GMA Artist Center head Ida Henares happy for her talents' victory in Supermodel contest in China

Jun 5, 2008
GMA Artist Center Head Ida Henares on her niece Rhian Ramos: "I don't need to speak for Rhian because nagsalita naman na siya sa Showbiz Central. Nasabi na niya ang dapat at tama na 'yon."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang head ng GMA Artist Center (GMAAC) na si Ms. Ida Ramos-Henares sa opening ng POP! Nostalgia photo exhibit ni Jay Tablante sa Crucible Gallery ng SM Megamall noong June 3.

Masaya si Ms. Ida sa naging resulta ng pag-compete ng ilang talents ng GMAAC sa Asian Supermodel Contest sa China last week. Hindi naman daw nila ini-expect na mag-uuwi ang tatlong candidates nila—sina Rhian Ramos, Steph Henares, at Arci Muñoz—ng special awards dahil hindi naman professional models ang mga ito.

"We are so shocked because we didn't expect to win anything, kasi ang tatangkad ng mga babae doon as compared sa mga girls namin," sabi ni Ms. Ida. "Pero lumaban naman sa personality ang mga ipinadala natin kaya naman we got special awards. It was more than enough, considering na mabilisan lahat. We were not given enough time to prepare the girls. As compared naman sa mga nakalaban nila, mga professional models talaga. But our girls did us proud. Kaya masaya na kami sa mga nakuha nilang awards."

Continue reading below ↓

First time daw na mag-compete ang Pilipinas sa naturang modeling contest. Dahil sa impressive ang naging unang pakikipag-compete ng mga Pinay, every year ay imbitado ang Pilipinas na magpadala ng mga candidates.

"Ang naging maganda pa ay nakilala namin ang ilang mga important people na connected sa contest na ‘yon. And we met other people from different modeling agencies in Asia. It's a good thing kasi magkakaroon na ng exchange of talents between their agencies and GMA Artist Center."

Tungkol naman sa kinasasangkutang intriga ng kanyang pamangkin na si Rhian Ramos, hindi na lang nagbigay ng anumang comment si Ms. Ida. Sinabi nito na masipag magtrabaho si Rhian at pinagkakatiwalaan ito ng GMA-7.

"I don't need to speak for Rhian because nagsalita naman na siya sa Showbiz Central. Nasabi na niya ang dapat at tama na 'yon. Kami naman sa GMAAC, we are here to support our talents. Kung anuman ang projects na ibigay sa kanila, we are there to help them in any which way we can," pahayag niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Rhian Ramos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Artist Center Head Ida Henares on her niece Rhian Ramos: "I don't need to speak for Rhian because nagsalita naman na siya sa Showbiz Central. Nasabi na niya ang dapat at tama na 'yon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results