Valerie Concepcion replaces Dawn Zulueta as endorser of clothing line

IMAGE 0


TV host-actress Valerie Concepcion has been chosen by Meg to be its newest endorser. Valerie replaced the clothing line's first celebrity endorser, Dawn Zulueta.



Masasabing masuwerte ang young actress na si ValerieConcepcion ngayong taong ito. Kung matatandaan, halos kapapasok pa lang ng 2008nang maging kauna-unahang endorser si Valerie ng isang herbal medicine napampaseksi. Recently, si Valerie ang napiling bagong image model ngclothing line na Meg, bilang kapalit ng naunang celebrityendorser na si Dawn Zulueta.

Makikita na sa halos lahat ng shops ng Meg sa iba't ibangmalls ang mga larawan ni Valerie bilang bagong Meg endorser.

Definitely, magandang opportunity ito for Valerie. Mula nang mabuntis at maging isang ganap na ina at a very young age, siya na angnaging breadwinner at solong magulang ng anak niyang si Heather Fiona.

Malaking factor din ang pagiging regular host at araw-arawna napapanood sa daily noontime show ng ABS-CBN, ang Wowowee, kaya umakit ng maraming endorsements.

Kapansin-pansin ang mga comment at feedbackna natatanggap ng Meg from some of their customers. In fact, an insider told us na karamihan sa kanila'y nagugulat at nagtatanong kung bakit hindi na si Dawn angimage model at kung bakit si Valerie ang ipinalit dito. Ipinaliwanag namang tapos na ang kontrata ni Dawn sa kanila.

Aminado ang source ng PEP na ang pagiging class ng image niDawn as endorser ang madalas pa ring hinahanap ng kanilang regular customers.Although naniniwala silang iba naman kasi ang crowd ni Valerie.

Both Dawn and Valerie are doing well naman asendorsers. Kung si Valerie ang pumalit kay Dawn bilang image model ngMeg, si Dawn naman ay ang first celebrity endorser of Robinson'sDepartment store.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN