Pooh shares rags-to-riches story but says Pokwang is richer than him

by Rose Garcia
Jun 6, 2008
Comedian Pooh acknowledges ABS-CBN as the network that really opened the doors for him.

From his humble beginnings, maituturing na ngang success story ang comedian na si Pooh. Natatandaan pa raw niya na bata pa lang siya, ang kumot ang ginagawa niyang telon kasama ang mga kalaro sa Samar bilang stage nila.

Bagama't bata pa lang, hit na siya sa pagpapatawa, pero mas lamang daw rito ang hilig niya sa pagkanta, which is, as Pooh confessed, talagang gusto niyang ginagawa. In fairness naman kasi, he really is gifted with a very good voice.

Una siyang nakilala sa Nota't Kwela na isang comedy bar sa Caloocan City na ngayo'y wala na. Napunta siya sa Music Box, then Jazz Café, at sa bandang huli'y na-discover siya ni Andrew del Real ng The Library.

Kinu-consider ni Pooh na ang ABS-CBN talaga ang nakapag-open ng door sa kanya para mas makilala pa.

"Sa ABS kasi talaga yung mas madalas. Sa GMA dati, may guesting ako, pero sa SiS lang. Minsan, may isang sequence sa pang-hapong show nila, pero yung talagang nagpa-hype, ABS-CBN."

Continue reading below ↓

Bukod sa mga comedy bar at telebisyon, marami na ring show si Pooh outside the country. In fact, ang weekend show nga nila ni Pokwang sa Music Museum na Poohkwang na magsisimula na ngayong Biyernes at Sabado, June 6 and 7, ay halos end of May na lang sila nagkatagpong dalawa para sabay na mag-rehearsal for the show.

THE RICHES. When asked kung sino ang mas rich sa kanilang dalawa ni Pokwang, aminado agad si Pooh na si Pokwang yun.

"Ay, siya! Inaamin ko naman yun," natatawang hirit ni Pooh. "Although, meron na rin naman akong mga properties. Meron ako sa Malolos. Meron din akong isa sa San Jose del Monte. 'Tapos yung nabili ko sa Novaliches, which is two months ago, bumili ako ng lupa na ang plano ko, doon na matayo yung house."

At present, kahit daw masasabi niyang puwede na siyang lumipat ng ibang bahay, sa nirerentahan pa rin daw niyang bahay sa 11th Avenue sa Caloocan sila nakatira.

Continue reading below ↓

"Ang tagal-tagal na naming umuupa dun. Ewan ko talaga, pero hindi ko siya mabitiwan. Matagal ko nang pinaplanong bitawan, pero hindi ko magawa. Ano lang siya, maliit lang siya na bahay na doon na ‘ko namulat.

"1978 nandoon na ‘ko, umuuwi kami ng probinsiya, pagbalik namin, nandoon pa rin kami. Sobrang hirap na hirap ako dati, pero nang magkaroon ako, yun pa rin ang bahay na yun," kuwento niya.

Dagdag niya, sa bahay raw nila, paglabas na paglabas niya ay pilahan ito ng tricycle, na ang pila ay halos nasa 500 na tricycle. Kaya ganoon daw ka-busy ang street nila.

SOLICITATIONS ALMOST EVERY DAY. Hindi raw niya maikakaila na kilalang-kilala na siya sa kanilang lugar. At ayon kay Pooh, hindi nga raw mawawala na halos araw-araw, may dumarating talagang solicitation sa kanya.

"Opo," nangingiti niyang sabi. "May mga sobre na palagi sa gate. Lalo na kapag March, kapag panahon ng mga liga [ng basketball]. Christmas...parang may pila!" natatawa niyang sabi.

Continue reading below ↓

"Minsan nga lang, kapag hindi ko talaga kilala, like yung letter, may galing Mandaluyong. So, parang ako...paano napunta ang Mandaluyong dito? Minsan pinapa-trace ko sa kasama ko. ‘Tapos, malalaman ko, friend pala ng friend ng friend ko, ganun."

LOVE FROM THE PAST. Bongga rin ang kuwento ng lovelife ni Pooh. Aniya, two weeks ago lang daw, nagparamdam sa kanya ang long-time boyfriend niya na umalis ng bansa at nag-abroad.

"Two weeks ago lang!" excited pa niyang sabi. "Sabi niya, 'Pasensiya na, bigla akong nawala, tsu-tsu, tsu-tsu.' Kaso ako, parang wala na...wala na yung feelings, nawala na. Ayoko na kasi talaga ng long-distance."

Sa puntong ito, biglang hiniritan ni Pokwang na nakikinig pala sa interview kay Pooh at nag-dialogue na, "Ganda nito! Akala mo! Siya pa ang ayaw! E, kung ako nga, nagmamakaawa na lang, kahit kanino lang," na ikinatawa ng lahat.

Read Next
Read More Stories About
Pooh, Pokwang
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Pooh acknowledges ABS-CBN as the network that really opened the doors for him.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results