Chynna Ortaleza on playing villain roles: "Naku, mabuti na ito kesa walang trabaho!"

by Archie de Calma
Jun 4, 2008
"Masaya ako sa nangyayari sa career ko. At saka naging loyal talaga ako sa GMA-7. Kasi mula sa pagkabata ko, parang sila na ang sumuporta sa akin. Hindi ko ma-imagine na magagawa rin ng iba yung pag-aalagang ginagawa sa akin sa GMA," says Chynna Ortaleza.

Si Chynna Ortaleza ang major villainess sa Codename: Asero, ang bagong action series ng GMA-7 na pagbibidahan ni Richard Gutierrez. Basically, siya ang gaganap sa character na magpapahirap sa buhay ni Heart Evangelista.

Tanggap ni Chynna na nag-e-excel siya sa character roles kaya rito siya ipinupuwesto ng GMA-7. Pero kinulit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress sa isyu na there was a time na sumama ang loob niya sa GMA-7 dahil walang pinatutunguhan ang career niya noon.

"Actually, hindi dapat gawing isyu 'yan," sabi niya. "Kasi when I was younger, kapag tinatanong ako kung okey sa akin ang roles ng kontrabida, okey lang sa akin. Gusto ko.

"Sa GMA Artist Center nga, kinlaro ko pa 'yan. Na kung sa palagay nila, gaganda ang takbo ng career ko kung maa-assign ako sa character roles, okey lang sa akin. Mas gusto ko yun kesa matetengga lang ako," tuloy-tuloy na paliwanag ni Chynna.

Continue reading below ↓

LOYAL TO THE KAPUSO NETWORK. Mahilig daw siya sa challenge, kaya malabong maghinanakit pa siya sa GMA-7 dahil puro kontrabida ang ibinibigay sa kanya.

"Naku, mabuti na ito kesa walang trabaho!" at napangiti na lang si Chynna. "Masaya ako sa nangyayari sa career ko. At saka naging loyal talaga ako sa GMA-7. Kasi mula sa pagkabata ko, parang sila na ang sumuporta sa akin. Hindi ko ma-imagine na magagawa rin ng iba yung pag-aalagang ginagawa sa akin sa GMA.

"Wala pa akong pangalan noon. Sila yung nagtiwala sa akin, nakita lang nila ako sa commercial. Nakatulong ako sa pamilya ko dahil sa kanila. Hindi ko makakalimutan yun. Hindi ko maiwan ang GMA, sa totoo lang."

Naikuwento pa ni Chynna na there was a time, may isyu noon na lilipat na siya sa ABS-CBN.

"Ang Papa ko kasi, may connect siya sa ABS," lahad ng young actress. "Mga three years na ako noon sa GMA, pero sabi ko kay Papa, masaya na ako sa GMA. Yung mga artista rito, mga kasundo ko lahat, mga kaibigan ko na. Mahihirapan yata akong makipagsapalaran sa iba.

Continue reading below ↓

"Ang hirap kasi, para bang back to zero ang mangyayari sa akin sa Dos. E, paano kung hindi naman ako mabigyan ng trabaho doon na gaya rito sa GMA? Ayoko nang isipin yun, since I'm very happy na rin naman with GMA-7."

FIVE-YEAR RELATIONSHIP. Bongga ang lovelife ni Chynna. Limang taon nang ongoing ang relasyon nila ng young actor na si Railey Valeroso.

"Yun yata ang sinasabing magic talaga," nangingiting pahayag ng dalaga. "Hindi naman ako tumigil sa pag-aartista, pero nariyan pa rin yung relasyon. Palagay ko, pareho lang kaming matatag."

Ayon kay Chynna, mahal daw kasi nila ang isa't isa. Si Railey ay nagkakatrabaho sa ABS-CBN samantalang si Chynna ay stick sa GMA-7. Pinag-usapan ba nila ito?

"Hindi naman," sagot niya. "Career niya 'yan, e. Ang naiisip lang ni Railey, hindi na siya bumabata. I-tap na siguro niya lahat ng potentials niya, lahat ng pupuwede niyang magawa para kumita. Very supportive ako pagdating sa bagay na 'yan.

Continue reading below ↓

"Huwag lang babalik yung mga isyu sa kanya noong bata pa siya na hindi siya nagseseryoso sa work niya. Yun kasi ang reklamo sa kanya noon. Hindi siya naka-focus. So, sa ngayon, nakikita namang kahit paano, may pinupuntahan na ang career niya."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Masaya ako sa nangyayari sa career ko. At saka naging loyal talaga ako sa GMA-7. Kasi mula sa pagkabata ko, parang sila na ang sumuporta sa akin. Hindi ko ma-imagine na magagawa rin ng iba yung pag-aalagang ginagawa sa akin sa GMA," says Chynna Ortaleza.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results