Gusto kong dalhin pero nagmamadali na kami. Tapos ang daming gifts niya na ibinigay. May tie, may shorts, may wine..."


Nakita rin daw ni Sam sa Australia ang 14-year-old sister ni Anne na si Jasmine.


"Wala si Jasmine [sa concert]. Si Jasmine, grabe! Hindi siya mataba. Matangkad na siya. Fourteen lang siya, grabe! Wow! Ang ganda-ganda talaga ni Jasmine. Siguro sa lahat ng mga 14-year-old, siya ang pinakamaganda. Siguro ‘pag 18 siya, mag-showbiz siya. She's very, very beautiful."


Kung very beautiful si Jasmine, ano si Anne?


"Gorgeous," nakangiting sagot ni Sam.

SAM'S FAMILY. May iba pa ba siyang wish on his birthday?

Continue reading below ↓


"Sana lang, makikita ko ang pamilya ko nang madalas. Kasi nung New Jersey, pumunta ang nanay ko. Pero yung ate ko, 'tapos ang tatay ko, hindi sila nagpunta, yung nanay ko lang. Yung ate ko, nagtatrabaho pa rin. May trabaho sila," saad niya.


Hindi na rin daw niya napuntahan sa bahay nila sa Ohio ang kanyang ama. Pero nilinaw ni Sam na wala silang conflict ng daddy niya. Ayon kay Sam, matanda na raw kasi ang daddy niya. "Pero nagtatrabaho pa rin siya. Magse-74 na siya sa October," dagdag niya.


Bakit hindi niya yayain ang daddy niya na pumunta ng Pilipinas?


"Sinabi ko sa kanya kung gusto niya pumunta dito, pero sabi niya ayaw niya. Kasi ang mga kaibigan niya, doon sa States. Wala siyang kilala dito. Ako lang ang kilala niya dito. Pero ‘pag nasa trabaho ako, ano'ng gagawin niya? That's why he doesn't want to go and join me here," pagtatapos ni Sam.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Sam Milby, Anne Curtis
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, gusto kong bumalik sa college, tapusin ang college. I want to take up Psychology. Pero hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ko. Parang ngayon, I'm getting into a little business. Build and sell ngayon,"replies Sam Milby when asked about his fallback in case he gets tired of showbiz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results