Jodi Sta. Maria says ex-boyfriend Baron Geisler is just "misunderstood"

IMAGE 0


"Siguromisunderstood lang talaga siya. Ang nama-magnify lang ng mga tao sa kanyaay yung mga pagkakamali niya, pero hindi nila napagtutuunan ng pansin yunggood side niya," says Jodi Sta. Maria about ex-boyfriend Baron Geisler.



With her happyfamily life and successful career, si Jodi Sta. Maria ay isang magandanghalimbawa sa hanay ng mga artista natin na kahit nagkapamilya sa murang edad aymay lugar pa rin sa showbiz, dala na rin ng kanyang galing sapag-arte.

It seems thateverything fell into place for Jodi. Pagkatapos ng mga balitanoon na may mga problema ang pagsasama nila ng asawang si PampiLacson, ngayon ay tahimik at wala nang naririnig na pagsubok na pinagdadaananang mag-asawa.

Sa usaping showbiznaman ay lutang na lutang ang husay at versatility niya bilang aktres, kaya hindi nawawalan ng proyketo si Jodi.

THE EX-BOYFRIEND. Sa kabila nitoay nauugnay pa rin ang pangalan niya sa hindi magagandang nangyayari saex-boyfriend na si Baron Geisler. Ayon sa usap-usapan, dinamdam at dumaan dawsa matinding depression ang binatang aktor nang magkahiwalay sila at mag-asawasi Jodi ilang taon na ang nakakalipas. Dagdag na balita rin na nakaapekto rawito nang husto kay Baron at naging rason kung bakit ngayon ay nasasabit ang young actor sakabi-kabilang mga gulo.

Nang makausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Jodi, sinabi niya na nagtataka siya sa iniisipna ito ng ibang tao gayong pitong taon na ang nakalipas mula nang magkahiwalaysila ni Baron.

"I don't thinkthat's true, 2001 pa yun, ang tagal na, 2008 na ngayon. It's seven yearsalready. I'm sure Baron is really happywith his life right now.

"Nang nagkahiwalaykami nun, masakit sa akin, masakit sa kanya. Sino ba naman ang naghihiwalay namasaya, di ba? Pero lahat naman nakakapag-move on. He has moved on and I havemoved on also."

Isa sa problemangkinahaharap ngayon ni Baron ay ang kasong act of lasciviousness na isinampa sakanya ng panganay na anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si PatriciaMartinez. Nagbanta si Patricia at ang pamilya Martinez na hindimakikipag-settle kay Baron at hindi sila hihinto hangga't hindi nakukulong angaktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin naminsi Jodi tungkol dito, ipinaliwanag naman ng aktres na wala siya sa posisyon namagsalita ng kahit na ano tungkol sa kaso, kahit pa nga nagkausap na sila niBaron at nasabi na nito sa kanya ang panig ng aktor.

"What I do namankasi if I hear something, I don't believe right away. So what I do, since Baronnaman is my friend, I call him and I ask him if it's true nga yung mganangyayari and he explained it naman.

"Actually, hindi koalam yung buong detalye. So wala ako sa position para magsabi ng kung ano angdapat nilang gawin or hindi nila dapat gawin, or kung ano ang totoo at hindi."

Para kay Jodi,misunderstood lang madalas si Baron ng ibang tao.

"Siguromisunderstood lang talaga siya. Ang nama-magnify lang ng mga tao sa kanyaay yung mga pagkakamali niya, pero hindi nila napagtutuunan ng pansin yunggood side niya," pagtatanggol ng aktressa dating kapareha.

FAMILY LIFE. Masaya at kuntentosa buhay may-asawa, ikinuwento ni Jodi sa PEP na nakalipat na sila sasarili nilang bahay. Ini-enjoy na raw niya angresponsibilidad ng pagiging isang maybahay.

"Mabuti kami, threeyears na kami ni Pampi and, so far, wala namang problema. So far, everything isdoing well. We just moved to our new house. Ngayon, mas natututo ako sabudgeting. Siyempre, responsiblidad ko na ang buong house kasi kami na angnagpapatakbo," lahad niya.

Nang tanungin naminkung wala pa ba silang balak na sundan ang anak nilang si Thirdy, sinabi ni Jodi na wala pa silang plano sa ngayon to have another baby.

"Thirdy is two-and-a-half years old, but wala pa kaming balak na magka-baby uli ni Pampi.Kasi gusto pa naming mas maging ready for the second one, and right now, di pakami prepared. We're not in rush naman because I'm only 26 and he's 27,"paliwanag ni Jodi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After Patayin saSindak at Palos, balita na may mga nakalinyang trabaho na gagawin si Jodi sakanyang mother studio, ang ABS CBN. Katatapos lang niyang gawinang Sisa, isang indie film under Car and Carl Productions, kung saan kasama niyasina Jeffrey Hidalgo at Christian Vasquez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN