Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo will reportedly make special announcement on return from Europe

Jun 1, 2008
Rumor has been circulating that Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo have already set a wedding date but people around them remain mum.

Tikom ang bibig ng butihing ina ni Judy Ann Santos, si Gng. Carol Santos, nang makita at makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, May 31, sa anniversary show ni John "Sweet" Lapus sa Music Museum.

Ayaw nitong magbigay ng anumang reaction sa lumabas na balita na sa November 5 na raw ang planong pagpapakasal ng anak sa boyfriend nitong si Ryan Agoncillo. Hintayin na lang daw ang dalawa at ang mga ito na lang ang tanungin.

Samantala, PEP came across a source na malapit pareho kina Juday at Ryan. Nang tanungin ito kung totoo ba ang nababalitang kasalang magaganap pagdating ng November, hindi man direktang sinagot, pero anito, hindi raw siguro November this year.

When we asked kung baka November 2009 pa ang kasalan, iwas na itong magbigay pa ng anumang impormasyon. Tulad ng naging sagot ni Mommy Carol, hintayin na lang daw siguro na ang dalawa ang magsabi kung ano ang totoo at hindi.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay nasa Europe pa sina Juday at Ryan for their vacation na matagal na rin nilang plinano. Ang balik nila sa bansa ay sa June 28 pa.

From our source, pagdating na pagdating daw nina Juday at Ryan, may special announcement na gagawin ang mga ito. If it's about the much-talked about soon-to-be wedding nila—na maging ang Megastar na si Sharon Cuneta during the press conference of Caregiver ay inuurirat ng press—iyon daw ang dapat abangan.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumor has been circulating that Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo have already set a wedding date but people around them remain mum.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results