Pokwang relates "Wowowee!" house rule, speaks kindly of axed co-host Precious Lara Quigaman

by Julie E. Bonifacio
Jun 3, 2008
"Three months before na ano, kinausap na kami. Na walang boyfriend sa studio... Nagkataon si Lara, nagmamahal yung tao. Ahh, kasi ang alam ko kapag pumapasok si Papi [Willie Revillame] sa dressing room sinasabihan kami, e. Pero pabiro. Pabiro na, ‘O, walang magsasama ng boyfriend, ha.' Yung mga pabirong ganun," relates Pokwang when asked if there is indeed a house rule in Wowowee! banning the presence of female hosts' boyfriends

Ingat na ingat ang komedyanteng si Pokwang sa pagbibigay ng comment sa pagkakatanggal ng kapwa niya co-host sa Wowowee na si Precious Lara Quigaman. Nag-buntung-hininga muna si Pokwang bago nagsalita sa presscon para sa back-to-back show nila ni Pooh sa Music Museum, ang Poohkwang. Magsisimula ang show sa June 6 at mapapanood sa lahat ng Biyernes at Sabado ng buwang kasalukuyan.

"Okey," buwelo niya. "I love my job. I love my job. May binubuhay akong anak. Sana maintindihan ninyo.

"Mabait na tao si Lara. Wala akong masabi. Pero pagdating kasi sa trabaho hindi ko naman sinasabi na napaka-unprofessional niya. Yun siya, e. Puso, e. ‘Ika nga natin, mahirap pigilan ang taong nagmamahal. So, ganun ang nangyari. Magkaiba kami. Puso talaga niya, talagang literal na love."

Paano sila naging magkaiba?

"Kasi ako, ang love ko talaga ngayon trabaho. Trabaho talaga ako ngayon," diin niya.

Sa palagay niya may na-violate na rule si Lara sa Wowowee?

Continue reading below ↓

"Sa tingin ko naman..." sabay tigil ni Pokwang. "Ang hirap naman nun!"

THE HOUSE RULE. Meron ba talaga silang house rule sa Wowowee na nagsasabing bawal magdala ng boyfriend sa show?

"Ang alam ko po, meron. Three months before na ano, kinausap na kami. Na walang boyfriend sa studio. Pero ako naman kasi wala akong boyfriend, e. Nagkataon si Lara, nagmamahal yung tao."

Pero ayon kay Lara, hindi raw niya alam na may gano'ng house rule sa show.

"Ahh, kasi ang alam ko kapag pumapasok si Papi [Willie Revillame] sa dressing room sinasabihan kami, e. Pero pabiro. Pabiro na, ‘O, walang magsasama ng boyfriend, ha.' Yung mga pabirong ganun."

What about her? Napagalitan na ba siya sa show?

"Hindi pa naman. Wala pa naman, awa ng Diyos sa six months ko po doon. October ako nung magsimula sa show."

Paano niya nalaman na wala na si Lara sa show?

"Ah, pagdating ko dito sa Manila, hindi na siya pinapasok. Sinabi sa amin ng staff. Kinausap nila kami. Ganito, ganyan..."

Continue reading below ↓

Nalungkot ba siya nang mawala si Lara sa show?

"Oo naman," sagot niya. "Kahit paano dahil wala naman kaming masamang tinapay ni Lara. Mabait naman yung tao."

May tsismis din na hindi raw ito ang unang pagkakataon na may na-violate na rule si Lara at ilang beses na rin daw siyang na-late sa show. Totoo ba ito?

"Hindi naman. First time lang. Pero yung late, hindi ko alam yung isyu na yan. Si Lara kasi, hindi naman siya pasaway, e."

May anggulo rin na baka nataon lang si Lara na natsugi sa show dahil kailangan na talagang magbawas ng co-host si Willie?

"Hindi naman po siguro. Kasi ang alam ko naghahanap nga sila ulit ngayon ng kapalit. Kanina merong si Ano...Maricar? Pinag-trial nila kanina, e. Model siya."

POKWANG THE GOLDMINE. Goldmine na rin daw na maituturing si Pokwang dahil sa angkin niyang talent. Kaya naman isa siya sa mga pinakaabalang komedyante sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"Actually, para sa amin itong looks na ito impyerno na ‘to, e. Pero hindi... Ay, ano ba?

"Sa tingin ninyo kung kasing-ganda ko si Bea mabibili ko pa yung bahay at lupa ko?

"Kasi marami silang ano, kumbaga marami na silang magaganda."

LOOK-ALIKES. Flattered ba siya kapag sinasabing kamukha niya ang ex-PBB Celebrity Edition Season 2 at beauty titlist na si Zarah Aldana?

"Ah! Opo, opo! So, maganda pala talaga ako!

"Kasi yung nanay ko laging pinamumukha sa akin, ‘Chaka ka, Chaka ka.' Ha-ha-ha!"

May nagsabi rin among members of the press sa presscon ng Poohkwang na kamukha niya si Carmen Pateña, ang '60s Pinay diva.

"Carmen Pateña naman. Ang dami kong kamukha. Dati, Aruray [1960-early '70s na babaeng komedyante]. Siguro po depende sa ayos ng buhok ko. Pero mas madalas kamukha ko raw si Aruray."

Sino ang mas gusto niya na maging kamukha?

"Kahit sino po. Basta may mukha. Mahirap yung blangko, ‘di ba? Multo yun," natatawang sabi ni Pokwang.

Continue reading below ↓

THE STAGE IS POKWANG'S. Kapag nasa stage daw si Pokwang, ang feeling naman niya ay ang ganda-ganda niya kahit alam niya na hindi totoo.

"‘Tsaka sa akin ang stage. Akin 'to. Diyan lang kayo. Relax kayo. Nagbayad kayo, so, sagot ko na yung saya. Basta pag tumuntong ako ng stage walang kaba.

"Sa backstage talagang halos maiihi ako sa nerbyos. Pero kapag nandiyan na ako, akin ‘to. Ayokong pinapakialaman kung anuman ang gagawin ko. Pero ang concern ko yung tao. Baka may mga bata, yun," tapos ni Pokwang.

Read Next
Read More Stories About
Pokwang, Lara Quigaman
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Three months before na ano, kinausap na kami. Na walang boyfriend sa studio... Nagkataon si Lara, nagmamahal yung tao. Ahh, kasi ang alam ko kapag pumapasok si Papi [Willie Revillame] sa dressing room sinasabihan kami, e. Pero pabiro. Pabiro na, ‘O, walang magsasama ng boyfriend, ha.' Yung mga pabirong ganun," relates Pokwang when asked if there is indeed a house rule in Wowowee! banning the presence of female hosts' boyfriends
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results