German Moreno on Billy Crawford: "Wala siyang utang na loob."

IMAGE 0


"Wala siyang utang na loob. Huwag na sa akin, sa GMA-7 nalang. Yung saamin, okey lang yun, kung di naman pala niya ako itinuring na parangadviser man lang, okey lang. Pero sa GMA-7, wala siyang pasintabi,"laments German Moreno about Billy Crawford's decision to host ABS-CBN's Pinoy Dream Academy.


Halatang naiirita si German " Kuya Germs" Moreno kapag si BillyCrawford ang tema ng usapan. Kulang na lang ay sabihin niyang ayaw niyangpag-usapan ang mga isyu tungkol sa kinasangkutan nila ng itinuring niyang alaga magmula pa noong That's Entertainment.



Hindi lingid sa showbiz circles ang sama ng loob ni Kuya Germs kay Billy dahil sapaglipat ng huli sa ABS-CBN bilang host ng second season ng Pinoy Dream Academy at ng musical-variety show na ASAP '08.

Lumalabas kasing ginulat na lang ni Billy ang mga taong dating nakapaligid sa kanya dahil sa suddenannouncement na lumipat na siya sa Kapamilya network. Pati nga raw kay Kuya Germs na siyaniyang discoverer-mentor ay hindi na siya nagsabi at basta na lang nagdesisyonna tanggapin ang offer ng kabilang istasyon.

Bago kasi bumalik ng Pilipinas si Billy ay identified siya sa GMA-7. Nagkaroon pa nga siya ng sarili niyang show, ang Move, at naging special guest co-host din siya sa SOP. Meron ding in-offer na bagong TV show sa kanya ang Kapuso Network, pero tinanggihan niya ito.

KUYA GERMS SPEAKS HIS MIND. "Wala na akong gaanong masasabi pa tungkol diyan. Angmasasabi ko lang, masakit dahil ipinagpalit nila ako sa pera," sabi ni KuyaGerms nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos angkanyang daily radio show sa DZBB, ang AM radio station ng GMA-7.


Hangga't maari ay ayaw na sanang magsalita pa ni Kuya Germs. Tila umiiwas na siya sa isyu dahil nga alam niyang emosyonal siya't baka hindi na siyamakakontrol kung magsasalita siya. Pero paminsan-minsan, hindi siya makaiwasna hindi magbigay ng komento.

"Wala siyang utang na loob. Huwag na sa akin, sa GMA-7 na lang. Yung sa amin, okey lang yun, kung di naman pala niya ako itinuring na parang adviser man lang, okey lang. Pero sa GMA-7, wala siyang pasintabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Binigyan siya ng magandang break dito, binigyan siya ngproject, ‘tapos ganoon lang na basta na lang aalis na hindi magsasabi? Nasaanang utang na loob kung ganyan?" malungkot na pahayag ni Kuya Germs.

Hindi rin daw tama yung pinagsasabi ni Billy sa presscon niya sa ABS-CBN.Kulang na lang ay sabihin ni Kuya Germs na sinungaling nga si Billy dahilwalang katotohanan daw yung mga palusot nitong kesyo wala siyang alam nanakikipag-negotiate pala ang management niya sa Dos. Kumbaga, ibig palabasin niBilly na sa umpisa ay hindi niya alam na magtatrabaho pala siya bilang host ngPinoy Dream Academy.

"Lagi kong sinasabi, huwag kalilimutan ang mga taong nakatulong. ‘Yan ay lagi kong ipinaaalala sa mga batang tinutulungan ko. Dun lang kasi sa puntong yun sila puwedeng makaganti. Kahit man lang sa utang na loob, bigyan nila ngimportansiya yung mga nagtitiyaga sa kanila. Nasaan naman ang respeto? Alam niyang consultant ako sa SOP, ‘tapos tatapat siya dun?" iritableng sabini Kuya Germs.

Maaawain naman si German Moreno. Lagi na kasi, kapaglumalapit na yung mga batang naging alibugha sa kanya in the past, agad lumalambotang kanyang puso. Sakali bang lumapit sa kanya si Billy para humingi ngpaumanhin, tatanggapin ba niya ito?

Isang mapaklang ngiti lang ang tugon ni Kuya Germs kasabay ng mabilis na
pag-iling—nangangahulugang hindi pa siya handang patawarin si Billy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN