PEP EXCLUSIVE: Onemig Bondoc’s daughter celebrates first birthday

by Rose Garcia
Jun 2, 2008
Former actor Onemig Bondoc with girlfriend Valerie Sophie Geraldine Christine Bariou and their daughter—Armelle Janelle Christine Bariou-Bondoc—at the baby's first birthday party yesterday, June 1, at their posh residence in Ayala Heights.

Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang piliin ng dating aktor na si Onemig Bondoc na mag-concentrate sa kanilang family business, sa halip na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Katuwiran niya, mas masaya siya ngayon at mas may fulfillment siyang nararamdaman.

Kaya naman kinumbinsi pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Onemig kung puwedeng ilabas ang 1st birthday party ng kanyang anak na si Armelle Janelle Christine Bariou-Bondoc sa girlfriend niyang si Valerie Sophie Geraldine Christine Bariou, who is half-French and half-Filipino.

Ngayong araw na ito, June 2, ang birthday talaga ng baby ni Onemig. Pero they decided to celebrate it one day ahead dahil alam daw nila na baka marami ang hindi maka-attend since Monday is a working day.

True enough, very successful naman ang first birthday party ni Armelle kung titingnan ang dami ng mga naging bisita, mostly non-showbiz friends and their relatives.

Sa mismong mala-palasyong bahay ng mga magulang ni Onemig sa La Cumbre, Ayala Heights ginanap ang first birthday celebration ng very first apo sa both sides of the family.

Continue reading below ↓

Ang theme ng party ay Care Bears dahil ang first name daw kasi ng anak nila na Armelle means "princess of the bears" sa French.

Wala ring inimbita si Onemig sa ilang naging co-stars niya noon, except for Bernadette Allyson, na nakasama niya noon sa T.G.I.S. Bernadette came with husband Gary Estrada at ang tatlong anak nilang babae. Nando'n din ang mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa with their children, na kapitbahay nina Onemig. May personal reason daw si Onemig why he decided not to invite most of his former co-stars.

FAMILY MAN ONEMIG. Ayon kay Onemig, iba raw ang naidulot sa kanya ng pagiging ama. Mas naging focused at mas lalo pa raw siyang naging inspired, especially in handling their businesses.

Though lumaki sa Paris ang ina ng kanyang anak, pagdating sa pagdidisiplina sa bata ay halos pareho lang sila.

"Mabait kasi si Valerie," pagmamalaki ni Onemig. "And pareho kami na ang gusto namin, kahit na si Armelle alam namin puwedeng ma-spoil pagdating sa ilang material things. We want to discipline her na masisigurado naming lalaki siyang mabuting tao."

Continue reading below ↓

Pagdating daw sa anak, pareho silang very hands-on ni Valerie.

Their baby was born in Paris kaya for three months hanggang sa makapanganak si Valerie ay nasa Paris sila. Bago mag-one year old, nakabalik daw muli ang mag-ina niya sa Paris, kasama ang younger sister ni Onemig na si Jenny.

Nasa Paris ang buong pamilya ni Valerie, maliban sa daddy ni Valerie, kaya hindi sila nakapunta for Armelle's birthday.

Napag-alaman din ng PEP kay Onemig na three years na ang relationship niya with Valerie, who is a commercial model in the Philippines. In fact, ilan sa mga television commercials na nagawa na niya ay ang Milk Magic, HSBC, Pantene, to name a few.

WEDDING PLANS. When asked about wedding plans, ani Onemig: "Gusto muna naming makapag-save bago ang church wedding. Wala na rin kaming plan na magpa-civil. If ever, church na talaga."

Patuloy niya, "Pareho naman kaming happy, secure sa relationship namin. Like sa part ko, after ng lahat ng mga naging relationship ko from the past, alam ko sa sarili ko na this time, ito na talaga. Pero gaya nga ng sabi ko, darating din tayo riyan.

Continue reading below ↓

"At saka sa nakikita ko kasi, napakaraming kasal, pero hindi masaya, magulo, at nauuwi rin sa hiwalayan. But what we have, mas okay, mas masaya, at mas nagkakaintindihan kaming dalawa."

Onemig's eldest sister will get married this year.

SHOWBIZ CAREER. When it comes to his showbiz career, ayaw naman daw niyang magpaka-ipokrito at sabihing hindi na talaga siya artista. Bagamat matagal nang hindi active, flattered daw siya kapag may mga offers pa rin na dumarating. Pero sa ngayon, inamin niyang madalas ay tinatanggihan niya dahil iba na nga ang concentration niya.

Nakita rin daw niya na kahit paano, ang ilang taong inilagi niya sa showbiz ay may naging bunga rin. Every time daw na nasa mall siya or other public places, hindi pa rin daw nawawala ang mga nagpapa-picture sa kanya o tumitingin sa kanya.

Aside from their Benedictine School near their house sa Ayala Heights, Onemig will soon open his own school, ang Maritime Institute. Ang pangangasiwa sa iba pang family business nila ay pinagkakatiwalaan ng kanyang mga magulang sa kanya.

Continue reading below ↓

"So, medyo iba na talaga ang priority ngayon. Siguro if time comes na magbalik-showbiz pa rin ako, it's no longer yung para makipag-compete sa ibang artista. It's more on dahil gusto ko, dahil sa pagmamahal ko sa craft na ito," pagtatapos ni Onemig.

Read Next
Read More Stories About
Onemig Bondoc
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actor Onemig Bondoc with girlfriend Valerie Sophie Geraldine Christine Bariou and their daughter—Armelle Janelle Christine Bariou-Bondoc—at the baby's first birthday party yesterday, June 1, at their posh residence in Ayala Heights.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results