Jericho says "magic and chemistry" make team-up with Kristine a success

by Melba R. Llanera
Jun 3, 2008
Almost five years after their last project together, the Kristine Hermosa-Jericho Rosales tandem will once again be seen on television. Are they going to be able to bring back the spark and the magic? Let's wait and see.

Sa balitang magsasama raw sa isang teleserye sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa ABS-CBN, mas marami ang higit na natuwa sa pagbabalik-tambalan ng dating magkapareha.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, ika-31 ng Mayo, kay Echo sa dressing room ng ASAP,hindi niya makumpirma sa ngayon ang teleserye na umano'y magiging project nila ni Tintin. Subalit hindi niya itinago na isang episode sa Maalaala Mo Kaya at isang pelikula ang pagsasamahan nila ng dating kapareha.

"Magsasama kami sa MMK. We're shooting it this month. Right now, naghahanap pa sila ng magandang istorya, siyempre, comeback. There's a movie offer too so I'm really excited working with Kristine again."

Proven na ang pagtanggap at suporta ng mga tao sa tambalang Kristine-Jericho kung ang pagbabasehan lang ay kung gaano inabangan at sinuportahan ng publiko ang mga serye nilang Sana'y Wala Nang Wakas at Pangako Sa Iyo.

Bukod pa rito ang box office results ng mga pelikula kunng saan nagkasama sila gaya ng Forevermore at Ngayong Nandito. Sa tanong namin kung ano kayang karisma meron ang kanilang tambayan, chemistry and magic ang sagot na ibinigay sa amin ng aktor.

Continue reading below ↓

"I don't exactly know about that kasi matagal na akong walang ka-love team so di ko talaga na-o-obserbahan yung ganun. But yung sa amin kasi ni Kristine, tinaggap at minahal talaga. We separated for a while, siguro na-miss nila...Yun ang hinintay nila. Siguro we have that chemistry, tapos the way we work together, maybe that's something else," paliwanag ng actor-singer.

First boyfriend ni Kristine si Echo so hindi malayong mabahiran agad ng intriga at isyu ang kanilang balik-tambalan, lalo pa't parehong walang commitment ang dalawa. But Jericho assured the public that the tandem will be just for reel.

"This is gonna be purely professional, purely work lang talaga. This time, I'm gonna be a different Jericho, more focused and professional," said Echo.

Marami ang nagtatanong: Kung hindi sila nag-break ni Heart, tanggapin pa kaya ni Echo ang offer na magkatamabal sila uli ni Kristine?

"Oo naman, bakit naman hindi? Trabaho naman ‘yun," pagtatapos niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Almost five years after their last project together, the Kristine Hermosa-Jericho Rosales tandem will once again be seen on television. Are they going to be able to bring back the spark and the magic? Let's wait and see.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results