Gabby Concepcion concentrates on work rather than dwelling on intrigues

by Roldan Castro
Jun 5, 2008
"Actually, importante yung workshop, e. Sineseryoso ko kasi ang tagal kong nawala. Lahat ng pagkakamali ko, puwedeng itama. Kaya pagdating sa set, madali na. Nagkakaintindihan na kami," says Gabby Concepcion about the importance of workshops.

Nakatutok ngayon ang aktor na si Gabby Concepcion sa pagtatrabaho.

Umiiwas na siyang pag-usapan ang dating asawa na si Sharon Cuneta at ayaw na niyang mag-comment kung nanood siya ng pelikula ng Megastar na Caregiver. Ayaw na raw niyang masabihang ginagamit niya lang ang Megastar.

Ingat na ingat din siyang magbitaw ng salita tungkol sa anak na si KC Concepcion at kung anu-ano ang napagkukuwentuhan nilang mag-ama. Ayaw niyang husgahan siyang ginagamit niya ang anak para pag-usapan lang siya. Gusto niyang umiwas sa mga intriga, pati na rin sa usap-usapan tungkol sa mga kasong kinakaharap niya.

Mas interesado siyang pag-usapan ang first taping ng teleseryeng Iisa Pa Lamang ng ABS-CBN. Halos ayaw niyang umalis sa location dahil na-miss niya ang gano'ng setting.

"Ganda! Sariwa ang hangin sa Laguna. Nasa hacienda kami. May mga kabayo, may mga baka, may mga bukuhan. Kahit na abutin ng madaling-araw, okey lang. Kasi sa tagal kong hindi nagsu-shooting, parang bumalik yung maliligayang araw ko.

Continue reading below ↓

"Pagod na silang lahat, ako buhay na buhay pa. Kasi recharge ako, e! Thirteen years akong recharge," lahad ni Gabby nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing ng isang clothing line na endorsement niya.

IMPORTANCE OF WORKSHOPS. May ilang episodes na raw silang nagawa sa serye at okey naman ang bonding niya sa mga co-star niyang sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, at Angelica Panganiban.

"Pumayat si Claudine. She looks very lovely. Very smooth ang skin. Maganda siya, magaling, masarap, exciting," pagsasalarawan niya.

"Meron kaming mga eksena na magkakaroon pa ng workshop. Doon kami naging close ni Claudine sa workshop. So, ‘pag nag-take kami, mas relax dahil may bonding nang nangyari. Ngayon e magkaroon pa ng mga dalawa, tatlo pang workshops habang nagte-taping.

"Actually, importante yung workshop, e. Sineseryoso ko kasi ang tagal kong nawala. Lahat ng pagkakamali ko, puwedeng itama. Kaya pagdating sa set, madali na. Nagkakaintindihan na kami. Natutuwa nga ako dahil kasama rin namin si Laurice [Guillen] sa cast. Nanay ko siya doon kaya nandoon yung support agad," pahayag ng aktor.

Continue reading below ↓

Maayos daw silang nagkatrabaho ni Claudine. Hindi naman daw malayo sa mga nakatrabaho niya noong araw na mga artista.

"May pagkakaiba, pero hindi masyadong malayo," sabi ni Gabby. "Nandoon yung basic. Sa tingin ko, dahil nag-workshop kami, mas dedicated kami sa trabaho, mas devoted kaya ‘pag oras ng trabaho, mas magaan.

"Alam mo itong showbiz, hindi lang pagandahan ng mukha. Pagalingan dito. Hindi puwedeng wala kang input, e. Kasi dito, nag-evolve na, e. Hindi puwedeng patay-patay."

GEORGE CLOONEY OF THE PHILIPPINES. Hindi pa puwedeng banggitin ang bagong clothing line na ie-endorse ni Gabby na ilu-launch sa August. Ang aktor ang pinili ng naturang clothing brand dahil itinuturing nila si Gabby bilang "George Clooney of the Philippines."

Meron ding lalabas na pabango na hango sa pangalan ni Gabby. Of course, labas na sa EDSA ang kanyang billboard ng Lucida-DS Glutathione. Magpipirmahan na rin ng kontrata para sa kanyang album sa Warner Records.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, importante yung workshop, e. Sineseryoso ko kasi ang tagal kong nawala. Lahat ng pagkakamali ko, puwedeng itama. Kaya pagdating sa set, madali na. Nagkakaintindihan na kami," says Gabby Concepcion about the importance of workshops.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results