Ruffa Gutierrez not interested in younger suitors

IMAGE 0


"Si Yilmaz is two yearsyounger than me. Okay lang kung gano'n, pero ayoko naman kung ten years youngerthan me. Gusto ko yung may matututunan din naman ako sa buhay sakanya," says Ruffa Gutierrez about entertaining suitors younger than herself.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angshooting ng My Monster Mom ng mag-inang Ruffa Gutierrez and Annabelle Rama, sa ApoSt., Quezon City kahapon, June 3. Kasalukuyang nagsu-shoot ng teaser ngmovie si Direk Joey Reyes nang dumating kami.

Nakausap ng PEP si Ruffa after their shoot.Nagbigay naman siya ng time kahit tapos na siya at puwede na siyangumuwi.

Una naming kinumusta sa kanya ang shooting with her mom.

"Masaya, pero kung minsan nai-stress din ako kapag kamiang magkaeksena," nakangiting sabi ni Ruffa. "Siguro dahil thirteenyears old pa lang ako, umaarte na ako kaya kung minsan nag-a-adlib na ako. Pero naguguluhan si Mommy. Ang sinusundan kasi niya, dialogue ko, kaya kapagnag-adlib ako, hindi na siya makasunod.

"Pero kapag napanood ninyo ang movie, hahanga kayo kayMommy, kasi mahusay at kuwela siya. Excited na nga akong mapanood angbuong movie. Although nakikita ko na ang ilang eksena kapag nagda-dubbing kami,at tawa ako nang tawa. I hope magustuhan ito ng mga manonood."

KRIS ON "SHOWBIZ CENTRAL." Natanong din ng PEP kay Ruffa kung ano ang naging reactionnila sa The Buzz nang mag-guest ang dati nitong host na si Kris Aquino sakatapat nilang Showbiz Central last Sunday, June.

Kung ang The Buzz kasi aynagse-celebrate ng kanilang ninth anniversary, first year anniversary naman ngShowbiz Central. At bilang regalo ni Kris sa kaibigan niyang si John "Sweet"Lapus, ay nagpaunlak siyang magpa-interview for the first time sa ShowbizCentral.

"Ay, naloka kami!" tawa ni Ruffa. "Pero ang mga boss namin angnag-react. Pero ano pa ang magagawa namin?Sinabi ni Kris na kaya niya ginawa ‘yon ay for Josh and Sweet.Alam naman namin na best friend ni Kris si Sweet at parang tatay siya ni Joshua."

Josh is actually celebrating his birthday today, June 4.Pero nag-party na sila sa bahay ni Kris sa Valle Verde last Sunday dahil nandoonang mommy niya, former President Corazon Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When asked kung maggi-guest din ba sa The Buzz si Kris dahilanniversary rin nila, hindi raw sigurado si Ruffa dahil wala pa raw sinasabi sakanila.

Halos every day raw ay 12 newspapers and tabloids angbinabasa niya dahil ayaw niyang mahuli sa balitang showbiz. Nae-excite dawsiya kapag may nami-meet siyang mga bagong artista ng ABS-CBN. Sa mgataga-GMA Network naman daw, kinukuwentuhan siya ni Raymond. Wala raw siyangfeeling ng generation gap sa mga mas batang artista.

FALLING FOR A YOUNGER MAN. Sa The Buzz naman noong Sunday, nag-blush si PioloPascual nang biruin siya kay Ruffa. Type ba ni Ruffa na magkaroon ngnagkaka-crush, suitor, o boyfriend na younger sa kanya?

"Ay, naku, hindi kami textmates ni Piolo kaya nagulatdin ako," sabi ni Ruffa. "Alam kong may mga nagkaka-crush pa rin sa akin, peropinapakitaan ko na lang sila ng maganda. Ayoko namang diretsahin sila na ayawko sa kanila.

"Si Yilmaz [Bektas, her estranged husband] is two yearsyounger than me. Okay lang kung gano'n, pero ayoko naman kung ten years youngerthan me. Gusto ko yung may matututunan din naman ako sa buhay sakanya.

"Hindi ako interesado sa mga bagets na suitor. Alam kong maygustong manligaw, pero gusto ko muna double-date. Ayoko ng kami langdalawa. Paano naman kung hindi ko siya type? Ibig sabihin, magdamag nakami lang dalawa ang magkasama at magkausap?" pahayag niya.

MISSING ISTANBUL. Nabanggit na rin lamang si Yilmaz, hindi ba niya nami-missang Istanbul dahil two years na rin simula nang umalis siya roon?

"Yes, nami-miss ko rin ang Istanbul—my friends, angfood doon, nami-miss ko rin yung mga clothes ko doon. Remember, dalawang maletalang ang naiuwi ko, mga summer clothes pa. Wala akong nadalang fur coatsko!" natatawang wika ni Ruffa.

"Aanhin ko naman ang fur coats kung hindi ako masaya?Happy lang ako doon kapag mabait si Yilmaz, kaya nag-decide na rin akongumalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nabuhay ulit ang communication namin ni Yilmaznang tumawag siya noong isang araw dahil kinumusta niya ang mga anak namin,sina Lorin at Venice. He said, ‘Thank you for taking care of my kids andthank you for loving me.' Nakausap din daw niya ang parents niya na nagsabing,‘Be good to Ruffa, she takes good care of your kids.'

"Tinatawagan ko rin naman ang parents ni Yilmaz at hindi akomakapigil maging emotional, lalo na kapag sinasabi nilang patawarin ko na rawsi Yilmaz. Sagot ko naman sa kanila, matagal ko na siyang napatawad."

Paano ang sustento ni Yilmaz sa kanilang mga anak?

"One thing naman with Yilmaz, he keeps his promises,kahit late na. Alam ko, hindi niya ‘yon nalilimutan. But I'm matatagand strong now. I'm working, earning my own keep. At lagi akongnagse-set aside ng money for my kids' future. Like ngayon, nag-aaral nasila. Ang mahal ng tuition!

"Pero gusto ko silang matutong magsalita ng Turkish paramakapag-usap sila ng daddy nila. Gusto ko ring matuto sila ng Spanish, kasi siDaddy [Eddie Gutierrez] ay half-Spanish; ng Chinese, kasi I believe na Chinawill be the next great nation," sunud-sunod na sabi ni Ruffa.

UNDER ONE ROOF. Happy si Ruffa ngayon na after 12 years, muli silangnagkasama-sama sa isang bahay ng kanyang pamilya sa Dasmariñas.

"Ito ‘yong biniling bahay ni Richard [Gutierrez, her brother] sa DasmariñasVillage sa Makati, at sina mommy at daddy ang nagpa-renovate. Hindi palumilipat si Raymond, pero inaayos na niya ang paglipat doon. Si Richard,malapit lang naman siya. Pero kung gusto niyang doon magpahinga o matulog, maysarili siyang room doon sa likod ng house," kuwento ni Ruffa.

DAWN & GRETCHEN. Naalaalang itanong ng PEP kay Ruffa ang tungkol sapagtataray diumano ni Dawn Zulueta sa entertainment press na nagtanongtungkol sa feud nila ni Gretchen Barretto dahil ayaw na raw kasi niya itong pag-usapan. Sila ba ni Dawn, okay naman? How about si Gretchen na parangtahimik ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey kami ni Dawn at ini-invite nga niya ako kapag mayfamily function sila. Si Gretchen, narito siya pero hindi siya sumasagot sa mgatawag ko. Kahit text, hindi siya nagre-respond. Baka gusto lang niya talagangmanahimik muna,"saad ni Ruffa.

DANIELLA IN BETTY LA FEA. Si Ruffa ang napiling gumanap na Daniella sa remake ng ABS-CBN saColombian telenovela na Yo Soy Betty La Fea. Pinaghahandaan na ba ni Ruffa ito?

"Yes, kinuha na nila ang schedule ko, pina-block off nanila lahat ng Mondays, Wednesdays, and Fridays ko simula sa second week of Julyhanggang February 2009. Hindi ko pa alam kung paano ko ita-tackle angrole ko. Pero isa raw ambitious woman si Daniella, matapang, mataray, at ayaw niyang makatrabaho si Betty. Pero hindisiya kontrabida. Yun pa lang angnai-present nila sa akin.

Dagdag niya, "I'll also be doing Desperadas 2 by theend of July. Kaya every Tuesdays, Thursdays, and Saturdays naman ang shootingko doon. Wala na akong pahinga dahil every Sunday naman ang The Buzz."

Ayon kay Ruffa, sila pa rin nina Rufa Mae Quinto, IzaCalzado, at Marian Rivera ang bubuo ng cast ng Desperadas sa direksiyon pa rin JoelLamangan. Pero this time, kasama na nila si Eugene Domingo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN