Pokwang refuses to talk about rumored 'power-tripping' of Willie Revillame

Jun 4, 2008
"In fairness sa kanya, siya talaga ang star ng show. Sa part ko, may utang na loob ako sa kanya. At para sa tulad ko na may binubuhay na anak, di ba? Kumbaga, malaki ang utang na loob ko na kinuha niya ako sa Wowowee, inilagay niya ko sa show," says Pokwang when asked whether it is true or not that Willie Revillame sometimes does "power-tripping" on their show.

Undeniably, one of the most in demand at busiest comediennes sa kasalukuyan si Pokwang. Bukod kasi sa kanyang daily noontime show na Wowowee at sitcom na That's My Doc, may mga pelikula at shows—in and out of the country—pa siyang pinagkakaabalahan.

Kaya naman aminado si Pokwang at ang kapwa niya stand-up comedian na si Pooh na nahirapan talagang pagtapuin ang schedules nilang dalawa para sa first show nila together, ang Poohkwang sa Music Museum. In fact, halos last week of May na raw sila nakapag-meet for the show. Sa part ni Pokwang, she had to give up the U.S. concert series of Coverboys, kung saan isa sana siya sa mga guest.

"Dapat, kasama talaga ako sa U.S. tour ng Coverboys, kaso nakakahiya na. Siyempre, kailangan ko na talagang paghandaan itong show namin ni Pooh," simulang pahayag ni Pokwang sa presscon para sa series of shows nila ni Pooh na gaganapin all Fridays and Saturdays of June starting June 6 & 7 sa Music Museum.

Continue reading below ↓

Ayon kay Pokwang, marami raw silang magiging guests ni Pooh, pero surprise daw lahat. Every show rin daw nila, walang mauulit na celebrity guest. Rason para hindi magsawa ang mga tao at sabihing napanood na nila ito.

Hindi rin daw dapat ma-late ang mga tao sa opening number nila ni Pooh dahil sobrang kakaiba raw ang gagawin nila rito. Para kay Pokwang, lahat ng gagawin nila sa show ay highlight, kung kaya't wala siyang ma-consider na pinaka-highlight.

Natatawa nitong sabi, "Lahat highlight! From start to end, highlight dahil naka-high kami palagi!"

May nagsasabing sina Pokwang at Pooh ang future Ai-Ai delas Alas ang Allan K, na mga idolo raw nilang talaga.

Pabirong sagot ni Pokwang dito, "Naku, magagaling talaga sila! As in, magaling! Pero sige na nga, tatanggapin ko na ang sinasabi niyo."

BEAUTY IS IN THE EYE.... Hindi ba ini-imagine ni Pokwang na sana kasing ganda rin siya ng ibang artista, gaya ni Bea Alonzo, for example?

Continue reading below ↓

"Hay naku, sa tingin niyo ba kung kasing ganda ko si Bea, e, mabibili ko ang lupa at bahay ko? Siyempre hindi! Ang dami na nilang magaganda!" nakakatawang katuwiran niya.

Ano naman ang masasabi niya na may nakakakita ng anggulo niyang kamukha niya ang FHM cover girl na si Precious Adona?

"Wow! So, maganda pala ako? Ang nanay ko kasi, palaging sinasabi noon na, ‘Pangit ka anak, pangit ka!" biro ni Pokwang.

"Pero siguro, depende kasi ‘yan sa ayos ng buhok ko," patuloy niya. "Pero madalas kasi, ang sinasabi nila, ang kamukha ko raw ay si Aruray. Ako naman, kahit na sino ang kamukha ko, okey lang sa akin. Basta kailangan, kumpleto ang mukha. May face! ‘Kaloka naman kung walang face, baka multo na ‘yun!" hirit pa niya.

NO SEX LIFE IS OK. Pagdating sa sex life, ito raw ang bagay na zero talaga siya. Biro pa niya, kahit ano na raw ang lalaki, basta tatanggapin daw talaga siya at mamahalin, tatanggapin na niya dahil ganoon na raw siya ka-desperate. Eleven years na raw siyang naburo at walang sex life. Her daughter is already 12 years old.

Continue reading below ↓

On a serious note, okay naman daw siya sa buhay niya ngayon kahit wala siyang love life. Yung totoo, hindi naman daw siya nawawalan ng mga lalaking nagkakainteres sa kanya, lalo na siyempre ang mga foreigner.

"Marami!" bulalas niya. "Alam niyo naman ang exotic beauty na katulad ko, di ba? Siguro ano lang ako, more on work talaga ang priority ko. Gusto ko pang yumaman nang yumaman. So, kapag mayaman na siguro ako."

POKWANG'S ASSETS. Meron nang sariling bahay at lupa si Pokwang sa Antipolo. Bukod dito, meron pa siyang ibang lupain na na-acquire sa Batangas and, if ever, gusto raw niya itong gawing resort. Kasosyo rin siya ng ABS-CBN executive na si Roxy Liquigan sa karaoke bar na Blue Without U bar sa may Esquinita.

Marami pa ba ang kulang para masabi niyang mayaman na nga siya?

"Marami pa! Pero sa lovelife kasi, naku, kapag dumating na lang siya, e, di dumating, di ba? Pero marami naman nga diyan, kaso yung iba, gusto lang palang mag-artista! ‘Kaloka, di ba? Sasabihin sa ‘yo, ‘Puwede ba akong dumalaw sa shooting or sa taping?' ‘Tapos parang makikita mo, nag-e-emote na sa direktor! Naku, ‘pag ganoon, e, di goodbye, di ba?"

Continue reading below ↓

Napatili lang si Pokwang nang tanungin kung naranasan din ba niya na nagpapa-pasa-load na sa kanya ang isang guy?

"Hay naku, hindi pa naman! At saka babae ako, ‘no! Hindi naman ako bading," tawa niya. "Pero meron din yun, e... Di ‘ayan, hindi pa naman yung formal na ligawan na talaga, kumbaga text-text, tawagan... Biglang magte-text sa ‘yo, na tipong may problema sa pamilya, may ganitong kailangan. Naku, yun na! Hindi man magsasabi ng diretso, pero alam mo yun? So parang, ‘Ah, okay!'"

Ayon pa kay Pokwang, malaking tulong sa kanya na sobrang busy siya sa trabaho dahil itinutulog na lang daw niya kapag naiisip niyang wala siyang lovelife.

"WOWOWEE" CONTROVERSY. Siyempre pa, hindi rin nakaiwas si Pokwang sa mga tanong tungkol naman sa dati niyang kasamahan sa Wowowee na si Precious Lara Quigaman. Sa puntong ito, biglang nag-tone down si Pokwang at nakiusap agad na kung puwede ay huwag na lang siyang tanungin tungkol dito.

Continue reading below ↓

Nalaman lang din daw niya ang pagkakatanggal kay Lara nang makabalik na sila from Hawaii. Pero aniya, siyempre, as the saying goes, the show must go on.

"E, hindi naman kami dapat magpaapekto, di ba? Lalo na sa part ko, siyempre ako yung comedy ng show. So, hindi talaga ko dapat magpaapekto kapag may ganoon," paliwanag niya.

Naitanong tuloy ng PEP kay Pokwang kung nagkataon kaya na siya ang may bitbit na boyfriend sa Hawaii, natsugi rin kaya siya?

"Baka hindi, baka tatawanan lang nila ako. Baka sabihin pa nila, ‘Ikaw talaga Pookey!'"natatawa niyang sabi. "E, kasi yung mga yun naman, parang hindi nila alam kung kailan nila ako seseryosohin. Minsan umiiyak na ako, hindi pa rin nila alam na seryoso na ako!"

Sa puntong ito, pabiro nang nanghingi ng tubig si Pokwang. Natawa pa siya nang seryosohin at bigyan nga siya ng tubig ng kanyang PA. Pero tinotoo na rin ni Pokwang ang pag-inom tuwing may tanong na ibabato sa kanya about Willie Revillame.

Continue reading below ↓

Perno nilinaw ni Pokawang na magkaibigan pa rin sila ni Lara. Magka-text at magkasama pa rin daw kasi sila sa That's My Doc. Tingin niya, okay naman daw ang dating Miss International despite what happened.

WILLIE'S SHOW. Ayaw nang magbigay ng anumang komento ni Pokwang regarding Willie at sa ibinabatong tanong sa kanya ng ilang press kung totoo nga ba na tipong nagpa-power tripping ang host ng Wowowee.

Aniya, "Show niya yun, e. In fairness sa kanya, siya talaga ang star ng show. Sa part ko, may utang na loob ako sa kanya. At para sa tulad ko na may binubuhay na anak, di ba? Kumbaga, malaki ang utang na loob ko na kinuha niya ako sa Wowowee, inilagay niya ko sa show. Ibig sabihin lang no'n, may tiwala kasi siya sa akin."

When asked kung under contract ba siya sa Wowowee, ito raw ang inaayos pa ng Star Magic. Pero aniya, wala naman daw problema kapag kailangan niyang umalis ng bansa for a show.

Continue reading below ↓

"Ako kasi, maaga pa lang, nagpapaalam na ako. Nagsasabi na ako na mawawala ako. Okey naman, naiintindihan naman. At saka ako kasi, focused kasi ako sa work. Hindi ko naman sinasabing si Lara, hindi siya focused... E, siyempre, in love yung tao. Puso yun, ‘no?"

Sa huli, Pokwang was asked kung dapat daw ba na katakutan ang isang Willie Revillame. Muli, napainom siya ng tubig sabay sabi kay Pooh na, "Halika na Pooh, mag-rehearsal na tayo."

Pero seryoso na niyang sabi: "Alam n'yo, si Papi, tao lang din siya. He's a loner. Loner yun, e, kaya mababaw lang kaligayahan nun. Tulad nga ng sinabi ko, siya naman talaga ang bida ng show. At basta ako, malaki ang utang na loob ko sa kanya."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"In fairness sa kanya, siya talaga ang star ng show. Sa part ko, may utang na loob ako sa kanya. At para sa tulad ko na may binubuhay na anak, di ba? Kumbaga, malaki ang utang na loob ko na kinuha niya ako sa Wowowee, inilagay niya ko sa show," says Pokwang when asked whether it is true or not that Willie Revillame sometimes does "power-tripping" on their show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results