Preggy Aubrey Miles says live-in partner Troy Montero was the one "naglilihi"

Jun 3, 2008
"Siguro accidentally, nahakbangan ko siya noong tulog siya or may kinuha ako sa bandang side niya. Nagulat na lang ako one day na may mga request siyang kainin. ‘Tapos ako naman, wala akong kine-crave. Kaya baka nga si Troy ang naglihi for me," says Aubrey Miles about Troy Montero being the one experiencing "pregnancy blues."

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Aubrey Miles nang mag-guest siya sa Moms ng QTV-11. Five months pregnant na si Aubrey sa magiging anak nila ng ka-live in partner niyang si Troy Montero.

Ayon kay Aubrey, hindi pa niya alam kung ano ang gender ng kanilang baby ni Troy dahil hindi pa siya ulit bumibisita sa kanyang ob-gyne para magpa-ultrasound. Kung boy or girl daw ang maging panganay nila ay okey lang daw basta healthy ito lumabas.

Naikuwento rin ni Aubrey na marami raw nabago sa kanya magmula nang mabuntis siya. Hindi na raw siya nagpupuyat at maaga na siyang natutulog. Kung noon daw ay hindi siya palakain, ngayon ay kahit ano ang gusto na niyang tikman at kainin.

Ibinuking ni Aubrey na hindi siya naging maselan sa pagkain noong kasalukuyang naglilihi siya. Si Troy raw ang parang naglihi dahil ito ang hingi nang hingi ng kung anu-anong pagkain at naging mahihiluhin noon.

Continue reading below ↓

"Nahakbangan ko yata!" sabay tawa ni Aubrey. "Hindi ba may ganung kasabihan. Siguro accidentally, nahakbangan ko siya noong tulog siya or may kinuha ako sa bandang side niya. Nagulat na lang ako one day na may mga request siyang kainin. ‘Tapos ako naman, wala akong kine-crave. Kaya baka nga si Troy ang naglihi for me."

Sa hitsura ni Aubrey ay mukhang hindi naman siya buntis. Except sa medyo bilog ang tiyan niya, balingkinitan pa rin ang mga braso at binti niya.

Sabi ni Aubrey, ingat din siya sa mga kinakain niya. Ayaw raw niyang tumaba at magmukhang losyang habang buntis siya.

Sa October expected manganak ni Aubrey. Umaasa ang aktres na normal delivery at maging madali lang sa kanya ang manganak.
Read Next
Read More Stories About
Aubrey Miles, Troy Montero
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro accidentally, nahakbangan ko siya noong tulog siya or may kinuha ako sa bandang side niya. Nagulat na lang ako one day na may mga request siyang kainin. ‘Tapos ako naman, wala akong kine-crave. Kaya baka nga si Troy ang naglihi for me," says Aubrey Miles about Troy Montero being the one experiencing "pregnancy blues."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results